Chapter 5 (R18)

42 5 0
                                    

(Warning.. R18-Intimate Scene-)

Authors Note!!
Sabi nila kapag may warning mas exciting. Pero kung bata ka pa,  matakot ka kasi baka magarute ka lang ng nanay mo!!

Sa mga makakabasa naman i hope na magustuhan nyo. Haha,  Di talaga ako magaling gumawa ng mga BS tulad ng mga fav. Authors natin. kaso kailangan talaga to sa Scene eh. Haha..

Happy Reading..  I LOVE YOU!! ❤

**********************

FAST FORWARD...

higit isang taon na rin simula ng magkakilala kaming dalawa ni Ash.

Nakilala ko na rin sya ng lubusan.

Nakakasama ko na rin sya sa gimikan.

Sa tuwing hindi sya busy sa work nya ay pumumunta sya sa bahay namin, As usual naglalaro pa rin kami ng ML kung saan kami unang nagkakilala.

Minsan nga ay napagkakamalan na kaming couple dahil sa madalas naming pag sasama.

Minsan aaminin ko na kinikilig na rin ako sa mga banat nya.

Maraming nagsasabi na Label na lang daw ang kulang sa aming dalawa.

Tinatawanan ko na lang minsan.

Pero minsan talaga hindi ko maiwasang isipin na What if  mangyari nga iyon?

Minsan kasi kahit ako ay iniisip ng may gusto sya sa akin,  pero ayaw ko namang mag assume dahil sa huli masasaktan lang din ako.

Sabado ngayong araw at naisipan kong tawagan si Ash.

"Busy ka??" Paunang tanong ko.

"Nope."

"Tara Hiking tayo?" Nakangiting anyaya ko sa kanya.

"Hiking ??"

"Oo, Akyat tayo ng bundok. Masaya yon!" Wala pa man ay naeexcite na ako.

"Uhmm.. O–Kay!"

Matapos kong ibaba ang linya ay nagmamadali na akong umakyat sa kwarto ko para kuhanin lahat ng dadalhin ko.

Noong isang linggo ko pa sana sya balak yayain ang kaso nga lang ay busy sya sa trabaho.

Natapos na ako sa pagiimpaki ng marinig ko na ang tunog ng sasakyan nya sa labas.

"Ashh.." Excited akong lumapit sa kanya dala dala ang mga gamit ko.

"Too excited, huh?" Nakangiting aniya.

"Syempre!"

"Ashton, ingatan mo 'yang anak ko isauli mo sya ng buo sa amin, maliwanag?" Mula naman sa likuran ay nag salita si mama.

"Yes, Tita!"

"Oh,  sya lumakad na kayo. Mag iingat kayo.— Anak,  yung bilin ko sayo!"

Ayan na naman si mama sa mga bilin na yan eh!

"Opo na, Ma. Alis na po kami."

Nang makapag paalam ay tuluyan na kaming umalis.

"Bakit naman hiking ang naisipan mo ngayon?"

Nasa gitna na kami ng byahe ng magsalita sya.

"Gusto ko lang mag unwind. Ayaw mo ba?" Binalingan ko sya ng tingin habang sa daan naman naka focus ang mga mata nya.

"Tss.."

"Nakita ko kasi sa Newsfeed ko yung Kawa falls sa may Coronadal?  Sabi nila maganda daw ang lugar na iyon." Pagkukuwento ko.

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=حيث تعيش القصص. اكتشف الآن