Chapter 3

402 22 0
                                    


Sir troy

Gumising na ako ng maaga dahil ngayong araw ang alis ni Mam katherine kasama yung isa nya business partner papuntang ibang bansa.

Andito ako sa isang coffee shop para syempre uminon ng kape.

Hindi kasi ako nakapagkape sa bahay dahil nagmamadali ako, bigla kasing tumawag yung Secretary ni Mam katherine may sasabihin daw sakin pero nung pumunta ako ng office wala namang tao at my nakapagasabi saakin na umalis daw si Mam katherine at yung secretary nya kaya nagpasya ako na pumunta muna ng cafe.

Habang akoy nakaupo at umiinom ng kape ay tinititigan ko ang loob ng shop, maganda yung design my mga paintings den na iba't iba, pati narin may ilang anime paintings den, at kinatuwa ko pa ay andon yung paborito kong anime character na si Naruto. Kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko at balak kung kuhanan ang malaking paintings ni Naruto, Habang nagpipicture ako ay nagulat ako dahil may isang nakisali habang nagpipic kami ni idol kong si naruto.

Hindi ko alam kung matatawa ako o
Mahihiya dahil bigla nalang syang umakbay sa likod ko na ikina-kaba ko.

"Alam mo idol kodin si naruto" sabi sakin ng lalaking ma-amo yung muka na medjo magulo yung buhok.

"T-teka sino kaba?" sabi ko habang na uutal.

"Wag kang mag-alala di ako masamang tao" sabi nya at umupo na sa tabi ko.

"Ok lang naman na umupo sa tabi mo? Wala kasi akong kasama" sabi nya habang nakatitig saakin na maya maya ikatutunaw kona.

Nag-nod ako "ok l-lang" sabi ko at nauutal padin.

"Wala kabang kasama?" Tanong nya sakin.

"Wala" tipid kong sagot.

"Bakit wala?" Tanong nya.

Aba! Napaka wirdo pala ng lalaking to..

"Wala lang" sabi ko na ikana-tawa nya.

Loko loko bato! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko.

"Alam mo ang cute mo" sabi nya habang naka alumbaba at nakatitig sa akin.

Nakakatuwa din naman pala sya kahit papano.

"Alam mo kung mang-aasar kalang tigilan mo ako" sabi ko habang nakangiti abot hanggang tenga.

"Hindi ako ng-aasar totoo nman ah" sabi nya habang umiinom ng kape.

"Ikaw ba, wala kabang kasama" tanong ko.

"May nakikita kaba?" pilosopo nyang sabi.

"Wala" tipid kong tanong.

"Papunta ako ng work ngayon, kaso di pa ako nag breakfast kaya dumaan muna ako dito" sabi nya habang kumakain ng isang slice ng cake.

"Ah ganon ba" sabi ko at umiwas na ako ng tingin sa kanya. Nahihiya naman kasi ako eh.

"Ikaw, bat ka napadaan dito?" Tanong nya.

"Maaga ako pumasok at galing na ako ng work, saktong di padin ako nag be-breakfast kaya pumunta ako dito" sabi ko naman.

"Parehas pala tayo eh" sabi nya at nakatingin na naman sa akin.

"Paborito mo bang lugar to?" Tanong nya na nman.

"Ahh Oo, maganda kasi yung view sa labas eh tsaka maganda yung simoy ng hangin sa labas, kaya madalas ako nandito" sabi ko.

"Alam mo madalas din ako dito" sabi nya.

"Wehh! Ba't hindi tayo nagkikita" biro kong sabi.

"Bakit, gusto mo ba akong makita lagi" sabi nya habang nataas-taas yung kilay nya.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now