QY

10.9K 240 12
                                    

"REALLY? TAPOS after you graduated from senior high, ikaw na lang mag-isa?" Jaycee asked as we ate. Isang linggo na rin ang dumaan magmula no'ng lumipat siya rito, and days with him were pure bliss. Walang araw na hindi kami nagtatawanan.

Syempre, pati na iyotan! Charot.

I nodded at him. "Yep. No'ng college kasi, naging freelance graphic artist ako and I earned 50 thousand plus monthly. 'Yong bayad sa school dormitory per month is 4 thousand lang. Bale, in a month, mga around 10 thousand lang ang nagagasto ko kasi working student ako, eh, so I don't have to pay the tuition fee. The rest, savings," pagkukwento ko bago nagpatuloy sa pagkain.

Kita ko ang pag-awang ng kanyang mga labi na tila hindi makapaniwala. Bumakas pa ang paghanga sa kanyang mga mata kaya 'di maiwasang kiligin ng aking puday. Ano, he was impressed by how independent I was? Na-impress ko ang crush ko!

"Wow. . ." he said, eyes sparkling with delight and amusement. Nakatitig pa rin sa akin ang kanyang mga mata na may paghanga kaya mas lalong kinilig ang aking bilat. Mafo-fall na ba siya sa akin nito? Charot only!

"Yiee, proud ka sa 'kin?" tukso ko pa sa kanya. Kita kong napakurap siya at sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Super. What about the orphanage that you went to? Okay lang ba ro'n?" Kita kong ibinaba niya ang kanyang kubyertos at sumandal sa kanyang kinauupuan. Aba, mukhang interested talaga siya sa past ko, ah!

Nilunok ko muna ang aking pagkain bago nagsalita. "Ewan. Hindi ko masasabing okay, pero hindi ko rin naman masasabing puro pangit ang memories ko ro'n. It's just that. . ." I let out a sigh, recalling all the experiences that I've got from that orphanage. ". . . there was always this one sister who treated me harshly. Siya talaga ang dahilan kung bakit ayaw kong magpaampon kahit maraming gusto na umampon sa akin."

Ewan ko ba kasi ro'n kay Sister Maria at bakit ang init ng dugo niya sa akin. As days went by, nasasanay na lang ako sa pagmamaltrato niya. Sa akin lang talaga mainit ang dugo ni Sister Maria at wala talaga akong ideya kung bakit. Mabait naman kasi akong bata, eh. Masunurin. Maraming awards sa school. Ang sabi pa ni Sister Rose noon, baka raw magbago ang isip ko tungkol sa pagpapaampon pero hindi talaga, eh.

Rinig ko ang pagsinghap ni Jaycee. Bumakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Paano ka niya minaltrato? If you don't mind me asking." I can hear concern in his voice. Napangiti ako. Recalling all those things don't affect me anymore. At least, dahil sa mga nangyari noon, natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa.

"Like, pipisilin niya ako, gano'n, at hahampasin. Pagsasalitaan ako ng mga masasamang salita." I shrugged. "Tapos gagawin niya 'yon sa tagong parte ng orphanage kung saan walang makakita." I heard Jaycee grit his teeth kaya 'di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Gano'n na lang ang aking gulat nang makita ang mga malalamig niyang tingin na tila nagalit siya sa sinabi ko. Hala!

"Galit ka?" tanong ko sa kanya. Kita kong napakurap siya at tumingin sa akin. His eyes became gentle and it made my heart soft. Hala! I can make him calm? Kinilig ang bilat ko nang very hard!

"Of course, I am! Hindi ko maisip na may mga relihiyosong tao pala talagang magagawa ang bagay na 'yon. Kahit gaano pa kalapit sa Diyos, talagang may tinatagong kademonyohan. That's why it's so hard to trust people nowadays," dire-diretso niyang sabi at muling bumalik sa pagkain. Mabilis ang kanyang ginawang pagkain na para bang nagmamadali. Luh. Angry talaga ang biggie ko.

Gawin ko kayang angry ang birdy niya?

"So, galit ka nga," I said as a matter of fact, "gusto mo bang tumuwad ako?"

Sunod-sunod siyang nabilaukan sa narinig kaya 'di ko mapigilang matawa. Nanlaki pa ang kanyang mga mata at napahawak sa dibdib.

Bumulanghit ako ng tawa nang pabiro niya akong sinamaan ng tingin habang kinukuha ang baso ng tubig na nasa kanyang tabi. Dahan-dahan niya itong ininom habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ang what the fuck ng reaksyon niya! Pero on the serious side, though. Gusto ko ring tutuwad ako. Charot only!

Unexpected BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon