O

14.4K 354 4
                                    

"NGAYONG GABI kita ipapakilala kina mommy at daddy. Is it okay with you?" tanong sa akin ni Biggie nang makasakay na ako sa kanyang kotse. Ikinabit ko muna ang aking seatbelt bago siya tiningnan and. . . ohlala, ang pogi naman nitong katabi ko. 

Biggie is wearing a black plain t-shirt and beige pants at dahil naka-side view siya, nakikita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Bumaba ang aking tingin sa kanyang mapupulang mga labi. Shet! Ang sarap halikan! 

I looked away and blinked. Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin kahapon. Ngayon kasi ang check-up ko, and he told me na sasamahan niya ako kaya heto kami ngayon. Ano ba 'yan! My crush just fetched me. Hehe. 

"Cham?" Muli akong napakurap nang tawagin ni Biggie ang pangalan ko. I turned to him. He gave me a questioning look. Inalala ko ang kanyang sinabi sa akin kanina. Ngayong gabi niya raw ako ipapakilala sa parents niya. Hindi ko mapigilang mabahala habang iniisip iyon. 

Napahawak ako sa impis kong tiyan at nilingon siya. I should communicate my thoughts and what I feel. 

"Paano kapag sasabihin nilang sinadya kong magpabuntis sa 'yo para magkaroon ng share sa yaman niyo?" Saglit pa siyang natigilan na para bang hindi makapaniwala na iniisip ko iyon. Eh, kasi naman, eh! Mayaman naman kasi sila! 

Bumulanghit siya ng tawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Seryoso kasi! Hindi niya naman ako sineseryoso, eh. My heart suddenly constricted in pain. Tinatawanan niya ako? Kasalanan ko ba kung bakit ganito ang takbo ng isip ko? Hindi ko mapigilan!

Umiyak na ako nang tuluyan. Ang sama niya!

Kita kong natigilan siya nang makita akong umiyak. Bumaha ang pag-alala sa kanyang mukha. Tangina niya! Nagtatanong lang naman!

"Shit!" Mabilis niyang inalis ang kanyang seatbelt at niyakap ako. Mas lalo akong napaiyak. Masama bang mag-isip ng gano'n, ha?

"Tahan na. I'm sorry," mahinahon niyang saad at hinagod ang likod ko. Hinalikan niya pa ang tuktok ng aking ulo. 

Tinulak ko siya kaya napabitaw siya sa akin. "Inaway mo kami ni baby!" singhal ko sa kanya. Kita kong napangiti siya na para bang naaaliw sa akin at pinahiran ang aking mga luha. Aba! At may gana pa siyang maaliw!

"Sorry na." He caressed my stomach. "Sorry na baby dahil inaway ko kayo ni mommy mo." May dumaan na init sa puso ko nang marinig ang katatagang iyon. Agad napawi ang inis ko kay Biggie na ikinanguso ko. Shit! Kinikilig ang pekpek ko! 

"But to answer your mommy's question, no. Hindi nila iisipin iyon dahil matagal ko nang pinakilala ang mommy mo, okay?" Natigilan ako sa kanyang sinabi. Nakatitig lang ako sa kanya at may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Ano raw? Matagal niya na akong pinakilala? The fuck? 

"What. . . what do you mean?" Huminga ako nang malalim habang hinihintay ang kanyang sagot. Inayos niya ang buhok kong nagulo. 

"The moment you left. I told them about you. Tawa nga sila nang tawa, eh. My parents told me to find you kasi baka raw mabuntis kita and I told them na imposible because I thought you were on pills."

Agad na namula ang aking mukha sa narinig. Tangina? Ikinwento niya ang karupukan ko? What the fuck? 

"Gago ka ba! Eh, ano na lang iisipin nila? Na ibibigay ko na lang ang sarili ko nang basta-basta?" Akala ko pa naman, kikiligin na ako sa sagot niya! 

Malakas na natawa si Jaycee sa aking sinabi. "Pero hindi naman ako basta-basta, 'di ba? Infairness, may taste ka." Nanlaki ang aking mga mata. Aba! Nagbubuhat pa ng sariling bangko ang gago!

Akmang hahampasin ko ang braso niya nang hinuli niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Upo ka na lang d'yan, okay? And sleep if you want to. Male-late na tayo sa appointment natin," sambit niya bago bumalik sa driver's seat at kinabit ang kanyang seatbelt. I snorted. Itong si Biggie naman, oh, parang what the fuck! Hindi ko naman inaasahan na open pala siya sa pamilya niya!

Unexpected BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon