49

1.9K 64 58
                                    

Buong biyahe pauwing Manila ay tulala ako at kinakabahan. Si Yael ang nagmamaneho ngayon habang si Ethan ay nasa passenger seat. Si Miguel naman ay nandito sa likod kasama namin ni Raia.

Lumingon si Ethan sa 'min at napansin yata niyang tahimik kaming lahat kaya bigla siyang pumalakpak ng tatlong beses para makuha ang atensiyon naming lahat.

"Gago talaga, nanggugulat ka naman!" reklamo ni Yael.

"Bunganga mo nga. May bata tayong kasama," ani Miguel. Nag peace sign naman si Yael.

Sa kanilang magkakaibigan, si Miguel talaga ang good influence sa anak ko. I mean, good influence naman silang lahat since mabubuti sila sa anak ko. Tinuturuan nila ito sa mga mabubuting bagay. Buti nga dahil kahit tarantado sila ay hindi nila nalalabas ang katarantatudan nila kapag kaharap nila si Raia, e. Talagang tiklop ang katarantatudan nila kapag meron ang anak ko. Nagiging behave at good boy sila bigla.

Pagdating naman kay Ethan ay talaga namang spoiled ang anak ko. Kapag hindi available si Yael, Miguel, at Zen ay si Ethan ang nag-aalaga rito. Dinadala niya ito sa band nila at lagi raw nabibigay ni Ethan ang gusto ni Raia. Na-meet narin ni Raia and girlfriend ni Ethan. Teka, girlfriend nga ba niya? Hindi ko alam. Basta na-meet na ng anak ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ni Ethan dahil ang pagkaka-alam ko ay kasama niya ito sa band.

Si Yael naman ay ganon din. Spoiled din si Raia kay Yael lalo na kay Ariella. Kapag silang dalawa ang kasama ni Raia ay talaga namang puro shopping ang ginagawa nila. Kapag kukunin ko na ang anak ko sa kanila ay palaging may bagong hairpin si Raia na alam kong nanggaling kay Ariella.

Pagdating naman kay Zen ay maaral ang anak ko. Tinuturuan ito ng tito Zen niya ng mga alphabets. Sa kanilang magbabarkada ay hindi ko inasahan na si Zen talaga ang magiging tutor ni Raia! Ineexpect ko pa namang si Yael or Miguel ang magtuturo sa kaniya pagdating sa gano'ng bagay ngunit hindi pala! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Zen at siya ang nagtuturo ng kung ano-ano kay Raia na related sa school.

Mabuti nalang at nandiyan ang mga kaibigan ni Xam. Tinuring nila akong parang kapatid. Kahit minsan ay napagkakamalan nilang lalakero ako dahil kung sino-sino raw ang kasama ko sa kanilang apat.

Mayroon iyong time na pinost nila ako sa social media dahil papalit-palit ako ng kasama sa kanilang apat without them knowing na parang kapatid ko na sila dahil sila ang kasama kong nag-aalaga sa anak ko. Sadyang judgemental lang talaga ang mga tao ngayon at ganon nalang sila makagawa ng issue.

"Ang tahimik niyo naman. Huwag kayong ganiyan," ani Ethan.

"Wala ako sa mood ngayon. Bwisit kasi si Zen," si Miguel.

"Ano sa tingin niyo ang sasabihin niya?" tanong naman ni Yael.

"Malay ko ron! Bwiset na 'yan. Pinaiyak niya pa si Chiara kanina," bwisit na bwisit na sambit ni Miguel.

"Sa tingin ko importante ang sasabihin niya," sambit ko, " guys, narinig ko ang boses ni Xam kanina..." biglang humina ang boses ko sa dulo ng aking binitawang salita.

Walang umimik. Tila ba ayaw nilang sabihan ako na huwag na akong umasang babalik pa si Xam. Tila ba pinipigilan nilang sabihan ako na wala nang Xam ang babalik dahil impossible naman nang mangyari 'yon.

"Si papa po, mama, narinig mo po?" biglaang tanong ng anak ko. Sinulyapan ko siya. Mababasa talaga ang excitement sa kaniyang mga mata nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang ama. Bigla tuloy akong naawa kay Raia dahil baka umasa nanaman siya.

"Baka nagkamali lang ako, anak." Ngunit alam kong hindi ako nagkakamali. Sa buong taon na pagsasama namin ni Xam ay memorize ko na ang boses niya at kahit pa matagal na siyang nawala ay hindi ko pa rin nakalimutan ang boses ng minamahal ko.

The Taste of Solitude (COMPLETE)Where stories live. Discover now