CHAPTER 2

24 3 0
                                    

Simula nang araw na magkausap kami ni Zero walang araw na hindi ko na sya nakakalaro, sa tuwing mag oopen ako ng ML Account ko, message nya agad ang bumubungad sa akin.

Ewan, pero nakasanayan ko na.

"kumain ka na?" Natigil lamang ako sa pag iisip ng marinig muli ang boses nya, muntik ko na rin makalimutang naka on mic pala kami pareho. "Nanjan ka pa, Ziah?"

"Ah- Oo. Pasensya na nawala ako." nahihiyang paliwanag ko.

"Anong iniisip mo? Care to share?" Ramdam ko ang malasakit nito sa tono ng pananalita nya.

"W-wala.. T-teka nasan na ba tayo? "

"Hahaha!" Mula sa kabilang linya narinig ko ang cute na pag tawa nito.

Nagagandahan talaga ako pagdating sa boses nya..

Sa tuwing nakakausap ko sya nakakalimutan ko bigla yung totoong nararamdaman ko. 

Sa simpleng pangangamusta nya,  unti unti ko ng nakakasanayan na meron pa palang taong concerned sa feelings ko.

Pero Paano kung pati sya mapagod na rin sa mga kwento ko? 

Paano kung isang araw makahanap rin sya iba??

Maiiwan na naman akong mag isa.

"Ziah.." Usal nito sa pangalan ko.

Magsasalita na sana ako ng bigla syang tumugtog ng gitara kasabay ng pag awit nito.

"Ginawa ko naman ang lahat
Sumugal ako kahit alam kong talo

Iginugol ko lahat ng oras ko sa 'yo

Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal"

Nakaramdam ako ng kakaibang kabog sa puso ko ng marinig ang malamig na boses nya.

"Pero parang wala lang sa 'yo ang lahat Ng mga paghihirap ko"

"Zero.. Hindi mo kailangang gawin yan. " Pag awat ko sa kanta nya,  alam ko kasi na matagal na syang huminto sa pag kanta maging sa pagtugtog nito ng gitara.

"Sana'y 'di na lang kita nakilala
Sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y 'di na lang kita minahal"

Ngunit sa halip na ihinto nya ang ginagawa ay ipinagpatuloy pa rin nya ito.

Aaminin kong nadadala ako ng lamig ng boses nya,  nasasaktan ako sa katotohanang nararamdaman ko rin yung sakit sa pag bigkas ng bawat lirikong binibitawan nya.

Naalala ko na naman yung araw at oras ng pananakit ng huling lalaking pinagkatiwalaan ko.

Yung akalang kong aalagaan ako,  Sasaktan rin pala ako sa huli.

Yung lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko,  niloko at ginawa lang akong tanga.

Nasasaktan ako sa katotohanang nakakaawa ako parte ng buhay kong iyon.

"Di na sana nagising sa magandang panaginip
Kung madaratnan ko lang ang umagang kay sakit
'Di na sana niyakap ang kunwari mong pagtingin
Para 'di ako nasugatan sa ginawa mong patalim"

Sa Gitna ng pagkanta nya hindi ko na rin napigilan ng sarili ko na umiyak na lang bigla.

Nasasaktan ako sa bawat lirikong sinasambit nya.  Bawat letra bawat salita ay sumasaksak sa puso ko nang paulit ulit at paulit ulit rin akong nasasaktan nito.

"Pero parang ayos lang sa 'yo ang lahat Kahit na ako'y sugatan.."

"Sana'y 'di na lang kita nakilala
Sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y 'di na lang kita minahal"

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon