Chapter 48

128 8 0
                                    

GWEN

After ng vacation namin sa Mindoro ay sa bahay na ako umuwi habang napagpasyahan naman ni Coleen na dumiretso sa apartment niya. Binanggit din nito na rito muna ako kina Mama matulog nang ilang araw dahil na rin sa sinabi ni Kuya na bumalik na ako.

Kahapon nga ay ipinaliwanag ko na sa kanila na nakahanap na ako ng apartment na kasalukuyan kong inuupahan kasama si Jean---na siyang walang paramdam ilang araw na. Pinaintindi ko sa mga ito na kailangan ko nang bumukod dahil gusto kong matutong mamuhay mag-isa at bibisita na lang ako nang madalas---which is partly true.

I feel bad lalo na kay Mama dahil ilang beses na akong nagsisinungaling sa kaniya. Habang si Papa naman ay ang tanging alam lang nito ay nagmo-move on ako at umiiwas na kina Kuya at Coleen, na siyang hindi na totoo ngayon. Isama mo pa si Kuya George na walang alam sa namamagitan sa amin ngayon ng dati niyang asawa. Patong-patong na ang pagsisinungaling ko sa mga ito para lang masunod ang kagustuhan ko na makasama ulit si Coleen. I don't know if you can blame me, I just love her.

10:45 am. Busy kami sa pagluluto ni Mama rito sa kusina nang biglang may kumalabog nang malakas sa labas. Pareho kaming naalarma ni Mama kaya sumilip ako sa labas para lang makita na parang sinisipa ang gate namin hanggang sa matanggal ito.

"Anong nangyayari?" Kunot-noong singit ni Papa sa tabi ko. "Sino 'yang nanggugulo na 'yan? Aba ang lakas ng loob niyang sirain ang pamamahay ko ah!" Sabay sugod nito papunta sa gate.

Sumunod ako rito para awatin siya at para na rin alamin kung ano ang nangyayari sa labas.

Muntikan nang mahampas si Papa ng bakal na gate nang buksan niya ito. "Ano bang problema mo at nag-eeskandalo ka?!" Galit na galit ang hilatsa ng mukha ni Papa nang makita ang nasa labas. Agad ko itong inawat nang akmang aambahan niya ng suntok ang lalaki.

Nang pagmasdan ko ang mukha ng lalaki ay nanlaki ang mga mata ko, ganoon din siya.

"Gwen?"

"Kilala mo ang anak ko?!" pasigaw na usisa ni Papa rito. "Sabihin mo agad ang kailangan mo hangga't nagtitimpi pa ako."

"Pa." I rubbed his back to calm him down. Natanaw ko rin na papalapit si Mama sa eksena. Pati na si Sheila ay nahagip din ng mga mata ko sa 'di kalayuan, hawak ito ng isang lalaki, parang pinipigilan siyang makalapit sa gagawin ng Papa niya. "Tito Shinobi, ano po bang kailangan ninyo?" lakas-loob kong tanong habang pilit na sinasalubong ang matatalim niyang tingin.

"Ikaw ba ang asawa ni Geo?" Base sa itsura niya ay masasabi kong hindi niya matanggap ang naiisip. Halata rin na nagpipigil siyang sumabog. "Ilabas mo ang lalaking 'yon."

"Kapatid ko po siya, at saka wala po siya rito." There's no point of hiding. Halata namang nabulgar na ang lahat.

Bumaling ito kay Papa at Mama. Dinuro niya ang pagmumukha ng mga ito na talagang nagpakulo ng dugo ko. I was about to yelled at him when he announced something more shocking.

"Binuntis ng anak ninyo ang anak ko. Ilabas n'yo siya dahil kung hindi, tutuluyan ko na siya ngayon din." Kita ko ang kirot sa namamasa niyang mga mata pero mas nangingibabaw ang galit sa mga iyon. Tinanaw nito ang loob ng bahay. "Geo, lumabas ka diyan! Ipakita mo ang sarili mong gago ka!"

"Tito Shin---"

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" ang tanging lumabas sa bibig ni Mama. "May asawa siya, imposible 'yang binibintang mo. Baka nagka---"

"Gusto n'yo ng pruweba?" Marahas na inabot nito sa amin ang isang pregnancy test. "Ayan, tingnan n'yo diyan!"

Ako ang kumuha no'n mula sa kamay nito dahil kapwa nagtitimpi ang dalawa. Natatakpan ng daliri ko ang resulta ng PT kaya dahan-dahan ko iyong inalis para malaman ang totoo.

Can't Be With You [COMPLETED]Where stories live. Discover now