Happy Birthday, Samantha!

804 37 15
                                    

ALYSSA'S POV

"Oh my God!" Agad nanaman akong hinila ni Sam papasok sa kwarto niya pagkatapos niyang buksan yung bintana.

"What's with you and windows? Pwede ka namang sa baba nalang kumatok. May dala ka pang kape, paano nalang kung natapon yan habang umaakyat ka tapos nahulog ka pa?" Patuloy lang akong sinermonan ni Sam nang makapasok na ako sa kwarto niya.

"Shh don't worry, Mom." Asar ka pa dito kaya bigla niyang napisil yung isa kong tenga.

"Oh? Bakit ka pala andito?" She asked.

"Eto maggu-good morning lang." I handed her the cup of coffee that I made.

Nakakagay 'to sa isang paper cup at may ginawa naman akong maliit na basket para kagat kagat ko lang ang handle nito habang umaakyat sa bintana ni Sam.

"Naka paper cup?" Tanong niya nang mapansin.

Kapag kasi sa paper cup ko nilagay ang tinimpla kong kape para sa kanya, it's either paalis na siya bago ko ibigay yung kape o paalis na ako.

Well it's a Sunday at rest day niya today kaya it's obvious that she knows na ako ang aalis sa aming dalawa.

"M-hmm." I nodded.

"May lakad ka today?"

"Opo but I won't be long. May aasikasuhin lang."

"May kasama ka? Gusto mo ba ihatid na kita?"

Wow, nag aaya na siya ulit ngayon. 1/2 bati palang 'to ah what more kung bati na talaga HAHAHA.

"Hindi na, may susundo rin sakin dito. Thank you, though."

"Sino?"

"Si-" Sasabihin ko na sana kung sino nang biglang may bumusina na sasakyan sa hindi kalayuan na lugar.

Ay baka sa bahay ko bumubusina, si ano na ata 'to.

I tapped Sam's back at dumeretso na palabas ng bahay niya using the main door.

"Wow, dyan ka pala nakatira." Biro ni Nicole sakin pagkababa niya ng sasakyan niya.

"Ang aga mong mang asar, tara na."

Sinalubong ko si Nicole sa likod ng sasakyan niya para kuhanin ang susi.

Napag usapan kasi namin na ako na ang magddrive para hindi ako mukhang VIP na kumuha ng driver kasi ako naman 'tong may kailangan sa kanya.

"Babe!" Bati ni Nicole kay Sam kaya napalingon naman ako at nakita siya sa gate niya. Sumunod pala.

Lumapit muna si Sam kay Nicole para bumeso at batiin din siya.

"Ikaw pala ang kasama. Saan kayo?" Tanong ni Sam kay Nicole.

"Ah-" Napatingin naman sakin si Nicole at pinanlakihan ko siya saglit ng mata. Alam na niya rin ang ibig sabihin. "May utang siya sakin na date."

What the fu-.

Ang ibig kong sabihin sa panlalaki ng mata, umisip siya ng palusot. Hindi ko naman sinabing ganito na palusot!

"Friendly date." Sabi ko naman kasi baka akalain pa ni Sam na may gusto ako kay Nicole.

"Yeah, I heard that before. Friendly date." Sam smiled but I know she thinks it's not just a 'friendly' date by that facial expression of her. Nakangiti pero parang sarcastic.

"Yes, friendly date. Kasi we've been close since-" Mag eexplain pa sana ako kaso bigla akong hindi pinansin.

"Sige babe, pasok na ako. Ingat kayo." Bumeso na ulit si Sam kay Nicole at pagkatapos, pumasok na rin agad sa bahay niya.

Love Next DoorWhere stories live. Discover now