Chapter 84

78 7 0
                                    


Troy's POV

"Attorney nasasabik konang makasama ang anak ko, hindi ba magagawan ng paraan agad para mapabilis ang laban ng kaso?"

"Easy Mr. Vergara, hindi agad malalaban ang kaso ng ganoong kadali. Hindi basta-basta ang isinampa nyong kaso, lalo na't tungkol ito sa bata"

"Sorry attorney, hindi lang ako makapag-hintay pa ng matagal" sabik na sabi ko.

"Naiintindihan kita Mr. Vergara, dadating din tayo parteng yan. Makakasama muna ang anak mo" nakangiting ani ni attorney.

Halos hindi na ako makatulog sa sobrang pananabik na makasama ko ang anak ko. Lalo na't alam ko na malakas ang laban ko sa kanila.

"You promised me na hindi lang si Hunter ang mababawi mo anak"

"Alam kong mula noon hanggang ngayon, hindi parin nagbabago ang pagtingin mo kay sabrina. Alam mo sa sarili mo na mahal mo parin si sya"

Mabilis kong niyug-yog ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit tumatak sa isipan ko ang mga sinabi ni Mommy tungkol sa babaeng yon.

Alam ko sa sarili kona wala na talaga akong iba pang nararamdaman sa kanya kundi galit. Itinatak ko sa isipan at puso ko na sya ang dahilan kung bakit nalayo ang bata sa akin ng ilang taon.

"Mr. Vergara kailangan konang umalis may mga halaga pa akong gagawin"

Tumayo ako tsaka sya kinamayan.

"Thankyou attorney"

Ngumiti ito. "See you next day troy, ipapanalo natin ang kaso"

Ngumiti lamang ako sa kanya tsaka sya nagpatuloy lumabas na ng opisina.

Pag-upo na pag-upo ko palang sa aking upuan, bigla namang tumunog ang aking cellphone.

Napahilamos nalang ako sa aking muka. Ilang beses konang sinabihan ang mga empleyado na wag na wag tatawag ng ganitong oras sa Boss nila dahil nakaka-abala sila sa oras.

Agad kong kinuha ang ang cellphone. Nangunot ang noo ko dahil sa hindi kilalang number na tumatawag ngayon.

"Who's this?" Seryosong tanong ko.

"Troy"

Boses babae? Gusto kong isipin na sya itong tumatawag. Napaka familiar ng boses nya. Mahin-hin at napakalamig sa tenga. Pero malabo na sya nga ito, at bakit naman sya tatawag sakin.

"Who are you?" Tanong ko habang pinupulot ang ballpen na nagpatak lang kani-kanina.


"Troy si Sabrina to" mabilis nyang sagot.

Kanina lang nilimot ko ang ballpen eh muli na namang nagpatak sa gulat noong nalaman ko na si Sabrina nga ang kausap ko ngayon.

"Sabrina"

"Troy gusto sana kitang maka-usap"

"Tungkol saan?" Seryosong tanong ko.

"Hindi ko sasabihin dito sa telepono, personalan ko sanang gustong sabihin sayo. Kung papayag ka, sa isang coffee shop sana" alok pa nya.


"Tss... madami akong kailangan tapusin sabrina. At kung hindi importante yan, pwede mong sabihin ngayon" ma awtoridad na sagot ko.


"Tss... alam mo troy kaunti nalang ang pasensya ko kaya wag munang ubusin pa. Pupunta ka sa ayaw at sa gusto mo! Maliwanag!" Mabilis kong nailayo sa tenga ko ang telepono dahil sa sigaw nya.

Pinatay na nya ang telepono tsaka nya ipinadala ang mensahe kung saan kami magkikita at kung kelan.

From #0914*******

Fall In Love With Her SecretaryWhere stories live. Discover now