𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟎𝟖 [ ayoko na tapusin yung story ]

434 47 9
                                    


Natatakot akong maramdamang nakakadena ako sa isang story at alipin ako para tapusin ko sila kahit ayaw ko na pala talaga.



𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝟖𝐭𝐡 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 #12WriterFearsNaDapatTibagin 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


What I learned the hard way: 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁. 𝗦𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗱𝗲𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻.

May iba't ibang dahilan ito pero ang puwedeng puno't dulo ay 𝙛𝙚𝙖𝙧 𝙤𝙛 𝙡𝙚𝙩𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙤.

Marami ang nag-iisip na ang lahat ng bagay sa mundo – pagsusulat, trauma, happiness, responsibilidad, misbeliefs, comfort zone, etc – ay pasan natin.

Pero nalaman ko ring hindi natin pasan ang mga ito. Wala sila sa likod natin. Nasaan?

Nasa harap natin. At 𝐢𝐦𝐛𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐢𝐬𝐦𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐦𝐚𝐡𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐭𝐚𝐜𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐰𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠𝐥𝐲. Dapat ay open arms lang tayo, 'yon na 'yon.

Pero dahil siguro sa subconscious takot, kaya hinahawakan natin nang mahigpit ang hindi naman dapat. Niyayakap natin at nagiging desperado tayo to the point na nahihirapan na kasi hawak natin ang mga dapat ay i-let go.

Imagine yourself na may dalang mga gamit na hindi mo na kailangan pero hindi mo pa rin mabitiwan kasi akala mo, "comfort" ang binibigay nito. Puwedeng bitiwan, ilaglag, ilagay ito sa kung saan – pero may ibang tao na mabigat na ang hawak, ayaw pang bitiwan, then magpa-panic kapag naglu-loose grip.

And you know kung anong nangyayari kapag nagpa-panic? Mas nagiging disarray tayo. Ansaya. 😀

And everything falls apart.

It's because we want to cling onto a story dahil takot tayong maging irrelevant. Na kapag binitiwan natin, baka iwan tayo ng . . . let's say, readers, na importante sa ating mga manunulat.

Pero readers will stay.

And if they don't, then so be it.

Kaya lagi ko ring sinasabi na ang path ng readers at ng manunulat ay hindi laging magkasabay dahil may chance na nagkatagpo lang to learn from each other, then magkakahiwalay muli.

That is life.

And the beauty of it is we learn from each other if we just let go and let it flow.

Nakikita ko rin na kaya "kadena" ang feeling ng pagtatapos ng isang kuwento para sa ibang authors ay dahil 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗵𝗼𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝘀𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻:

𝙋𝙖𝙜𝙨𝙪𝙨𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙣𝙤𝙗𝙚𝙡𝙖.

(𝘢𝘵 𝘴𝘦𝘳𝘪𝘦𝘴.)

Maraming klase ng pagsusulat at hindi lang nobela ang dapat bigyang-pansin. Nandiyan ang one shots, dagli, non-fiction stories, mga tula. Kung nakukulong tayo sa mahabang sulatin, puwede tayong magsulat ng kahit 3-sentence stories. O isang 500 words story. O 1k words.

Inuunti-unti ang pagsusulat, hanggang sa makakuha na tayo ng magandang ideya na aalagaan natin para maging nobela (kung gusto talaga natin magsulat ng ganito).

Hindi lang siguro ngayon 'yon. And that's okay.

Malaki rin ang chance na ang isinusulat natin ngayon ay hindi talaga ang gusto natin kundi ang kuwentong attached sa ego o sa personality na ipinapakita natin sa labas.

Dahil 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶𝘁 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘴𝘪𝘬𝘢𝘵, 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰, 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘩𝘢𝘨𝘢, 𝗼 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗱𝗲𝗻𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶.

Magkaiba ang attachment at love.

Sa pagsusulat natin, lagi nating balikan ang dahilan ng "bakit" nga ba natin isinulat sa umpisa pa lang ang kuwento. Hukayin ang pagmamahal, kasi kung sa love galing, then maisusulat natin ito no matter how long it takes.

Pero kung na-outgrow na natin at nakapag-move forward na tayo, at kung sa tingin natin ay may ibang kuwento nang mas makakapagbigay ng hustisya sa pagmamahal natin sa pagsusulat, kapag parusa na imbis na kasiyahan – then by all means . . .

𝘽𝙞𝙩𝙞𝙬𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙩𝙖𝙘𝙝𝙢𝙚𝙣𝙩.

Hayaang pagmamahal sa kuwento ang maglayag para matapos ang isinusulat.

At madalas, based na rin sa experience, ang mga kuwentong talagang minamahal natin ay nagtatagal sa atin kahit ilang years pa ang lumipas. So puwedeng ang pagtigil ngayon ay isang pause lang para mas maging sapat at maging ready sa tamang panahon bilang manunulat.



Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~

Salamat naman sa aking proofreader, d_lavigne, for ze edits!

12 writer fears na dapat nating tibaginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon