Chapter 18

157 14 0
                                    



Black Savage Gang


Nasa kusina ako at nakatulala habang nakaupo sa high chair at umiinom ng kape.

Nakauwi na kami galing boracay, pero hindi parin matanggal sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Sir troy noong gabing iyon.

"Teka nga Sabrina, alam mo kanina kapang tulala, umamin kanga ano ba talagang nangyari ha!" Pataray na sabi ni Shantel.

Diko kayang sabihin kay shantel at ayumi yung nangyari samin kagabi ni Sir troy. Ayoko maging assume no!

"Wala, inaantok pa siguro ako." sabi ko at sabay unat.

"Wag ka kaya muna pumasok ngayon, magpahinga ka muna." sabi ni ayumi.

"Hindi pwede, madami akong gagawin!" Sabi ko.

"Pshh..makakapagtrabaho kaba ng ganan?" sabi ni shantel

"Mawawala narin to mamaya." sabi ko.

"Sya sige na mauna na kami, kitakits nalang ok." sabi ni shantel

"Bye Sabrina" paalam ni ayumi.

Wina-gayway kolang ang kanang kamay ko. Inubos na ang kape na iniinom ko. Naligo nadin ako at nagbihis ng uniform.

Pumunta na ako sa aking grahe at pinaadar na ang aking sasakyan.

Mag-aalas otso palang ng umaga, kaya dumeresto muna ako ng bookstore. Nadaan ako paminsan minsan dito pag natapos konang basahin ang lahat ng libro ko at pag may bagong labas na libro. Dito ako bumubili at suki nila ako dito. Mahilig akong magbasa ng mga pocket book na love story kaya pag may oras ako nagbabasa ako. Halos lahat ng library ko puno puno ng mga libro haha! Merong sariling Room ang mga libro ko at katabi lang ito ng kawarto ko.

"Hi Ms. Sabrina, meron pong ilang books na dumating at New Edition po ito. Ipinag bukod ko po kayo." sabi ni Zarie na matagal konadin kilala.

Nag-nod na lamang ako at dumeresto na na sa cashier para kuhanin ang libro at bayaran. Tatlong bandle ng libro ang binayaran ko. Nakaka- excite! Sari-saring kwento na nman yung matutunghayan ko kada gabi haha! Lumabas na ako bookstore ng biglang--

"Aray!" Sigaw ko ng biglang may bumangga sa akin na malalaking tao at mga nakakulay itim na damit.

Tiningnan ko sila ng maigi at naka sombrelo sila at naka saklob ang buong muka nila. Kinabahan ako sa matalas na tingin nila sa akin na parang gusto nila akong saktan. Nanlaki ang mata ko dahil tiningnan ko ang kamay nya na may hinuhugot na baril sa bulsa.

Nabalisa at hindi ko alam ang gagawin ko!

"Sorry po!" Sabi ko at dali-dali akong sumakay ng kotse ko at sabay pinaharurot ko ng mabilis para hindi nila ako masundan.

Grabe nakakatakot sila! Parang mga kidnapper lang at mga sindikato ang datingan. Kinakabahan ako na parang ewan, parang gusto nilang saktan at hindi maganda ang tingin ko sa kanila.

Nakarating na ako ng Vergara's building at dumeresto na ako ng office ko. Lumingon ako sa paligid para tingnan ang mga lalake.

Pagkarating ko agad, ibinaba kona ang gamit at libro na hawak ko kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si ayumi.

"Bakit ka napatawag?" Sagot ni ayumi sa telepono.

"Nasan ka?" Tanong ko.

"Nasan office, why?" Sagot nya.

"Sige pupunta ako dyan" sabi ko at dalidali akong lumabas ng office ko.

Ng biglang may bumangga na naman sa akin.

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now