Chapter 26

35.1K 2.7K 488
                                    

Dedicated to: Jacquilyn Morales Fernandez

Chapter 26: Bite

Dahil nagawang lumabas at makalayo nina Caleb at Tavion, silang dalawa ang higit na may alam ng sitwasyon sa labas ng kuweba.

Kapwa na kami nagkatitig ni Iris sa dalawa habang hinihintay namin ang impormasyong nakalap nila. Maybe a minute ago, we were both in the mood to melt in each other's world like we were the only living creatures in this world. Pero ngayon na namulat na kaming muli sa aming kinahahrap na sitwasyon, dapat ay higit naming pag-isipan ang aming mga hakbang.

Because the moment we entered the cave, we're not going to go against with those mystical creatures inside, but the laws of the whole Fevia Attero. At sa sandaling samahan ko si Caleb at hawakan ang kanyang mga kamay habang papasok sa kuweba, handa na ako at tanggap na sa sarili kong hindi ko na muling mababalikan ang mundong pinanggalingan ko.

They will treat me like an enemy— a traitor.

Inaamin ko na sa tuwing naiisip ko iyon ay nasasaktan ako dahil minahal ko rin ang Fevia Attero. I deeply adored this world, and loved being one of the Atteros, pero siguro nga ay ito ang nakatakda sa akin.

I have a bigger world with Caleb, I have a bigger role in this group, and maybe I am more than Anna Merlize Callista in Fevia Attero.

"We agreed to stick with my initial plan, right?" tanong ni Iris.

Kapwa kaming tumangong tatlo sa kanya.

Iris' initial plan is to enter the cave without being noticed. Because the moment that we successfully entered the cave with Attero's idea, our exit would be a disaster.

Baka sa sandaling magawa nga naming kuhanin ang gamot na nais ni Howl ay hindi naman kami makaligtas sa mga nakaabang sa amin sa labas.

"The thing is, how could we possibly enter the cave without being noticed? Does anyone from us has an invisibility power?" nakapamaywang na tanong ni Caleb.

Gumala ang tingin ko sa kanilang tatlo pero sila ay sa iisang direksyon lang nakatitig—sa akin. Of course, that kind of ability could easily be assumed to a witch like me.

Umiling ako. "I never tried an invisibility spell. At isa pa. . ." sumulyap ako kay Caleb. "I am still new to my powers. Alam mo iyon."

Napakamot siya sa kanyang kilay. "Y-yeah. . ."

Si Tavion ay bahagyang nakahawak sa kanyang baba habang nakatitig kay Iris at nag-iisip. "I don't think I can also help in the entrance. I am naturally noticeable."

Napabuntonghininga si Iris. "How about a decoy?"

"One of us will become a bait?" tanong ni Caleb.

"That's the simplest way. Papasok ang tatlo at kukuhanin ng isa ang atensyon ng mga bantay," ilang beses tumatango si Tavion.

"What's the possibility that the bait will survive? We can't just sacrifice someone else's life for us to enter the cave," katwiran ko.

"Then we use the most powerful bait para siguradong hindi mapapatay."

Iris bit her lip. "But your people are not that dumb, right, Anna? Siguradong matutunugan nilang plano lang natin ang pagkuha ng atensyon nila para madaling makapasok ang kasamahan ng kumuha ng atensyon nila."

"So, we can make it as convincing as possible? Paano makukuha ang atensyon nila na hindi nila iisipin na iyong kuweba talaga ang pakay natin?"

Nabalot ng katahimikhan ang kabuuan ng kuweba at ang tanging namayani ay ang marahang patak ng maliliit na tubig na naglalandas mula sa itaas ng matatalas na bato.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now