Chapter 32

137 7 0
                                    

three years ago...

COLEEN

"Uy, ikaw ulit!" gulat na sambit ni Venus nang makita ako sa harapan niya.

Sa pagkakaalam ko, she's one of Gwen's friends at nalaman ko lang din ang pangalan niya nang marinig ko itong tinawag ni Gwen. At iyong isa pa niyang kaibigan ay Leah naman ang pangalan na siyang anak ng isa sa stockholders ng paaralan na ito.

Madali lang namang kabisaduhin ang tungkol sa kanila dahil tatlo lang naman sila sa grupo. And I already know their personal background...especially Gwen.

I pull out a smile before I say my purpose of approaching her. "Hi. Have you seen Gwen? Sa'n ko siya makikita?" tanong ko at muling nagbigay ng ngiti rito. Hindi ko alam kung totoo o hindi, pero kita ko kung paano siya pinamulahan ng pisngi matapos ko siyang ngitian.

Tinapik ko ito nang bahagya sa balikat para matauhan siya dahil tila natulala na talaga ito.

"Ah...Ah si Gwen? Nando'n sa ano---" she paused. Pagkatapos ay sinuri ako ng tingin hanggang sa naningkit na ang mga mata niya. "Ba't mo pala siya hinahanap? And why are you somewhat familiar to me? Nagkita na ba tayo bukod pa sa first meeting natin kahapon?"

Dahil sa itsura nitong curious na curious talaga ay sinagot ko siya, "Actually, baka natanaw mo lang ako. Natatandaan mo ba 'yong sa field na may nakasagutan si Leah? Ako iyong kasama ni Sheila na naka-verbal fight nila."

"Talaga? Ang talas naman yata ng mata ko kung ganoon." Tumawa siya na siyang sinuportahan ko rin.

"So where is she now?" pagtatanong kong muli.

"Ay, oo nga pala! Sorry." Venus smile apologetically. "Nando'n siya sa library, may kukunin lang daw siya tapos babalik na rin dito."

"Okay, thank you."

"Sandali!" pigil nito nang akmang aalis na ako dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya. "Ano pa lang pangalan mo?"

Can't Be With You [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora