Chapter 7

9 4 0
                                    

Alliyah


I groan heavily when I felt the familiar excruciating pain. I turned into a fetus position to lessen what I'm feeling. Kahit ang imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Bukod sa sakit ay hinahalina ako ng antok na manatili sa kama.​


Napabalikwas ako nang maalala na katabi ko nga palang natulog si Hazel kagabi. Bumaling ako sa likuran para makitang wala na siya. Nang tingnan ang orasan nasapo ko na lamang ang noo ko. ​


Sinubukan kong bumangon ngunit tumindi lamang ang sakit ng puson ko.​

Fuck period cramps!​


Kapag dinadatnan ako ay ganito na lamang kasakit, iyong tipong hindi ako nakakabangon hangga't hindi ito humuhupa. Sinubukan kong ipa-check up pero wala namang nakitang mali ang OB.​


Humiga ako ulit. Wala naman na kaming gagawin masyado sa opisina. Bukas na lang ako papasok.​


Tamad kong dinampot ang cellphone ko nang magring iyon.​


"Hindi ka papasok?" kaagad na bungad ni Mark.​


"Hindi na muna,"​


"Ginigising kita kanina, wala man lang response." natatawang ani niya. "Pinakialaman niyo na naman ang mga beers ko ano?" ​


"Hindi, ah! Masakit ang puson ko that's why." nakangusong tugon ko.​


"Na naman?" ​


Natawa ako nang biglang maimagine ang mukha niya.​


"Wala kang kasama diyan, may iniwan akong breakfast. Gapangin mo nalang papuntang kusina." pang-aasar niya.​


"Ang sama mo!"​


"You still have your meds, right?" biglang seryosong saad niya.​


"Marami pa naman..." nakangiwing tugon ko.​


"Uminom ka." ​ ​


Mariin akong napapikit nang mabosesan ko si Trex sa kaniya. Hinilot ko ang aking sintido upang matigil sa kahibangan. Tuloy ay hindi ko na narinig pang nagpaalam siya upang ibaba ang tawag.​


Napabuntong hininga ako. Dalawang magkaibiang tao sila, ngunit hindi ko maiwasan minsan ang makita si Trex kay Mark. Maraming mga bagay ang pagkakatulad nila.​


Dala ng pag-iisip ay nakatulog ako ulit. Nagising lamang sa tunog ng cellphone ko. Kaagad kong sinagot ang video call request ni mama.​


"Ma!" umayos ako ng upo. Napangiwi ako dahil nandoon parin ang sakit.​


"Oh? Wala kang trabaho?" ​


Nangunot ang noo ko dahil sa sumasapaw na ingay sa tinig ni mama. Humaba ang leeg ko kakatingin sa screen na para bang makikita ko ang kabuuan ng bahay.​


"Anong meron diyan, mama?" pangbabalewala ko ng tanong niya.​


"Naku! Inimbitahan ko ang mga kamag-anak natin. Binigyan kasi namin ng celebration si Lucky!" masayang-masaya na tugon ni mama. Hindi ko napigilang mapangiti.​


Biglang sumungaw sa screen si Lucky. ​


"Hi, ate!"​


"Hi, Engineer!" natatawang sambit ko.​


"Ate, nakakahiya!"​


"Anong nakakahiya doon?" mataray na tanong ko.​


"Nandito mga kaibigan mo pala." sabat ni mama.​


"Talaga?!"​


Nahiga ako at sinikap na makakuha ng komportableng posisyon. Nang ibalik ko ang aking atensyon sa screen ay mukha na ni Nica ang naroroon.​


"Hoy! Ano na? Hindi mo na natatandaan pa'no umuwi!" pagtataray niya.​


Natatawang sinapo ko ang noo. She extend her arm so I can see them. Mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang mga naroroon. Kompleto sila maliban sa'min ni Mark.........at Trex.​


"Hi!" pilit ang siglang ani ko. "Wala kayong mga trabaho?" ​


"On leave si Nica ngayon kasi ka-buwanan niya na. Magkasabay naman kami ng day off ni Alex. Si Cyrel work from home, diba. Itong si Irene sadyang tinatamad kaya hindi pumasok." malaki ang ngiting paliwanag ni Egie.​


"Eh, yang dalawang iyan?" tukoy ko kina Alice at Shandy.​


"Duh! Hawak kaya namin ang time namin." mataray na tugon ni Shandy.​


"Oh? Hindi mo alam kasi hindi ka na updated sa buhay namin. Huwag ka na kayang umuwi!" sarkastik na ani niya.​


Pumangalumbaba ako habang nakangiting pinasadahan sila isa-isa ng tingin. They became the person they wanted to be when we were young. Nakuha nila ang mga propesyon na pinangarap nila. Ang buhay na inasam-asam nila. Hindi ko naiwasang balikan ang mga kabulakbulan namin noon. Masyado kaming makukulit na lumalabas nang wala kaming modo. Some teachers have judged us despite of the good grades we had. Ani nila'y wala raw kaming patutunguhan.​


They have grown into better individuals. Hindi ko man nakikita ng personal, masaya ako na they are living their best life. Mga trips na hindi namin afford noon, mga restaurants. Mamahaling gamit, hobbies......even properties na tinatanaw lang namin noon.​


They are all moving forward. As what we should be. Ngunit bakit ako sa kabila ng mga accomplishments ko sa buhay, I am in one of the busiest country pero ako itong hindi makausad. Nandoon parin ako sa gabing iyon na kailangan kong iwanan si Trex. Sa mga what if's ko​


"Kailan ba ang uwi mo?" tanong ni Alex. "Madalas kaming makompleto, kayo nila Mark at Trex ang mahirap hagilapin."​


Gusto kong tanungin kung bakit. Kung nasaan o ano ang ginagawa ni Trex dahilan para hindi siya makapunta sa mga hang out ng tropa, kung ganyang nariyan lang naman siya sa Batangas. Ngunit kaya ng nakasanayan ko na.....nawawalan ako ng lakas ng loob na mag-open up sa kanila tungkol sa aming dalawa.​


"Tinatapos ko na lang ang kontrata ko. May six months pa akong natira."​


Natawa ako ng magsigawan sila at nagpaunahan ng request na pasalubong. Napailing na lamang ako. Sa tuwing nagpapadala ako ng package ay parating meron naman para sa kanila. ​

DLSL Series #2: Perfectly Choosing YouWhere stories live. Discover now