CHAPTER 20

7 5 2
                                    

CHAPTER 20

"I LOVE YOU TOO, JILO." Rinig niya ang tugon ng dalaga sa kanyang kabilang linya.

Malaki ang mga ngiti niya nang marinig niya ang tugon ni Croshan. She's responding to him again. Alam niya ang salitang 'mabubura ng sorry ang galit pero hindi mabubura ng sorry ang sakit at hapdi'.

Babawi siya sa dalaga ngayong nakabalik na siya at nahiwagaan na ang kanyang isip na hindi talaga silang dalawa ni Ivan nagkabalikan. That how jealousy filled him, it's like his vision darkened. Naunahan ng selos at galit ang puso niya kaya hindi niya nilaman ang katotohanan sa una palang. That's just a plan to hurt her but it turns out his guiltiness starting to eat him when Croshan tell him the truth.

Gusto na niyang bumawi sa lahat ng nagawa niya rito. He wants to say 'babawi ako Croshan,'  but it's too late.

Sa isang iglap nakita niya ang sasakyan na minamaneho ng dalaga na tumitilapon dahil sa binangga ng mabilis at malaking truck kasabay noon ay ang malakas na tunog na narinig niya sa kabilang linya.

Kaagad na linamon ng takot at iba pang emosyon ang kanyang buong pagkatao. His whole body froze of what he witnessed.

This can't be.... Croshan.... Mi hermosa?...

Dali-dali siyang lumabas ng kotse at malakas na napasabunot sa sariling buhok habang umiling-iling. Huli niya lang napagtanto na huminto kanina ang kotse na minamaneho ng dalaga sa intersection road.

"Croshan!" Malakas na sigaw niya sa pangalan ng dalagang minamahal. Bumagsak ang mga tuhod niya at kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha niya.

Sana hindi ito totoo. Sana panaginip lang ito. No! This can't be! Nababaliw siya sa nakikita.

Ilang beses na paulit-ulit na nag-re-replay ang mga nangyari kanina sa utak ni Jilo. Bakit kung saan gusto na niyang makabawi sa dalaga doon pa nangyari ang ganitong aksidente? Bakit kung saan magkakabutihan na silang dalawa ganito pa ang mangyayari?

Sa harapan niya mismo nangyari ang aksidente na natamo ng dalaga. Mas mabuti pang sakanya nangyari ito kaysa sa dalagang minamahal niya. Mas mabuti pang siya nalang kaysa ito pa.

Tulala siya sa kawalan habang hinihintay kung ano na ang lagay ni Croshan sa ER. Ang sakit isipin na nasa masamang sitwasyon ang mahal  niya na nag-aagaw buhay ngayon.
Sunod-sunod ang luha na tumulo sa mga mata niya.

"'wag mo akong Iwan. Don't leave me please. Babawi pa ako sa'yo. Mamahalin pa kita habang buhay." Nasabi niya sa walang kawalan.

Binibiyak ang puso niya sa bawat minutong lumilipas, sa bawat segundong lumilipas. Kung nababaliw siya sa litrato na iyon, mas nababaliw siya ngayon, mas natataranta pa sa natataranta ang nararamdaman niya. Scared but never lose the hope inside his heart for his Hermosa. He clenched his fist and closed his eyes that continuously to cry for his Hermosa.

Dear, god. I know I made a big mistake today. But I want to wish for my Hermosa's life. Please make her alive. I always trust you, I pray for you. Tears begin to shed from his eyes as he thought those.

Narinig niya ang palapit na tumatakbong mga yabag at kasabay noon ay ang nagtatanong na pamilyar na boses. "How's my daughter?" Mr. Salvation's voice.

Napamulat ang mga mata niya at nakita niya ang ama't ina ni Croshan na halata ang iba't-ibang emosyon sa mga mukha. Nagtatanong ang mga ito sa doktor na umaasikaso sa dalaga, bagong labas lang ang doktor na may matamlay na mukha.

"This is sad to say, but your daughter is in coma." Malungkot na sagot ng doktor sa tanong ng ama ni Croshan. "Malubhang naapektuhan ang utak ng pasyente dahil sa aksidenteng nangyari, hindi pa namin alam kung kailan siya magigising. Kailangan lang natin ngayon ilipat siya sa ICU." Saad ng doktor at nagpaalam para umalis na.

A Crochet scarf for you [COMPLETED]Where stories live. Discover now