Chapter 67

109 9 0
                                    

3rd Person's POV

"Mama nag-aalala ako, tama ba na babalik uli tayo ng pilipinas" nagaalinlangang tanong ni Nate sa Mama nyang si Elise.

"Kahit ako Nate nag-aalala para kay Sabrina" sabay napabuntong hininga ito. "Pero may tiwala ako sa kanya, alam kong malakas na sya ngayon"

Bahagyang napatingin si Nate sa mama nya. "Mama hindi ako kay Sabrina nag-aalala. Alam ko noon pa kinalimutan na nya ang lahat. Kita ko rin sa kanya na kinalimutan na nya ng tuluyan si Troy, pero Mama babalik tayo ng pilipinas. May posibleng magtagpo ang landas ni-" putol na sabi ni  Nate.

"Posible yun anak, ang tadhana na ang bahala roon"

Naputol ang usapan nila ng tumunog ang telepono ni Nate. Kinuha nya ito at sinagot. "Hello" pagkasagot nya napatingin ito sa dumating na si Kim, ang kanyang nobya.

"Sige po yaya, masaya at sobrang excited narin po kaming makita ulit kayong lahat" nakangiting sabi ni nate habang kausap nya sa telepono ang dati nilang katulong na si Neli.

"Nate hijo, may gusto lang sana akong sabihin sayo" nangangambang tanong ni Neli kay Nate.

"Sure po Yaya, ano po iyon?" Tanong naman ni Nate.

"Kinausap ko si Mira tungkol sa pag-uwi nyo at tinulungan nya ako sa pag-aayos sa bahay. Pati narin ang iba pa nyang kaibigan"

Nagkatinginan sina Elise, Nate pati si Kim. "Ibang kaibigan? Sino-sino po yaya?"

"Sina Ayumi, shantel pati narin  sina Gavin, drake at liam" sagot ni Neli. "May problema ba hijo?" Nagaalalang tanong ni Neli kay Nate.

"Wala naman po Yaya, m-mabuti po kung ganon. Nasaan po ba silang lahat?"

"Andito kaming lahat sa bahay, ang kukulit nga eh. Gusto daw nilang tumulong" masayang sabi ni Neli.

Inagaw naman ni Shantel ang telepono kay Neli. "Hoy nate! Nasan ang kaibigan namin ha!" Sigaw nya sa telepono.

Napangiti naman ng bahagya si nate at elise na kanyang ina sa inaasta ng kausap sa kabilang linya. "Wala sya dito, nasa opisina pa sya eh"

Inagaw naman ni ayumi ang telepono kay shantel. "Gusto ko sanang kausapin si Sabrina"

"Wala sya dito, hayaan nyo mamaya pag dumating sasabihan ko sya na tumawag kayo. Siguradong matutuwa yon" nakangiting sabi ni Nate.

"Weh? Matutuwa ba talaga sya? Hindi nya ba nakalimutan?" Malungkot na sabi ni shantel.

Nagkatinginan ulit sina nate at si elise na nanay nya. "Alam nyo, hindi kayo nakakalimutan ni sabrina. May mga bagay talaga syang hindi nya kayang maipaliwanag sa inyo."

Nagkatinginan naman sina Gavin at shantel at ang iba pa nyang mga kaibigan na kasama ni Neli ngayon.

Inabot naman ni shantel ang telepono kay neli. "Alam namin yon, naiitindihan namin si sabrina. At alam namin na hindi nya kami nakakalimutan at higit sa lahat hindi sya magbabago" malumanay na sabi ni Neli.

Lahat sila ay nangangamba sa sinabi ni Neli. Dahil muli na namang magkakatagpo ang mga landas nilang lahat. Sa apat na taon kasi may mga nangyaring bagay na hindi alam ng mga kaibigan ni Sabrina, ganun din si Neli. Dahil matagal na silang hindi nagkakasama at nagkakausap. Ang alam lang nila   ay ganun padin ang takbo ng buhay ni sabrina. Kahit ang totoo ay madami ng nagbago.

___________________

Gavin's POV

Andito kaming lahat sa sala ng bahay ni Sabrina. Matagal narin kaming hindi nakakapasok dito, mula kasi nung umalis si Sabrina at ang pamilya nya wala na kaming naging oras para dumalaw pa ulit. At nung nakatagal-tagal umalia narin si Yaya neli dahil umuwi sa probinsya para puntahan don ang pamilya nya. 

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now