12

4.8K 156 87
                                    

Malungkot kong pinagmamasdan ang mga bagaheng nasa harapan ko ngayon. Ngayon na ako uuwi. Sinabi ni Tita Irene na hihintayin niya raw ako sa terminal ng mga bus ngunit sinabi kong ihahatid nalang kami ni Xamuel at ni manong Jun. Dadaanan nalang namin si Tita sa terminal.

"Nasaan na ang tita mo, Chi?" tanong ni Xamuel. Napansin niya yatang tahimik at malungkot ako kaya siya na ang bumasag sa matinding katahimikan. "Nakarating na ba siya sa terminal? Baka kanina pa siya naghihintay roon"

Umiling ako. "Papunta palang siya kanina," sagot ko. Tumango lang siya at nagpatuloy na sa paghigop sa kaniyang kape na ako mismo ang nagtimpla. 

Tahimik lang ulit akong nakatingin sa kawalan nang biglang bumaba si Andeng sa hagdan. Bihis na bihis siya ngayon at may bitbit na isang malaking bag.

"Hoy, saan punta mo?" kunot noong tanong ni Xamuel.

"Duh, siyempre sasama akong maghahatid kay Chi! Grabe, hindi man lang kayo nag-aya sa akin, sakit niyo sa kuko" pagdadrama niya.

"Tss. Alam ko namang hindi ka makakatiis sa mga mahabang biyahe," sagot naman ni Xam "ano naman 'yang dala mo? Pucha, bat anlaki ng bag mo? Ikaw ba ang aalis o si Chi?" Kunot noong tanong niya.

"A-Ah kasi andami kong damit na hindi nasusuot doon. Mga damit pa ito na galing sa Hawaii. Sayang naman kung hindi ko magamit kaya ibibigay ko nalang sana kay Chi," sambit niya sabay tingin sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad na umiling.

"Okay lang ako, Andeng. Ibigay mo nalang 'yan sa mga nangangailangan ng tulong, like 'yong mga nasalanta ng bagyo," sagot ko sabay ngiti upang makumbinsi siyang doon niya nalang ibigay sa mga taong mas nangangailangan.

Bumuntong hininga siya. "Halos nabigay ko na ang fifty percent ng mga hindi ko nagagamit na mga damit sa ibang tao, Chi. Actualy itinabi ko talaga ito para sa'yo, ewan ko, basta gusto ko lang na ibigay 'to sa'yo. Pero ayos lang kung ayaw mo. Itatabi ko nalang ulit sa kwarto ko," malungkot niyang sambit sabay iwas ng tingin.

Hala! na-feel bad naman ako bigla!

"A-Ah sige kukunin ko na," agad na sambit ko

"T-Talaga?"

Tumango ako. "Kung hindi kasiya 'yong iba sa akin ay ibibigay ko nalang siguro sa mga mababait na kapitbahay namin, o kaya naman ay kay Tita"

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ngayon na akala mo naman ay nanalo na ng lotto. "Yey! Marami pa roon sa kabilang kwarto, mamili ka na if gusto mo pa itong dagdagan"

Umiling ako. "Grabe naman 'yang mga damit mo. Dati bang mall 'tong mansion niyo?" tanong ko.

Humagalpak ng tawa si Xamuel doon. Halos tumulo na din iyong kape mula sa bunganga niya dahil sa katatawa. "Natawa ako doon ah kahit ang corny naman," natatawang sambit niya.

Umirap si Andeng sa kaniya. "Corny ka rin kasi kaya ganiyan," sagot naman ni Andeng. Sasagot pa sana si Xam pero agad nalang siyang tumayo at nagtungo sa taas. Kumunot ang noo ko roon at sinundan siya ng tingin.

"Saan pupunta 'yon?" curious na tanong ko kay Andeng.

Nagkibit balikat lang siya at nagtungo na rin siya sa kusina. Wala pang tatlong minuto ay agad ding nakababa si Xamuel. Hawak niya ngayon iyong iba't-ibang mga jersey niya. Napakurap ako habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin.

"B-Bakit?" tanong ko dahil nasa harapan ko na siya ngayon.

"Sa'yo na 'to," aniya sabay iwas ng tingin.

The Taste of Solitude (COMPLETE)Where stories live. Discover now