𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟎𝟒 [ mas magaling sila sa akin ]

754 74 20
                                    


❝ Paano kung hindi ako enough? Paano kung may mas deserving pa kaysa sa akin? Paano kung mas magaling sila kaysa sa akin? Paano kung mas mahigitan nila ako? Paano kung mas worth it basahin ang sa iba kaysa sa sinusulat ko? ❞




𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝟒𝐭𝐡 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 #12WriterFearsNaDapatTibagin 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


𝗘𝗴𝗼 + 𝗹𝗼𝘄 𝘀𝗲𝗹𝗳-𝗲𝘀𝘁𝗲𝗲𝗺.

Ito ang mga salitang naisip ko nung nabasa ko ang mga tanong sa litrato. 𝘼 𝙙𝙚𝙖𝙙𝙡𝙮 𝙘𝙤𝙢𝙗𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 if you ask me. Bakit? Kasi . . .

✨ Ang 𝙞𝙣𝙛𝙡𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙜𝙤 ay sumisigaw ng "WOOOOHH GALING KO, HU U"

✨ Ang 𝙡𝙤𝙬 𝙨𝙚𝙡𝙛-𝙚𝙨𝙩𝙚𝙚𝙢 ay bumubulong ng "HINDI KO TO KAYA HUHU"

Kapag pinakain natin ang ating ego na may kasamang low self-esteem, ito ang pwedeng mangyari:

✨ Masyadong gutom sa validation ng iba kaya malaki ang chance na gagawin ang lahat to the point na tutupiin na ang sarili para lang magkasya sa kahon ng validation.

✨ Pag-invalidate sa success ng iba thinking na mas magaling tayo sa kanila kaya bakit sila ang nandiyan?

✨ Kapag may backfire na nangyari sa dalawang nasa taas, magsi-circle down sa self-doubt at anger.

Then it's a cycle.

𝗦𝗼 𝗹𝗲𝗺𝗺𝗲 𝗴𝗶𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗮 𝗰𝗮𝗸𝗲: 🎂

Lahat tayo ay may cake at hawak natin ito. Ang tanong, sinong uubos nitong hawak natin ngayon? Ikaw? Siya? Kayong dalawa?

Sa inflated ego: Kukuhanin mo ang cake mo at cake ng iba dahil not enough pa ang nasa iyo.

Sa low self-esteem: Ibibigay mo nang buo ang cake sa iba dahil pakiramdam mo ay it's too much for you.

Maling-mali, ih.

Lahat kasi tayo, mayroong piece of cake. Kanya-kanya ng flavor. Iba-ibang oras ang dating. At kung mabigyan man sila ng cake, tapos tayo ay hindi at naiisip nating wala nang susunod na cake para sa atin kasi nakuha na nila – ako na ang magsasabi: 𝙢𝙖𝙮𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙡𝙖𝙜𝙞.

Late lang siguro baka kasi hindi pa tayo ready.

Kung ang takot natin ay mas mahigitan tayo ng iba, well, newsflash – mahihigitan talaga tayo ng iba. 𝗠𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 '𝘆𝗼, 𝘀𝗮 𝗮𝗸𝗶𝗻, 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻. Pero mayroon din namang mga skill na mas magaling ka, may parts na mas magaling ako, may ilang angles na mas magaling tayo sa kanila.

𝗔𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝗴𝗿𝗲𝗮𝘁!

If we are better than each other sa iba't ibang ganap, then we can learn from each other too.

𝗔𝗻𝗱 𝘄𝗵𝗲𝗻 𝘄𝗲 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻, 𝙬𝙚 𝙖𝙡𝙨𝙤 𝙜𝙧𝙤𝙬.

When we grow, life will give us what we deserve aka our much-deserved cake after 🎂 after cake.

Kaya kailangan natin basagin ang ego na mayroon tayo na binahiran ng low self-esteem dahil ang dalawang ito ang bumubulong sa utak nating "𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨".

So what kung magaling sila? Kapag ba nabigyan sila ng blessings, will this mean na hindi na tayo pwede maging magaling sa sarili nating paraan?

Sinisira ng ego at low self-esteem ang sarili natin kapag nagpapakain tayo sa mga ito.

At sabi nga rin nila, don't compare your page 1 sa page 101 ng iba.

Marahil, pwedeng maisip ang: "Parehas lang kami ng page nung umpisa, naunahan na niya ako! Bakit?!"

✨ Maybe our page is not that readable at the moment

✨ Baka hindi talaga sila ang audience natin

✨ May kailangan siguro tayong i-adjust at matutuhan pa

✨ O baka may tamang oras lang talaga for you

Example: Sumikat ang Twilight noon kasi patok sa audience. Tanong: Sisikat pa rin ba ang Twilight sa panahon natin ngayon? Sagot: Pwede, pero mas hindi. xD

Kanya-kanyang right timing lang talaga ito.

Hindi pagtigil sa pagsusulat ang solusyon sa mga takot at overthinking na ito kundi pagtanggap na maaaring hindi pa tayo handa. at the moment.

Hindi pa ngayon, pero that does not mean hindi na.

At habang nasa journey tayo ng paghahanda, 

Mayroong pagtanggap sa sarili natin . . . so we will try our best to keep writing dahil lahat naman tayo, may maiko-contribute na kuwento in our own ways.



Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~

Thanks sa editing help, d_lavigne!

12 writer fears na dapat nating tibaginWhere stories live. Discover now