EPILOGUE (part 2)

35 3 0
                                    

Nang magising ako ay wala akong ibang makita kundi ang kulay puti sa paligid ko.

Patay na ba ako??

Sinubukan kong umupo ngunit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Muli kong inalala ang huling nangyare bago ako mawalan ng malay..

Napapitlag na lamang ako ng pumasok sa isip ko si Ash!!

"Hon!!"

"Ash..! "

Halos magwala ako sa kinauupuan ko makita ko lang sya.

"Anak!  Gising ka na—Doc!!" Hindi ko pinansin ang paglapit sakin ni mama.

Wala pa rin akong tigil sa pag hahanap kay ashton.

"Anak..."

Boses iyon ni mama. Maging si papa ay nandito na rin ngunit wala ako sa kanilang gustong kausapin.

Si Hon!!

Nasan ka na ba?

Naramdman ko na lang ng unti unti na pala akong nawawalan muli ng malay.

****

Nang muli akong mag kamalay ay mukha agad nina mama at papa ang bumungad sa akin.

"Thenna, buti gising ka na. Pinag alala mo kami ng papa mo."

"Ma, Si Ash..  Nasan sya?"

Alam kong masasaktan sila pero gusto ko lang talagang makita ang lalaking mahal ko.

"Hindi makakatulong sayo kung hahanapin mo sya,  Anak."

Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Ayaw kong marinig ang sasabihin nila!

Hindi!!

Hindi ko kakayanin!!

"Ma, Please. Gusto ko syang makita.  Gusto kong siguraduhing maayos ang lagay nya. Hinawakan nya ang kamay ko bago ako mawalan ng malay, Ma." halos mag maakaawa ako sa kanilang dalawa makita lang si Ash.

"Magpagaling ka na muna,  Anak. Hindi makakatulong sayo kung may malalaman ka."

Halos pag sakluban ako ng langit at lupa.

Wag..

Please!!

"Naalis na ng mga doktor ang balang bumaon sa dibdib mo, Anak." Si mama ang nag sasalita ngunit wala doon ang atensyon ko.

"Hon.. " Hinayaan kong tumulo ng tumulo ang mga luha ko.

Hindi ako mapapagod na hanapin ka.

Sa sobrang linaw ng pagkakaalala ko ay para bang nandoon pa rin ako sa lugar kung saan ko sya huling nakita bago ako mawalan ng ulirat.

"Si Ashton,  Anak.." Puno ng luha ang mga mata ko ng titigan ko si mama.

May kung ano sa akin ang ayaw marinig ang sasabihin nya,  ngunit meron din sa loob ko na gustong malaman kung ano na ang nangyare sa kanya..

"Ma.." Humahagulhol ako habang nakayakap kay mama.

Pinanghihinaan ako  sa totoo lang pero gusto kong lakasan ang loob ko, para sa kanya.

Gusto kong makita nya kung gaano ako katapang.

Gusto kong ikuwento sa kanya lahat ng kwentong alam ko.

Natatakot ako sa katotohanang baka di ko kayanin kung Ano talaga ang nangyare sa kanya.

"Sabi ng doktor ay hindi ka dapat mastress anak."

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Where stories live. Discover now