7: Enemies & Eternity

33 11 0
                                    

The last Exorcist wanted nothing more than to break these chains and finish his mission. Hindi maaatim ng kanyang konsensiya ang isiping masasayang lang ang ilang taong paghahanda at pagsasakripisyo ng Order of the Faithful para sa Project Salvation. 

They've already lost so many.

'Ano na lang kaya ang sasabihin ni Father Joseph?'

Muli na naman niyang nahanap ang kanyang sarili sa gitna ng isang prosesyon. Pero sa pagkakataong ito, imbes na sa madilim na lagusang hinukay ng Order, E found himself walking among the dead. Katulad ng kanyang inaasahan, namamalagi malapit sa sentro ng Capitol ang mga demonyo at Cambion. These were the lower class demons that can freely wander the earth. Ang high ranking demons naman ay hindi natatagalan ang mundong ibabaw kaya kailangan nilang magpabalik-balik tuwing tatawagin sila ng unang demonyo. Something they recently discovered after years of observation.

Fortunately, the Cambions had less restrictions but that didn't make their lives easier.

Some demons still detest Cambions, despite the fact that their own kind were the ones who corrupted them in the first place. They hate them because they were once human.

'In this society, discrimination still exists.'

Maya-maya pa, nakarinig sila ng mga pagsigaw. May aleng humahagulgol ng iyak. May batang nagmamakaawa. May babaeng humihingi ng saklolo.

"BILISAN NINYO!"

Napapikit si E. Isang parusa ang mapakinggan ang pagpapahirap ng ilang mga demonyo sa mangilan-ngilang taong pinili nilang gawing alipin at laruan. Paulit-ulit ang karahasan at pagdanak ng dugo sa lugar na ito. Nakabibingi ang pagtawa nila. The air smelled like sulfur mixed with smoke. It was enough to drive any man insane.

Too much.

E bit down on his lower lip until he tasted blood. Anger boiled in his veins. Sa ngayon, wala siyang magawa kundi ipagdasal ang kanilang kaluluwa at katinuan.

Naramdaman niya ang pagsulyap sa kanya ni Magdalene habang naglalakad ito sa unahan ng prosesyon. But it was only a brief moment, a glance of pity.

Sa kanyang likuran, narinig ni E ang panghihimutok ni Abel.

"Alam kong papagalitan ako ni E sa sasabihin ko pero... WHAT THE FUCK?!"

But E didn't even flinch at the words. Dahil dito, hindi pa rin nakuntento si Abel. "Sana masaya ka sa ginagawa mo ngayon, Magdalene. You're a filthy traitor, that's what you are! Ah, basta kinikilabutan akong isipin na sumakay ka sa truck ko!"

"Abel, that's enough."

"BUT SHE FUCKING BETRAYED US!"

Walang paraan para malaman ang reaksyon ni Magdalene dito. Pagak namang natawa ang mga demonyong escorts nila na para bang naaaliw sila sa ideya ng gulo. E wasn't surprised for he knew demons feasted upon discord and tragedy, all for the sake of their entertainment and personal gain. Ito mismo ang rason kung bakit gustong-gusto nilang ginagambala ang mga tao---ang mga taong madali nilang namamanipula.

Makalipas ang kalahating oras ng paglalakad, napansin ni E ang lalong pag-init ng paligid. Para bang sumisingaw ito mula sa ilalim ng lupa. 'The cracks? Mukhang nandito na nga kami sa trono,' isip-isip niya bago sila itinulak ng mga demonyo.

They were shoved against the granite floor, where the stench of rotten flesh and urine made the Exorcist's stomach turn.

Isang malalim na pagtawa ang bumulabog sa katahimikan.

"Sa wakas, nagkita-kita na rin tayo."

Suddenly, Abel's snarky remarks stopped. Sa kanyang pagtataka, narinig niya ang panginginig sa boses ng binata.

✔ Project Salvation: The Last ExorcistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon