KABANATA IV - Duelo

782 32 1
                                    

Tahimik lang si Mirza habang nakaupo sa kalesa, katabi niya si Franco at ang Gobernadorcillo naman ay nasa kabilang kalesa. Hindi pa rin siya mapakali at tila kinukwesyon ang sitwasyon na pinasok niya, batid niya na hindi ganoon kadaling mapalapit sa mga taong makapangyarihan katulad nina Don Aniceto at Franco. Bagamat sa panahon kung saan siya isinilang ay nagagawa nya ring mapalapit sa makapangyarihang tao, pero dahil nagsisilbi siya roon, hindi lang para sumama-sama lang basta katulad ng ginagawa niya ngayon.

Wala siyang magawa at hindi niya rin naman makausap si Franco dahil kita niyang seryoso lang ang itsura nito. Ilang sandali pa ay huminto na ang kalesa sa isang malawak na lugar, mahahawig ang lugar na iyon sa isang sport complex na mayroong kalumaan.

Samantala, naunang bumaba si Franco at bababa na rin sana si Mirza patalon sa kalesa ng tumambad sa harapan niya ang kamay ni Franco na tila hinihintay na abutin ito ng dalaga upang makababa ito.

Likas na ang ganoong pag-uugali sa mga ginoong namumuhay sa panahong iyon kaya kahit hindi ganoon maganda ang pakikitungo ni Mirza sa binata ay nagawa pa rin nitong pakitaan ng magandang asal ang dalaga.

Napansin naman ni Mirza na tila maraming tao sa paligid kaya minabuti niya na lang na abutin ang palad ni Franco at magkunwaring kailangan niya ito, hindi niya rin naman nais mapahiya ang binata dahil kahit papaano ay mayroon din siyang nararamdamang kaba na baka tuluyan na itong magalit sa kaniya at magsumbong ito sa kaniyang ama.

"Anong kaguluhan ito!?" tanong ng Gobernadorcillo na umalingawngaw sa buong lugar dahilan para matahimik ang lahat na kanina pa nagkakagulo.

Maging si Mirza ay nagulat at mas lalong kinabahan na baka sigawan din siya ng Don sa oras na malaman na tinatrato niya ng hindi maganda ang anak nito.

"D-Don Ludez.. Paumanhin ho at nakarating pa sa inyo ang sigalot dito.." nakayukong tugon ng isang lalaki na nasa edad trenta pataas, siya si Pedrito, ang kanang kamay ni Don Suarez.

"Hanggang dito ba ay inyong idadala ang inyong alitan!?" maotoridad na tanong muli ni Don Aniceto sabay tingin sa dalawang Don na nagtatalo. 

"Kumpadre.. ito ay simpleng hindi pagkakaunawaan lamang, hindi ko ba mawari kung bakit pinapalaki nitong si Suarez!" sagot ng isang lalaking balbasin, siya naman si Don Armando Dominguez, isa sa mga opisyal ng lalawigan. 

"Huwag mo sa akin ibuntong ang sisi, Dominguez! ikaw ang may pakana ng paninira ng mga tanim na tabako!" sigaw pabalik ng kausap nitong balbasin din, siya naman si Don Felipe Suarez.

"Kung ikaw pala ay siguradong sigurado, bakit hindi mo ako mapakitaan ng pruweba? Kung ikaw ay napopoot ay marapat lamang na may dala kang pruweba na magpapatunay sa alegasyong ibinabato mo sa akin at sa aking pamilya!" nang-gagalaiting sigaw pabalik ni Don Armando.

"Magsitigil na kayo! Wala na kayong kahihiyan! Sa harapan pa ng mga nandirito kayo nagbubuno!" sigaw ni Don Aniceto na siyang nagpatahimik sa lahat.

"D-Don Suarez.. mas makabubuti kung ipagpaliban nyo muna ito, tayo ho ay may mahalaga pang aasikasuhin." nag-aalangang bulong ni Pedrito kay Don Felipe, tumango lang ito.

"Paumanhin kumpadre, ako ay magtutungo na lamang sa iyong tanggapan bukas upang maipaliwanag ang aking ipinaglalaban." saad ni Don Felipe sabay tingin ng masama kay Don Armando.

Matagal ng may alitan ang dalawang Don sa lalawigan, bali-balita na noong mga binata pa lamang ay hindi na talaga magkasundo ang dalawa kaya sa tuwing nagkakasama ang mga ito sa mga pagdiriwang ay hindi maiwasang magbuno ang dalawa.

PanimdimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon