34

46 4 7
                                    

——— CHESTER POV

After namin mag dinner nag prisenta si Heather na siya ang maghuhugas ng pinggan. Tinanggihan ito ni Mama pero nagpupumilit siya. Kaya in the end, hinayaan nalang siya ni Mama kahit na pwede naman si Lance ang maghugas. 

“Ikaw na kasi maghugas doon, Lance. Tamad-tamad mo talaga.”

Pagtutulak ko kay Lance. Asar naman itong suminghal sakin. 

“Tangina naman Kuya! Isang tulak pa sakin ibabalik na kita sa sinapupunan ni Mama. Kainis”

"Aba, sige nga, subukan mo nga!" Singhal ko rin kay Lance pabalik. Hindi na ako nito sinagot kaya mas pinilit ko pa ito. 

"Ikaw nalang kaya tumulong kay Ate Heather noh. Di yung ako ang pinipilit mo. Nakikita mo namang may ginagawa ako dito eh." 

Tinuro niya pa ang laptop na nakalagay sa harapan niya. Nakita ko namang gumagawa ito ng presentation sa PowerPoint.

Sana all busy. 

Sana all may partner sa reporting

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo?" Baling ko kay Felicity na ngayon ay busy sa pag c-cut ng papel. 

"Gumagawa kami report namin sa Math. Bakit tutulungan mo ba kami?" Sagot ni Felicity sa akin. 

Aba walang hiya ang batang to ha. Hirap na nga ako sa mga subjects namin tapos humingi pa ng tulong sa'kin. Saksakin niyo nalang kaya ako.

"Sus, huwag na kayo humingi ng tulong sa kutong lupa na yan. Bobo yan sa mga subject na may numbers." 

Binato ko si Michael ng unan ng magsalita ito. 

"Tanginamo! Huwag mo akong anohin diyan. Baka nakalimutan mong ABM student tong binabangga mo." 

"Paano ba yan,"

"Hindi halatang ABM student ka eh."

"Pakyu." Asar kung bigkas. Pinakyuhan ko rin siya kaya naman tumawa ito ng malakas. 

"Kung ako sayo Kuya Chess noh, mas mabuti pa siguro na tulungan mo na si Ate Heather doon kaysa istorbohin mo kami dito." Ika ni Felicity.

"P-pero—"

Sabay naman silang tatlo na tumingin sa akin. Tila inaabangan ang sasabihin ko. 

"Pero ano?" Taas kilay na tanong ni Felicity.

Liver. Kaugali niya talaga ang Ate niya. Taray ng kilay. Laging fline-flex ang makapal na kilay. 

"Nahihiya ako sa kanya. Baka di niya ako gustong kasama." 

Natahimik sila ng ilang segundo hanggang sa naputol ito ng tumawa si Felicity na parang baliw. 

"Bantot mo naman mahiya Kuya." Ika ni Lance habang tumatawa

"Di bagay sayo mahiya. Kasing kapal nga ng kubal ko ang mukha mo eh." Umiiling na sabi ni Michael. 

"Yon? Di gugustuhin na makasama ka? Joke time mo naman, Kuya." Hirap na saad ni Felicity dahil sa kakatawa.

Hinayaan ko lang silang pagtawanan ako kahit na naririndi na akong marinig ang mga mala chipmunks nilang tawa. 

Nang kumalma na sila nagsalita na ulit ako. Pinilit ko ulit si Lance pero binara lang ako ng siraulo.

"Ikaw nalang kasi Chess. Diba gusto mo siyang makausap? Heto na ang chance mo oh. Kausapin mo na siya habang may chance ka pa."

Inasar pa nila ako kaya naman wala akong ibang magawa. 

"Bwesit, Pinagtawanan niyo pa ako. Mga walang dulot!" Asar kung sabi. Tumayo nalang ako at naglakad na papuntang kusina. 

"Char, may balls na siya oh." Pahabol na sigaw ni Lance. 

Pinakyuhan ko siya at narinig ko naman nagtatawanan sila. Napupuno na ako sa pang-aasar nila. Kanina pa nila ako inaasar. Aping-api ako sa pamamahay na'to. 

Sign na siguro to na kailangan ko na silang pagbawalan sa pagpunta dito. Sign na rin to na palayasin ko si Lance.

Hindi ako napansin ni Heather ng makapasok ako sa kusina. Abala lang ito sa paghuhugas ng mga pinggan. 

Kumuha ako ng towel pampunas sa mga pinggan na hinugasan niya. Pagkatapos ay tumabi ako sa kanya. 

"Ay baklang pesticide ka!" 

Nagulat ito ng makita niya akong nakatayo sa tabi niya. Muntik ko pang mabitawan ang pirex ni mama dahil sa pag sigaw niya! 

Okay lang rin sana kung sumigaw lang siya pero pota! 

Binato niya rin ako ng sponge sa mukha!

Moments (Falling Flower Series #2 Sequel)Where stories live. Discover now