Chapter 81: Attempted Kidnapping

127 8 1
                                    

[Sandro]

"Madame!!"

Napalingon kami pareho kasi si Luci pala yung sumigaw, ang yaya ni Baby. Ang pinagtatakahan ko bat di niya kasama baby namin.

Siyempre bilang Mommy ni Lexi hinanap niya ito sa kanya at kinabigla rin namin na sinabi niya na dinukot ang Baby Lexi namin. Dahil sa sinabi ni Yaya Luci nagpaalam pa sa akin si Sky na siya na ang kusang magrerescue sa anak namin. Pinipigilan ko siya pero wala akong choice kasi kumaripas na ito ng takbo.

"Sands anong nangyari bat tumatakbo si Sky?" tanong ni Simon.

"Sabi kasi ng Yaya Luci dinukot daw si Baby Lexi ng di nakikilalang mga lalaki kaya ayon umalis agad.. Samahan mo ako hanapin natin si Sky baka may mangyayari sa kanya don." sagot ko.

"Ano?! Lexi was kidnapped?!" gulat na reaksyon ni Simon.

"Sige pa lakasan mo pa Simon para marinig ng buong hall.. Tsss.. Tara na baka di natin sila maabutan.

Hinanap namin ni Simon si Sky sa buong building pero wala siya doon.

"Sands wala naman siya dito sure ka ba na dito yun nagpunta?" tanong ni Simon.

Habang naghahanap kami biglang nagring ang phone ko at sinagot ko kaagad kasi si Dad ang tumatawag.

"Son, where are you? Hinahanap ka na ng mga anak mo.. Also Sky saan siya?"

"Hinahanap nga namin si Sky kasi sabi ni Yaya Luci that Baby Lexi was kidnapped." sagot ko.

"What???!!! Kaya pala balisa siya rito.. Di pwede mastress at mapagod asawa mo Sandro kaya hanapin mo na."

"Yes Dad. Simon and I are looking for her and Baby Lexi." tugon ko.

"Sige mag ingat kayo.. Nag aalala ang Mom niyo kay Sky at kay Lexi." sabi ni Dad.

"Don't worry Dad.. I get Sky and my daughter back." wika ko.

Pagkatapos kong makausap si Dad binalikan ko si Simon.

"Ano? May nakita ka ba jan Simon?" tanong ko. He shook his head that means wala siyang nakita.

"Teka I think baka nasa parking lot siya.. Let's try to find her there." usal ko at tumango si Simon.

Dali dali kaming pumunta ng parking lot.. Iniisa isa namin ang parking lot since ang laki ng parking lot ng centennial hall.

Palingon lingon kami hanggang sa may narinig kaming sumigaw.

"Hindi niyo na makikita ang batang to!!!!!" sigaw nila at tinutukan nila ng kutsilyo ang bata. Then I realized that it was my daughter that man is holding kaya dahil sa bugso ng damdamin napasigaw ako dahil na rin sa takot ko na masaktan ang bata pero nasaktan na ito dahil ginapos ang dalawang kamay at dalawang paa. Baby Lexi don't deserve this pain.

Di ko nakikita si Sky.. Saan na ba siya? 😭 I'm so damn worrried kasi di siya pwedeng mapagod at mastress. Lalo na't safety talaga nilang dalawa ang inaalala ko.

"HUWAAAAAAG!!!!" sumigaw na ako dahil sa halong nararamdaman ko na may takot na mawala sa amin si Baby Lexi at galit dahil sinaktan nila ang anak ko.

"Wag ang anak ko.. Walang kalaban laban yan! Kung may galit kayo sa akin.. Ako ang saktan niyo wag ang baby ko." dagdag ko. I know mga galit to sa pamilya namin kasi kung kalaban to ni Sky never silang nangdadamay ng mga bata eh. They're just going to focus on their main enemy pero ito dinamay na ang anak ko sa galit nila sa akin.

Mayamaya pa nakita namin ni Simon si Sky na tumatakbo...

"Mukhang susugurin ng asawa mo yang mga lalaking yan Sands." sabi ni Simon na nasa tabi ko.

A Romance Of The White Orchid And The Tigress: Book 2Where stories live. Discover now