03: Soulmate

366 28 10
                                    


03: Soulmate

I feel like a part of my soul has loved you since the beginning of everything.

Maybe we're from the same star.

- Emery Allen

══════════•°••°•══════════

Yuan Chen

NSTP is shit. Luckily I only have it every Monday and Friday. Kung hindi lang sa mala-anghel naming instructor sa course na 'yun, I already dropped it on the spot.

I'm currently chilling in Hunyo's room along with Amaya and we're both sprawled in her bed playing with our phones. Tuesday ngayon and my class is only one subject dahil sa irregular ako samantalang MWF naman ang schedule ni Amaya at may early dismissal sila Hunyo ngayon kaya diretso na kami sa bahay nila.

"Buti pinapasok pa tayo ni Frederica sa kwarto ni Hunyo eh nagre-review pala itong mokong na 'to eh." Bulong sa akin ni Amaya habang pumipindot sa phone nito. Normally, hanggang sala lang kami dahil alam ni Frederica kung gaano kami kaingay at kagulo. As June's stepmother, she wants her child to focus on her studies and to not be led astray by us.

Tch, ayaw niya lang aminin na ayaw niyang magkaroon ng social life si Hunyo at gusto niyang i-allocate sa mga anak niya yung connections na si Hunyo ang bumubuo.

I smirked knowing why, "dahil lang naman sa dala mo 'yan Maya eh. You brought a backpack with you today. Kelan ka pa naging mabuting estudyante ha?"

Tumalon bigla si Amaya mula sa pagkakahiga at mabilis na tumakbo sa study table ni Hunyo kung saan niya inilapag ang black na backpack.

"Estupidyante lang ako men." Ngumisi ito at binuksan ang bag upang ilabas ang six-pack flavored canned beer mula duon kasama na ang party size lays.

"Putangina niyo talagang dalawa." Iritadong sabi ni Hunyo nang makita iyon bago bumalik sa pagre-review

"Aral well Juniper Benedicto, baka summa cum laude namin 'yan." Pang-aasar ni Amaya sa aming kaibigan at binuksan ang canned beer bago itinapon ang isa na selyado pa sa akin. Agad ko naman itong nasalo at binuksan.

The beer gave a satisfying frizzle when I pulled the ring off.

"You're the best Amaya." I said and tapped her in the shoulder

"Bobo nga lang mamili ng jowa." Hunyo added

"Wala ka lang jowa eh!" Sigaw ni Amaya at binato ng unan si Hunyo. "Saka excuse me lang ha? Matino naman si Darwin." Pagtatanggol nito sa boyfriend niyang itlog

"Kwento mo 'yan eh. Natural matino siya diyan." June shrugged

"Oh shut up June the virgin, so ano na Chinggoy? Musta kayo ni Velasco?" Tukso nito sa akin ng may nakakalokong ngisi sa labi

"Nah, she's...delusional. Imagine? Sinabihan ba naman akong stalker? Like duh, me? Yuan Chen? No way men. Porque maganda siya and all she can just say that? Eh nagkataon lang naman na siya ang naging instructor ko sa Econ eh. Saka as if naman sinadya kong sundan sila sa Gazelle, gusto ko lang namang bisitahin si Bea du'n." Reklamo ko sa mga kaibigan

Enticing AllureWhere stories live. Discover now