Chapter 4 (MANOY KAPAY)

28 3 0
                                    

Nasa byahe na kami pabalik ni Zero ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa nya kanina.

Pakiramdam ko ay magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa,

Pakiramdam ko ay hawak nya pa rin ang mga kamay ko,

Pakiramdam ko ay ganon pa rin kabilis ang tibok ng puso ko na para bang mga kabayo itong nakikipag karera.

Napapikit na lamang ako habang patagong hinawakan ang labi ko..

Pakiramdam ko ay muling namumula ang mga pisngi ko..

Bakit ganito ang dulot ng ginawa nya sa kin??

Talaga bang mababaliw na ako??

"Ziah?"

Sa gitna ng pagmamaneho nya at pag iisip ko ay narinig ko na naman syang tawagin ang pangalan ko.

"hmm?" Nakatakip ang mukhang tugon ko.

"Bakit mo tinatakpan ang mukha mo?" Tanong nito.

"Wala.. Mag drive ka na lang. Wag mo akong kausapin.." Para makatakas sa mga tingin nya ay mas pinili kong tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Are you mad?"

"Hindi, Zero."

"Yung ginawa ko kanina-"

Napapikit na lamang ako ng maalala na naman ang halik na iyon.

"Zero-" Sa pagkakataong ito ay hinarap ko na sya.

Nakaramdam ako ng hiya pero parang sa kanya ay wala lang iyon. Na para bang hindi iyon big deal.

"Pft.." Nangunot ang kilay ko ng marinig ang matunog na pag ngisi nya.

Naiinis na talaga ako.

"You're blushing, Ziah." Nang sabihin iyon ay muli na naman syang nangiti.

Mas lalo yatang nag init ang mukha ko ng makitang nasisiyahan sya sa kalagayan ko.

Kaya naman-

"Aray!" ungot nito ng batuhin ko sya ng Cellphone ko.

Naiinis na talaga ako sa kanya.

"Aray mo mukha mo!" Pinagkrus ko ang mga kamay ko saka sya tinignan ng may diin.

"Ok, fine. Sorry" Nag sosorry sya pero nakangiti pa rin sya at mas lalo akong naiinis dahil natutuwa talaga sya.

"Sa susunod na hahalikan mo ako, Hahambalusin talaga kita ng baril mo. Mr. Policeman!"

"I thought you like it?" Napangiwi na lamang ako sa sinabi nya.

"Nasan ba yung baril mo? Pwede ko bang hiramin gusto lang kitang barilin!"

Kung kanina ay pakiramdam ko ay nababaliw na ako, ngayon naman ay naiinis na talaga ako.

"Hahaaha!"

Nagagawa pa talaga nyang tumawa!

"Naiinis na talaga ako sayo, Zero! Trip mo ba ako?"

"No??"

"No, mo mukha mo!"

"I'm sorry kung hinalikan kita kanina." Sa puntong iyon alam ko ng seryoso na talaga sya.

Nakinig lamang ako sa mga sinasabi nya.

"Tinamad lang akong magpaliwanag kung sino ako, yun lang yung tumakbo sa utak ko kaya ginawa ko."

Ngayon ko lang nalaman na pati pala ang pag sasalita ay nakakatamad na rin.

"Tinatamad o minamanyak mo lang ako? Magkaiba iyon, Zero." Pangbabara ko sa kanya.

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Where stories live. Discover now