WE

9.4K 250 6
                                    

RAMDAM KO ang paninigas ng aking katawan dahil sa nakita lalo na no'ng itinutok ni Diane ang hawak na baril sa aking noo. Napakurap ako nang maramdaman ang lamig no'n sa aking noo. Sunod-sunod akong napalunok at tila namanhid ang aking katawan. I couldn't move my feet and I couldn't speak. Shit. Ano 'to?

Diane let out a smirk and pulled the hammer back. Mariin akong napapikit nang marinig ang tunog ng pagkasa no'n. Kaagad akong napahawak sa aking tiyan at unti-unting nilukob ng takot ang aking puso.

Ang anak ko. . . 

Memories flashed my mind. Ang mga naranasan ko sa orphanage, ang pag-aaral ko, ang workmates ko, lalong-lalo na si Jaycee at ang anak namin. Fuck.

Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha dulot ng takot na nararamdaman ko. My heartbeat is ringing in my ears.

"Boom," mariing ani ni Diane at hinila ang gatilyo. Mas lalo akong napapikit pero gano'n na lang ang pagtataka ko nang wala akong maramdaman na kung anong tumama sa aking ulo. 

Mabilis akong nagmulat ng mga mata at kita ko si Diane sa aking harap. Nakatitig siya sa akin gamit ang mga malalamig na mata at napakurap ako nang may kung anong pilit na sumasaksak sa aking utak. Isang memorya na hindi ko matukoy kung ano.

"Hello, Chamy," she stated in a cold voice and put the gun down. Hindi ako nagsasalita. Nakatitig pa rin ako sa kanya at kumakabog pa rin nang malakas ang aking dibdib. 

She chuckled humorlessly and even tapped my stomach lightly. Napatalon ako sa kanyang ginawa at mas lalong umusbong ang takot ko. Shit. Anong. . . anong ginagawa niya?

"Chillax. Wala itong bala, okay?" saad niya na para bang sapat na ang mga salitang iyon upang kamalma ako pero hindi. Hindi maalis-aalis sa aking utak ang ginawa niya kanina sa akin. I could still feel the coldness of the gun pressed against my forehead.

Tiningnan niya ako nang mataman. I let out a shaky breath at doon ko lang napagtantong pinipigilan ko na pala ang aking hininga. Hindi ko pa rin magawang magsalita and I could feel my knees trembling because of fear. 

Nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at itinutok ang baril sa aking tiyan. Muli akong napapikit nang mariin at tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Kahit na sabihing wala iyong lamang bala, hindi ko pa rin maiwasang manginig dahil sa takot. Parating pumapasok sa isip ko ang aking anak. Tangina.

"Pero 'pag malaman kong inaakit mo si Jaycee at nagsusumbong ka, 'pag malaman kong tuluyan na siyang mahulog sa iyo, hindi ako magdadalawang isip na lagyan 'to ng bala at ipaputok sa tiyan at ulo mo. Maliwanag?" malamig niyang tanong sa akin na mas lalo kong ikinanginig. 

"Maliwanag?!" ulit niya pa nang mapansing hindi ako nagsalita. Sunod-sunod akong napatango at humagulhol. Fuck. Anong ibig niyang sabihin? Natatakot ba siya na mahulog si Jaycee sa akin? Mahal niya ba si Jaycee? Akala ko may fiancé siya?

"Good." Kita kong muli niyang ibinalik ang baril sa loob ng kanyang bag. Ngumiti muna siya ng malamig sa akin bago ako tuluyang iniwan at hanggang sa makapasok na siya sa elevator, hindi ko pa rin maigalaw ang aking mga paa. 

Do'n lang ako nakagalaw nang makita ang numero ng elevator na nagpapatunay na talagang nakababa na si Diane. Mabilis akong pumasok sa apartment kahit na nanginginig ang aking mga tuhod at mabilis iyong ini-lock. I went to the bedroom, turned the aircon on, and tucked myself in the comforter.

Hindi na ako nag-abala pang punasan ang luhaan kong mukha. Hindi pa rin mawala-wala ang takot sa aking puso at ang panginginig ng aking katawan. 

Tangina. Ayoko na. Dapat kong lumayo kay Jaycee.

Unexpected BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon