KABANATA III - Imbitasyon

852 31 0
                                    

Maagang nagising si Mirza at Felicia dahil nagbilin si Aling Leticia na mag-igib sila ng tubig mula roon sa batis na malapit lang din sa kanilang tahanan, ibinilin din nito na pagtulungan nila ang pagbubuhat dito dahil mabigat nga talaga, wala naman silang ibang solusyon lalo pa at wala naman silang kasamang lalaki sa bahay.

Kasalukuyan na silang may bitbit ni Felicia na dalawang timba na gawa sa kahoy na nahahawig sa isang malaking palayok.

Malamig na rin ang simoy ng hangin, hindi rin kakikitaan ng mga usok na nagmumula sa mga sasakyan sapagkat wala naman kasing ibang sasakyan maliban sa kalesa.

Bakas na bakas sa ngiti ni Mirza ang saya ng payak na pamumuhay na mayroon siya ngayon. 

Kasalukuyan silang nasa gitna ng patag na kalsada, kung saan puro puno na ang magkabilang banda. 

"Saan nga pala banda ang pag-iigiban natin?" tanong niya kay Felicia.

"Sa gawing kanan doon, maya maya lamang ay matatanaw na natin iyon ate." tugon nito, pansin ni Mirza na tila mas tuwang tuwa kaysa sa kaniya ang dalagita habang may iniisip, napalinga linga tuloy siya sa pag-aakalang may nakatutuwang nakita ang dalagita.

"Masaya ka yata?" pang-uusisa ni Mirza, 'ganito ba ang sinaunang marites? ' sariling biro niya sa isipan. Napaisip tuloy siya dahil wala namang cellphone ngayon pero halatang kinikilig si Felicia na animo'y nakareceive sya ng goodmorning mula sa lalaking napupusuan.

"Lihim lang natin 'to ate ah, mayroon kasi akong napupusuang binata. Doon ko sya madalas masilayan sa bukana ng batis." pagkukwento nya at halos hindi pa rin maalis alis ang ngiti sa kaniyang mga labi. 

"Sino naman iyan, magkakilala kayo?" pag-usisa pa ni Mirza, iniisip niya kasi na baka kinikilig si Felicia ngunit hindi naman pala siya kilala ng binatang tinutukoy. Pero agad din niyang naisip na mas maayos na rin na kiligin sa hindi siya kilala. Dahil para sa kaniya, kapag nakilala mo na yung taong hinahangaan mo, at nalaman mo na may mga bagay ding hindi kaaya-aya patungkol sa pagkatao nito ay baka ikadismaya lang.

"Hindi.. ate, ngunit kuntento na ako sa ganito." sagot ni Felicia sabay ngiti muli. Napailing na lang si Mirza, wala kasi siyang kainte-interes sa ganoong bagay.

Tumungtong siya sa ganoong edad ng hindi gaanong binibigyang pansin ang buhay pag-ibig. Mas mahalaga sa kaniya ang umisip ng pagkakakitaan para sa kaniyang pamilya.

Tila natatanaw na niya ang tinutukoy ni Felicia na batis. May mga naliligo at naglalaba sa 'di kalayuan. 'haaay, ang sarap ng hangin.' saad ni Mirza sa sarili. Hindi niya kasi madalas maranasan magpunta sa mga ganoon o kahit na sa dagat o ilog, abala kasi siya umisip ng pagkakakitaan.

"Ate, iyo bang natatanaw ang binata na nasa unahan?'' bulong ni Felicia kay Mirza sabay nguso. 

"Huwag mong ipapahalata na siya'y iyong sisilayan ate, baka mapansin tayo." bulong muli ni Felicia ng titignan na sana ni Mirza ang binatilyong tinutukoy nya.

'Magaling pipili etong si Felicia.' saad ni Mirza sa isip. 'Alam na alam kung ano ang ginagawa nya.' 

Matangkad ang lalaking tinutukoy ni Felicia, mukhang mature, gwapo, kayumanggi ang kulay at maganda ang pangangatawan, mukhang kaedaran rin ni Felicia kung papansinin ang itsura. Kasalukuyang nakatayo ang binatilyo sa nakausling malaking bato sa unahan ng batis, pansin din ni Mirza na may mga labahing binabanlawan ang binatilyo.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon