46

78 5 10
                                    

--- CHESTER POV

Kung pwede lang talaga tapakan ng mighty bond ang bibig ni Gavin siguro kanina ko pa ginawa.

Tangina!

Brinodcast niya pa talaga sa iba na nakatambay ako sa acc ni Heder. Sinabayan pa ni Saige. Gusto ko nalang mag evolve as super saiyan.

"Oy palalapit crush mo oh,"

"Mag hi ka ha." Sabi ni Gavin na nakaupo lang sa tabi ko. May tinuro siya kaya naman sinundan ko ito ng tingin.

Muntik ko na maibato ang telepono ko ng makita kung palapit si Heder sa pwesto namin.

Teka magtatago muna ako.

"Grabe ang kulit pala ng crush mo, Chester. Same vibes kayo." Demonyong bulong ni Gavin sa akin ng makita niya ang pinaggagawa ni Heder.

Jusmeyo. Ang cute niya!

Mukha siyang bubwit na first time nakalabas ng bahay.

Sobrang kwela niya tignan. Nag-aasaran ito kasama ang pinsan ni Asher. Mukha silang grade school na naligaw sa SHS building.

Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit sila. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinitignan siya.

"Di raw crush pero kung makatitig wagas."

Naramdaman kung siniko ako ni Gavin ng tumingin si Heder sa gawi namin. Umiwas naman agad ako ng tingin.

"Yiee tumingin crush niya sa kanya."

Isa nalang talaga. Masasapak ko na si Gavin. Nagmistulang demonyo ang gago. Bulong ng bulong sa akin parang kinulang sa aruga at pagmamahal.

"Tatadyakan na talaga kita Gavin." asar kung sabi na tinawanan niya lang.

Palihim akong tumingin kay Heder. Umayos na ito sa paglalakad at namumula na rin ang pisngi niya. Nahihiya siguro.

Ngayon pa siya nahiya ah. Hindi naman kasi kahiya-hiya ang ginawa niya kanina. Ang cute niya nga eh. Natahimik kami at nakatingin lang kami sa kanila na papalapit. Nang malapit na sila may binulong na naman si Gavin pero hindi ko na ito pinansin. Naka permi lang ang tingin ko kay Heder na ngayon hindi na makatingin sa amin. Nakahawak lang ito sa braso ng isa nilang kaibigan.

Tumabi naman sila Dustin at Fletcher para makadaan sila sa gitna namin.

"Makikiraan po."

Mahinhin na saad ng pinsan ni Asher. By pair silang dumaan sa gitna namin.

"Isang hi naman diyan kay Heather, Chess"

Napapikit ako ng marinig ko namang may bumulong na demonyo sa tabi ko.

Kapag siya narinig ni Heather nako finish na talaga. Ayaw pa naman ni Heather malaman ng iba na magkakilala kami.

"Tanginamo talaga." malutong na mura ko.

Tumawa lang ito. Tumahimik ako ng dumaan na si Heather sa gilid ko. Sa pagdaan niya palang amoy ko na ang pabango niya. Amoy baby. Baby ko. Charness muna

Umangat ang gilid ng labi ko ng marinig ko ang sinabi nito na binara naman ng kaibigan niya.

"OMG, Mamshy nakakahiya."

"Di ka dapat mahiya dahil makapal naman mukha mo."

"Mamshy nakakasakit ka naman sa heart." Humawak pa si Heder sa dibdib niya. Makitang nasasaktan talaga.

Kahit na bulong lang ito naririnig parin namin ito dahil sa katahimikan na namayapa sa lugar. Nang tuluyan na silang makadaan, tahimik pa rin kami. Walang nagsasalita sa amin. Tila parang may dumaan na mga anghel kasi natahimik kami. Nabasag lang ito ng asarin na naman ako ni Dylan.

"Hoy Chester, bakit 'di mo binati crush mo?"

Ibabalibag ko na talaga ang mga kupal na 'to. Naka unli siguro kasi kanina pa nila paulit-ulit yan na sinasabi. Sana all naka unli ang load.

Pagkatapos ng breaktime bumalik na kami sa classroom. Maghapon lang kaming nakatunganga sa classroom at maghapon ko ring hindi nakikita si Quinn. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ito ma contact. Paano ko ma cocontact kung naka block ako sa kanya?

Gusto ko siyang kausapin at itigil na kung ano man ang meron sa amin.

Last night, I realized that kung papatagalin ko lang ito mas lalo lang siyang masasaktan. Alam kung sobrang gago ng gagawin ko pero I'm doing what's best for us. I don't want to hurt her anymore. Ayaw ko ng makasakit pa ng tao. Gusto ko rin mahanap niya na ang taong para sa kanya talaga. I don't want her to hold to me ng matagal kasi mas lalo lang siyang masasaktan kung mananatili lang siya sa akin.

Aayusin ko na ang mga mali ko and magsisimula ito sa amin ni Quinn.

Kalagitnaan ng lecture ni Sir Goody sa Physical Education may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Tumingin naman agad kami sa pintuan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung nakatayo si Heder doon.

"What can I help you, Miss Minatozaki?"

Ano ginagawa niya dito? Teka ehem ako ba sadya niya hehe? Nako naman akala ko ba lowkey lang kami dapat. Bakit may pa bisita na siya dito sa classroom namin? Ano ba naman baby, na shy tuloy ako bigla.

"Sir, Can I excuse Mark po."

Teka ano?

Tama ba naririnig ko? Si Mark hinahanap niya? Gagi balita ko may crush yan sa kanya eh!

Nag-ingay naman ang mga kampon ni Mark ng banggitin ni Heather ang pangalan ni Mark.

"Bakit?" tanong ni Sir.

Oo nga. Bakit hinahanap mo si Mark ha?

"Pinapatawag po siya ni Miss Ocampo." Heather only said. Hindi na ito nag explain pa kung bakit kaya tumango si Sir.

Aba mali naman yata yan Sir! Tanongin mo po muna kung bakit pinapatawag. Huwag mo po hayaan lumabas si Mark kupal!

Tumayo na si Mark. Inasar pa ito ng mga kaibigan niya at nangunguna pa talaga si Anton.

Huwag niyo iship sa iba ang baby ko! Nagdadabog talaga ako at nangangagat rin ako.

Umirap ako sa kawalan ng lumapit na si Mark kay Heather. Ngumiti pa ang loko kay Heather. Hindi sana ako magdadabog kung hindi lang rin sana ngumiti si baby ko!

Feel mo cute ka na niyan, Mark?! Di ka cute. Mas cute ako.

Nilibot ni Heather ang paningin niya sa loob ng classroom namin. Tila may hinahanap at nagtagpo ang mga mata namin.

Should I smile?

Sige. Smile nalang ako. Smiling through pain. Ouch

Dapat ngumiti ako! Hindi dapat ako magpatalo kay Mark. Mas lamang ako ng isang milyon na paligo sa kanya.

Nawala ang ngiti ko ng irapan lang ako ni Heather.

Aba? Ano yon?!

_____________________________

jaijairey note: So ano nga ba ang role ni Mark sa storya nilang dalawa? Tahimik lang ba siya or siya na ba ang katapat ni Chester? Charotness. Miss you all!

Moments (Falling Flower Series #2 Sequel)Where stories live. Discover now