2: Devils & Diplomacy

61 12 0
                                    

A convenience store is a rare sight in Eastwood.

Or at least an "undamaged and Cambion-free" one is a rare sight to behold. Almost as rare as churches, nowadays.

"WOHOOO! Mukhang naka-jackpot tayo, E! Ang daming pagkain dito... Tingnan mo, isang linggo pa lang na-expire ang potato chips na 'to!"

Tulad ng kanyang inaasahan, mag-iingay at magmimistulang bata na naman si Abel. Hindi na siya magtataka kung makatawag siya ng atensyon ng mga Cambion o demonyo---kung anuman ang mas malapit sa kinaroroonan nila. But instead of lecturing him like Father Joseph would probably do, hinayaan na lang niya ito.

Minsan lang maging bata, kaya hangga't maaari, hinahayaan na lang niyang i-enjoy ni Abel ang kakarampot na kalayaang kaakibat ng pagiging "bata" sa panahong ito.

"Don't let anything worry you or cause you pain. You aren't going to be young very long."

Ecclesiastes 11:10

Kaya imbes na maging killjoy sa kaligayahan ni Abel, E settled himself against a counter and started opening a packet of an old burger. Walang pag-aalinlangan siyang kumagat at kinain ito, barely chewing on it before swallowing. He was already halfway done with the meal when he felt Magdalene's presence. Tumabi ito sa kanya at naupo sa ibabaw ng counter.

"Mukhang mas matagal nang expired 'yan, ah. Nagpapakamatay ka na ba?"

E calmly replied, "Kung nabubuhay ka sa isang post-apocalyptic world, mauunawaan mong nage-evolve ang katawan ng tao. Walang panis na pagkain sa kumakalam na sikmura."

Narinig naman niyang umismid si Magdalene bago ipinagpatuloy ang pagkain. She was eating old french fries, he can tell by the smell. Kung sinuman ang huling mga taong nanatili sa convenience store na ito, mukhang iilang linggo pa lang mula noong umalis sila. 'Umalis o inatake sila,' E couldn't help but think about the many possible reasons why humans don't settle in one place anymore.

Mula noong naghari ang mga demonyo sa Eastwood, mabilis na naubos ang resources sa pagkain at iba pang pangunahing mga pangangailangan. At some point, the demons hauled these necessities for themselves in order to take control of the population.

Making humans dependent on them.

Hindi naitago ni E ang kanyang emosyon. Napansin niyang huminto si Magdalene sa pagkain at mahinang natawa, "Kakainin mo ba 'yang burger o pipipiin mo na lang? You seem to be angry. Akala ko ba mahaba ang pasensya ninyong mga nasa Order, hmm?" Pang-aasar nito, halatang naaaliw sa nasasaksihan.

Pero hindi na niya pinatulan ang dalaga. Nauunawaan niyang epekto lang ito ng pagiging Cambion niya. Hindi pa man siya ganap na na-convert, alam ni E na unti-unti nang nalalason ang karakter nito.

Unless she's naturally mean even without the devil horn, but E doubts that.

"Hindi galit ang nararamdaman ko ngayon, kundi lungkot. Magkaiba 'yon... You can easily get angry and vent that anger outwards to harm others, but sadness is anchored inwards. Sadness is a thousand times more crucial. Nalulungkot ako sa sitwasyong 'to, at pakiramdam ko naman hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa'yo."

Sandaling natahimik si Magdalene. E can almost imagine her frowning in disbelief.

"Dapat yata mas malungkot ka sa sarili mo. Why bother being sad for other people? 'Di mo naman buhay. Labas ka na doon."

"It's called empathy."

"It's called B-U-L-L-S-H-I-T."

E shook his head at the language. By now, you'd think he'd already be used to this with Abel, pero kailanman hindi talaga siya masasanay makarinig ng ganitong lenggwahe mula sa mga batang 'to. Kung napansin man ni Magdalene ang pagbabago ng mood ni E, she did a great job ignoring it.

✔ Project Salvation: The Last ExorcistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon