Easter Sunday

696 27 10
                                    

ALYSSA'S POV

Dahil kami ang nanalo against Green Team, we went against Yellow Team after dahil sila naman ang nanalo sa second batch.

Surprisingly, nanalo pa kami against Yellow Team kahit mukhang pagod na from the first game.

I got eliminated bago ko makuha ang flag nila pero nagulat nalang ako na andon din pala si Alexa na hindi pa naeeliminate.

After the games, sinabihan kami na mag ayos muna for the announcement ng standings.

"Okay ka lang?" Ben asked habang naglalakad kami pabalik ng tent.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" I smiled.

"Andon din ako, katabi mo lang. Narinig ko lahat ng sinabi niya."

"Tama naman siya Ben, magulo talaga ako." I giggled.

"Buti alam mo." He joked kaya napanlakihan ko naman siya ng mata.

"Biro lang, halika nga dito." He side hugged me so I hugged him back.

"For the past few weeks I saw how you fought to get back in living your life. Masaya ako na unti unti, bumabalik na yung Alyssa na nakilala namin. Kaya sana wag mong itatak sa isip mo yung mga narinig mo kanina. Nadala lang din siguro siya dahil sa game." Ben said.

I hugged him tight once more before letting go as a way of saying na oo, naiintindihan ko.

After we fixed ourselves and went back to the activity area, sinabihan muna kami na mag dinner dahil 6:30pm na rin pala.

Ako ang huling uupo sa table and the only space left ay ang nasa left side ni Sam.

Before I sat down, napalingon naman ako sa kabilang table and saw Bea looking at where we are. Then, she looked down at nagpatuloy sa pagkain.

I looked at my side at nakita kong kumakain na rin si Sam habang nakatungo. Malamang narinig niya rin yung kanina kaya nag aalala rin siya samin ni Bea.

"Ly! Halika dito may sasabihin pala ako sayo." Ella said so I went to the other side of the table.

"Guys, makiki isod nga ng konti. Salamat!" Ella made them move sa upuan sa left side nila para dito sa dulo na 'to magkabakante.

Then, when everyone moved, doon na rin ako pinaupo ni Ella.

"Thank you." I said before I ate.

"Nabalitaan ko yung kanina." She whispered.

"Ang ingay talaga." I rolled my eyes at Ben na nasa harapan lang namin.

"Wag mo nang pagalitan, ako ang nangulit." Ella nodded at Ben. "Kamusta?"

"Okay lang, really. I made and continue to make bad decisions at ayan ang kapalit."

"Just don't be too hard on yourself, ha? Nagkamali ka pero hindi ibig sabihin non na masamang tao ka na."

I smiled, and continued eating. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa activity area para sa announcement.

The game facilitators announced that the standings are:

GREEN - 2400 points
PURPLE - 2200 points
BLUE - 2000 points
YELLOW - 1800 points

Love Next DoorWhere stories live. Discover now