Chapter 8

9 4 0
                                    


Alliyah

Halos manginig ako nang tuluyang makalabas ng bahay. Autumn has leave New York and gave way for winter season. Panahon na naman para ilabas ang nagkakapalang coat at sweater. Kapag ganitong panahon nababawasan ang pagiging productive ng mga tao dito at mas hihilingin na lamang na manatili sa loob ng bahay at magbabad sa heater.

But in my case, naisipan ko pang lumabas at gumala. Though, its time for me to enjoy winter for the last time, kasi wala na nito sa Pilipinas. Natapos na akong mag-impake, nakapagpaalam na rin ako sa opisina. Three days na akong hindi pumapasok at naghihintay na lang ng flight schedule ko. Nilalaan ko rin ang natitirang araw ko rito sa pagbili ng ipapasalubong.

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko. Tumingala ako upang pigilin ang pagdaloy ng mga ito. I'm finally going home and I've never been this excited.

I exhaled loudly para ilabas ang namumuong emosyon. Madiin kong pinagkiskis ang aking mga palad dahil halos hindi ko na maramdaman ang mga iyon, ni wala pa akong fifteen minutes na naglalakad.

Pigil ko ang panginginig when a warm hand envelopes mine.

"You really are careless. Diba sabi ko sa'yong huwag mo kalimutang mag-gloves kapag ganitong panahon." kunot noong ani Mark habang sinusuot sa'kin ang winter gloves ko.

"Akala ko ba magpapahinga ka?" pigil ang ngiting tanong ko.

Itinaas niya ang collar ng coat ko at itinaas rin ang zipper niyon upang matakpan ang bibig ko.

"I changed my mind." Nagkibit balikat siya.

Muli niyang hinawakan ang kamay ko at muling naglakad habang marahang hila ako. Binawi ko ang aking mga kamay at yumakap sa kaniyang braso.

"So cold!"

"Saan tayo?"

"I want hot chocolate and walnut cookie."

Agad na nanubig ang bagang ko pagkabanggit ko ng mga iyon. I suddenly imagine the bittersweet chocolate and the softly baked cookie tandem inside my mouth.

"We just had our breakfast." seryoso paring ani Mark.

Salubong ang kilay na tiningala ko siya. Malditong sinalubong naman niya ang tingin ko. He's being moody this past week. Ang hirap palagi kausapin! Kaunti na lang iisipin ko ng ayaw niya akong umuwi.

Niyugyog ko ang kaniyang braso. "Mark, ayon na oh!" patungkol ko sa favorite coffee shop namin.

"Fine!"

"Ang sungit mo!" nakangusong sabi ko.

"Just because I want to rest."

"Then, why didn't you rest?"

"Kasi hindi ako mapapakali sa bahay knowing you're out in this kind of weather!" he blurted out.

Natawa ako. I could still remember my second time in snow here. I forgot to wear gloves and the coat I'm wearing that time is not enough to warm me. Tapos lumabas pa ako ng bahay nang hindi man lang naiinitan ang aking tiyan, tuloy ay nilagnat ako. The third time lumabas ako nang basa ang buhok kaya hindi pa nakaka-tatlong oras sa opisina ay napauwi rin ako dahil sa sobrang sakit ng ulo.

Nakahinga ako ng matiwasay nang maramdaman ang heater pagkapasok namin ng cafe. As usual, humanap ako ng magandang spot habang umorder naman si Mark. I choose the two seater table beside the glass window. Malaki ang bintanang iyon kaya kitang-kita mo ang labas. Upang hindi mainip, kinuha ang ko ang dalang camera at tinutok sa kung saan-saan.

"Sana nagdala nalang tayo ng sasakyan." saad ni Mark Thravis. Imbes na sagutin siya ay tinutok ko sa kaniya ang camera.

"Smile naman diyan!" singhal ko nang hindi masayahan sa puro stolen shot na nakuha ko.

DLSL Series #2: Perfectly Choosing YouWhere stories live. Discover now