Chapter 28

134 7 2
                                    

GWEN

"Kuya, nasa'n na 'yong cake?" aligaga kong tanong habang binabalanse ang aking cellphone sa pagitan ng pisngi at balikat ko.

Pababa na si Mama pero wala pa siya! Inuna ba naman kasi nito ang kalandian nila ng asawa niya sa pagbabasaan sa dagat kanina imbes na kunin na ang cake na pinagawa ko. Ngayon tuloy, nagmamadali kami.

"Oo na, malapit na ako riyan!"

"Kupad talaga," mahina kong sabi habang tinatapos ang pag-iihaw ng barbeque rito sa spot na pupuwestuhan namin.

"May sinasabi ka, Gwen?"

Sabi ko ang bagal mo!

"Wala, Kuya. Sa'n ka na ba?" I asked him instead. Tinanaw ko ang bukana ng building kung saan lalabas sina Mama kasama ang mga pinsan kong sumundo sa kaniya. "Sinusundo na nina Trunk si Mama pababa rito, bilisan mo na riyan!"

"Traffic pa rito, Sis."

"Not my fault." I hissed. "Bilisan mo na lang kasi. Kanina pa 'yan, eh."

"Wala naman akong sinabi na kasalanan mo, ah. Ba't parang galit ka? May kaaway ka ba riyan?"

Pinaypayan ko nang malakas ang iniihaw ko dahil sa gigil na nararamdaman ko. I gritted my teeth before I harshly throw the fan, kinuha ko ang cellphone dahil naiinis na talaga ako sa kaniya. "Kuya, just faster, okay? Kailangan na 'yang cake ngayon na."

"Oh, chill lang. Ito na umaandar na ako," he replied with a playful chuckle. Mas uminit ang ulo ko nang marinig na tumatawa ito. "Seriously, Gwen, why so grumpy? Meron ka ba ngayon?"

"I'm not into jokes right now, Kuya." Bumuga ako sa hangin para pakalmahin ang sarili ko. "Just do whatever you can do, basta within 20 minutes dapat nandito ka na." At saka ko ibinaba ang tawag nang hindi na naghintay ng reply dito.

Nang masiguro kong kalmado na ako ay muli akong gumawa ng tawag, it's for Venus this time.

"Ano nang nangyayari?" tanong ko agad nang sagutin niya dahil ipinasama ko ito sa mga pinsan ko papunta sa kuwarto ni Mama.

Sila kasi ang aalalay kay Mama papunta rito sa ibaba kung saan inihahanda na namin ang lahat para sa birthday celebration niya. Hindi niya alam na nandito na ang mga relatives namin---well not anymore dahil alam kong may ideya na siya dahil naroon na nga sina Trunk sa hotel ngayon para sunduin siya. Ipinalabas ko kasi na bibigyan ko lang siya ng vacation dito bilang birthday gift but it's actually planned. Naging katuwang ko si Coleen sa pag-aayos ng lahat ng ito, and I'm very thankful dahil maganda ang kinalabasan kahit na tatlong araw lang namin itong pinaghandaan. Maliban na lang kung mahuhuli talaga ang dating ng cake.

"Gwen, nagpapalit lang ng damit si Tita Grace. Malapit na yata siyang matapos," dinig kong sagot ni Venus sa kabilang linya. "Kayo, okay na kayo riyan? Dumating na ba Kuya mo?"

"Paki-libang na muna si Mama, Ven. Wala pa kasi si Kuya rito, eh." Nagsisimula na akong paglakad nang pabalik-balik dahil sa kaba na baka maging palpak ang lahat ng pinaghirapan namin.

"Sige, ako na bahala."

Tumango ako kahit pa hindi nito nakikita. "Basta tawagan mo 'ko 'pag bababa na kayo."

"Copy, Boss G." Then she ended the call.

Napapailing na lang ako sa kabibuhan niya.

I continue roasting the remaining raw barbeque, and when I finished that's when I heard my name being shouted by Jean. Iniwan ko na muna ang mga ginamit ko at sinalubong na ito habang bitbit ang mga luto ng karne.

Can't Be With You [COMPLETED]Where stories live. Discover now