4: Ferocity & Fortitude

43 9 4
                                    

When did you first acknowledge the presence of God?

Marahil sa iba, una nilang nakikilala ang Diyos pagkamulat pa lang ng mga mata nila sa mundo. Those who live under the shelter of religious families readily know He exists in faith. Samantala, ang iba naman nahuhuli ang pagkamulat. Nakilala lang nila dahil sa pagsisimba at pagdarasal, sa mga kwento at sa mga nakakasalamuha. Those who realize He exists in everyday life, through the acts and through the people.

Pero ang iba, matagal nang nabubuhay nang tinatanggi ang presensiya Niya.

Lumilipas ang mga taon nang kinukwestiyon ang mga dasal, libro, at rosaryo. Dinadaanan ang simbahan at napapailing tuwing may nakikita siyang nagsa-sign of the cross. Tumataas ang kilay kapag nakikita ang mga kakilala niyang bigla na lang lumuluhod at sumasamba. Pinagtatawanan ang mga taong ibinubuhos ang oras sa mga religious activities at kinakanta ang worship songs.

Bakit? Para saan pa? Nakakatamad mag-simba. Wala naman akong mapapala diyan. Ang daming arte. Sayang lang oras ko. Hindi naman ako parte ng relihiyon nila. Gastos lang 'yan. Pinagkakakitaan lang nila 'yan. Niloloko lang kayo. Mga uto-uto. Bakit ako maniniwala?

Bigyan mo ako ng rason...

More often than not, those who deny the presence of God are the ones who need Him the most.

And He was there when E needed him the most.

"Bakit ba kasama pa natin ang isang 'to? E, paano kung bigla na lang niya tayong atakihin mamaya habang natutulog tayo?" Abel's anxiety was already evident in his voice. Nai-imagine niya itong pasulyap-sulyap kay Magdalene na tahimik lang na nakamasid sa apoy. Nakaupo sila sa tapat ng parehong apoy na 'yon, sa gitna ng parking lot ng isang lumang hotel.

Some days, the Order would take refugee inside a building but most of the time, E would camp out and sleep under the stars.

Mas nagiging kalmado siya tuwing naaalalang may langit sa itaas niya.

"Ano bang gagawin ninyo sa Capitol?" The feminine voice asked.

As Abel described her earlier, Magdalene came with a fiery red hair looking like the embers of a dying flame. Kung natural man ito o hindi, wala na silang paraan para malaman ito. Among all the things a blind man can see, color is, unfortunately, not one of them.

"Wala ka nang pakialam sa misyon namin! It's TOP SECRET!"

Agad na sagot ni Abel bago nagbukas na naman ng bag ng potato chips. Habang nilalantakan niya ito, pasimple niyang siniko ang Exorcist at bumulong. "Err... E? Ano nga ba 'yong gagawin mo roon? Hindi ka naman siguro makikipaglaban nang one-on-one sa lider ng mga demonyo at sa mabahong heneral ng mga Cambion, 'di ba?"

That amused him. "Tinawag mo bang mabaho ang kapatid mo?"

Natahimik sandali si Abel.

Noon lang siguro niya napagtantong ito ang unang pagkakataong nabanggit niya ulit ang tungkol sa kapatid niya. It was a bitter memory that no child would ever want to burden himself with, especially when the said brother's presence in his life is near to nonexistent.

"Yeah, well.. Mabaho naman talaga siya! Kita mo, hanggang dito umaalingasaw ang kasamaan ng mga Cambion."

E can feel the tension in the air. Alam niyang kung wala siyang gagawin, baka makaapekto pa sa Project Salvation ang mga nangyayari ngayon. Just like what Father Joseph always told him, sometimes it's best to face your inner demons before battling the demons set loose outside. Kung hindi, makakahanap sila ng paraan para i-exploit ang mga kahinaan at kinatatakutan mo.

✔ Project Salvation: The Last ExorcistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon