Special Chapter

204 6 0
                                    

CHAPTER 47 : Uncut Scene

~•~

“Come on, balik na tayo ro'n. For sure hinahanap na nila tayo,” sambit ni Coleen na siyang tinanguan ko at nagpadala na lamang rito nang isama niya ako palabas ng tent.

Naabutan naming nagku-kuwentuhan ang mga kasamahan namin habang nakapalibot pa rin sila ng upo sa bonfire. Inaya pa kami ni Kuya Rey ng iniihaw nilang marshmallows na nasa stick nang makaupo kami sa troso.

“Thank you, Kuya.” Abot ko sa dalawang stick na binigay nito, I gave one to Coleen and we started to put it over the fire.

“Maaari bang magtanong sa inyong dalawa?”

Naagaw no'n ang pansin namin kaya natigil kami sa pagtitig sa umiinit na marshmallows. I just nod to Kuya Ernie to give him an approval, siya iyong father ni Aileen na may hawak pa rin ngayon kay Hannie.

“Magkasintahan ba kayong dalawa? Kanina ko pa kasi napapansin iyong kilos ninyo at kung paano kayo tumingin sa isa't isa,” walang bahid ng panghuhusga ang boses nito. Talagang curious lang siya, nakangiti pa nga ito habang nakatingin sa amin. “Hindi ko intensyon na makasakit ng damdamin ninyo mga iha, ha. Pasensiya na kung hindi ninyo inaasahan ang tanong ko,” pahabol pa nito bago mahinang natawa sa sarili.

“Ayos lang ho, Kuya Ernie. And yes, tama po kayo, we are in a relationship.”

“Hindi ba komplikado ang ganiyang relasyon?” usisa pa nito na tila ba interesado talaga sa kuwento namin. Na-a-amuse tuloy ako rito dahil gusto niyang malaman ang ganitong klase ng relasyon sa edad niya. I think he's already in his 50s. Bukas pa rin siya para makinig, unlike sa iba na sarado na talaga ang isip para umintindi.

“Too complicated, Sir.”

I just nod to my girlfriend's reply. Kung ano ang sinagot nito ay iyon din ang nakaguhit sa mukha niya.

“Mga tao ang nagpapa-komplikado riyan eh. Hindi nalang kasi tanggapin, hindi naman sila maaapektuhan kung may ganiyang mga bagay.”

“I beg to disagree, Sir!” sabat ng lalaki na kanina ko pa nasusulyapang panaka-nakang tumitingin sa gawi namin. Alfred yata ang pangalan nito habang Krisha naman ang name ng kasintahan niya. Kita ko pang pinigil ito ng babae pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. “Actually, hindi ako sang-ayon sa ganiyang klase ng relasyon pero nirerespeto ko pa rin naman sila... kayo.” Sabay pasada nito sa amin ng tingin, medyo tumagal lang ang mga mata niya kay Coleen kaya naningkit ang tingin ko rito.

This guy is something.

“Bakit ka naman hindi sumasang-ayon, iho? Hindi ba't dapat ay naiintindihan mo sila gayong nagmamahal ka rin naman? Nagmamahalan lang din sila at hindi mo iyon mapipigil,” bato na tanong sa kaniya ni Kuya Ernie. Nanatili lang kaming tahimik habang naghihintay sa sasabihin ng isa. Mabuti na lang talaga at wala rito iyong mga bata, ramdam ko na rin kasi na umiinit ang usapan.

“Huwag na tayong magpanggap, Tatang. Alam naman natin na hindi maganda na nakikita sila ng mga bata, hindi ba? Hindi ganoon ang nakasanayan nating makita at hindi iyon tama para sa kanila. Baka gayahin pa sila ng mga bata eh.”

Oh fvck you, dude. Be reasonable naman.

Sinulyapan ko si Coleen sa tabi ko, nasa apoy na ang kaninang hawak na stick ng marshmallows. Walang reaksyon ang mukha nito pero nakakuyom ang kamao niya. If I'm mad, alam kong mas galit siya. Well, sino bang hindi sasamá ang mood kapag nakarinig ng gano'n?

Hinawakan ko ang kamay nito at saka hinuli ang mga mata niya. I shake my head saying to just let it pass. Ganitong klase kasi gaya ni Alfred ang mga sinasabi kong sarado ang isipan. Mahihirapan lang kaming magpaliwanag sa kaniya if papatulan pa namin.

Can't Be With You [COMPLETED]Where stories live. Discover now