KABANATA XXXII - Oras

364 19 0
                                    

Pinaghahanap na ngayon ng mga guardia sibil ang Pamilya Guillermo kabilang na rin si Mirza sa utos ng Gobernadorcillo. Kabilinbilinan naman nito na huwag papatayin ang mga iyon at sa oras na matagpuan ay hayaang sila ang magbigay ng parusa sa mga ito.

"Anong plano mo sa iyong suwail na anak?" mapaklang tanong ni Floreska sa ama habang umiinom ng wine sa kaniyang hawak na kupita.

"Huwag mong sasaktan ang kapatid mo, Floreska." pakiusap ni Don Aniceto sa anak. Natawa naman ang dalaga sabay lapag ng basong hawak niya sa lamesa.

"Huminahon ka Ama, sa lagay na iyan ay parang hinahandogan mo pa ako ng ideya." saad nito. Tumayo na si Floreska at natatawang yumukod sa harap ng ama na imbis pagbibigay galang ay nagmistulang pang-aasar ito. "Oh siya, magtutungo lang ako sa pagawaan ng tabako." paalam nito at walang anu anong tumalikod na sa Gobernadorcillo.

Samantala, sama samang kumakain sa mahabang dahon ng saging sina Mirza, Franco, at Isaac, sa kabilang hilera naman si Aling Leticia, Doña Estrella, Idalia, at Felicia. "Napakasarap na putahe nito, Amiga!" halos mapunit na ang labi ni Doña Estrella sa pagpuri kay Aling Leticia. Nahihiyang tumango tango naman ito.

"Ano ka ba, kumain ka lang nang kumain diyan." natatawang saad nito. Lahat ay nasisiyahan sa pagbabago ng Doña, bumalik na kasi ito sa dating katinuan. Sa loob loob ni Isaac ay napapanatag na siya, hindi niya na rin alam ang gagawin noong mga nakakaraan dahil tila pati pagkain ay ayaw nang galawin ng kaniyang Ina dahil sa lungkot.

"Ate Mirza, may tanong daw si Idalia!" patawa tawang saad ni Felicia, napailing iling naman si Idalia na animo'y sinasabing walang katotohanan ang mga lumalabas sa bibig ni Felicia. Napangiti na lang si Mirza nang mapagtantong inaasar ni Felicia si Idalia.

"Oh sige, ano ba iyon, Idalia?" tanong niya rito pero umiling lang itong muli.

"W-Wala ho, Ate. H-Huwag niyo hong bigyang pansin si Felicia." paliwanag nito ngunit kahit pinipigilan ni Idalia ay nagawa pa rin ni Felicia na tanungin si Mirza.

"Kailan mo raw ho tutugunan ang panliligaw ng kaniyang kuya!" masayang masayang sigaw ni Felicia na nagpawala ng ngiti sa labi ni Mirza.

Samantala, nabitawan naman ni Franco ang hawak na kanin at ulam na isusubo niya na sana. Pabalik balik naman ng tingin ang Doña at si Aling Leticia kay Isaac at Mirza na tila nakikiramdam. Napainom na lang ng tubig si Isaac dahil maging siya ay nabigla sa sinabi ni Felicia.

"Felicia, hindi kita pinalaki ng ganiyan. Hindi magandang pinapangunahan ang mga nakatatanda sa iyo." pagsuway ni Aling Leticia sa anak ng mapansing hindi naging komportable si Mirza sa hinuha ng anak.

Habang si Isaac naman ay hindi malaman ang magiging reaksyon, kaya napayuko na lang ito na animo'y nahihiya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang makapagligpit na sila ay naisip ni Mirza na mangolekta ng mga kawayan upang makagawa ng pansamantalang matutuluyan. Palakad na sana siya papunta sa kagubatan ng magsalita si Franco.

"Saan ka magtutungo?" tanong nito.

"Kukuha lang ako ng mga kawayan, para sana makagawa tayo ng kahit bahay kubo manlang." paliwanag ng dalaga, bigla naman napatayo si Isaac na siyang ikinabigla ng dalawa.

"Samahan na kita, Mirza." suhesyon ni Isaac, kumunot naman ang noo ni Franco.

"Ako na lamang ang sasama sa iyo, G1." sabat ni Franco. Hindi naman malaman ni Mirza kung bakit tila nagpapaligsahan ng tinginan ang dalawa.

Samantala, abala naman si Felicia at Idalia sa pagtitiklop ng kanilang mga damit. "Gusto mo ba sa iyo na lang ito?" tanong ni Idalia kay Felicia habang ipinapakita ang hawak nitong ipit sa buhok na may disenyong paru-paro.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon