44

5.2K 126 51
                                    

Susunduin daw ako nila Yael ngayon. Alam kong party ang pupuntahan ko kaya hindi dapat ako p'wede roon. Hindi ako umiinom, hindi ako mahilig sumayaw, hindi nakikipag socialize sa ibang tao. But this is Yael's birthday. My friend's birthday. Sapat na rason na 'yon para makapunta ako. But I don't want to leave Raia alone. She's already asleep. Hindi ko siya iiwan dito.

Party ang pinili niya para sa birthday niya dahil alam kong marami siyang bisita at mas mag e-enjoy sila sa ganon. Tsaka isa pa, siguro ay karamihan sa inimbita niya ay mga kasama niya sa business.

Nagtipa ako ng mensahe kay Yael. Hindi talaga ako makakapunta. Raia won't come! Party ang pupuntahan ko kaya hindi p'wede roon ang anak ko, and she's asleep. I don't want to wake her up.

Me: Sorry hindi ako makakapunta. Ayaw ko namang iwan si Raia. And I don't want to let Raia come with me. Happy birthday! Ibibigay ko nalang ang gift ko sa 'yo bukas.

Wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. Siguro ay busy na siya dahil sigurado akong marami siyang bisita.

I do really want to come. I want to come not for the party but for Yael. My presence is enough. Magpapakita lang ako sa kaniya at ibibigay ang regalo ko ay okay na 'yon. I don't have a plan to dance with the strangers. Alam kong may sayawan ang magaganap doon.

Pero mas iniisip ko ang anak ko. I can't leave her here. Hindi pa nakakauwi si Jeric. May trabaho siya ngayon. Meron kasing nag debut at siya ang hinire na make-up artist.

I was about to close my eyes when the door opened. Binuksan ni Jeric ang ilaw na nakapatay sa kwarto namin ni Raia. Nasilaw ako kaya napapikit ako. Bakit nandito siya agad? May trabaho siya, ah.

"Hindi ka pupunta sa party ni Yael?" Mahinang sabi niya upang hindi magising si Raia.

Umiling ako. "Tulog si Raia at ayaw ko siyang iwan. Ibibigay ko nalang ang regalo ko sa kaniya bukas."

Inilapag niya sa sahig ang Louis Vuitton na paper bag. Tumingin ako sa kaniya.

"Pumunta ka na sa party ni Yael. May binigay sa 'kin 'yong pinuntahan kong debut kanina. Isuot mo 'to, dress ito at alam kong babagay sa 'yo at sa party na pupuntahan mo." Binuksan niya ang paper bag at ipinakita niya sa akin ang sleeveless na dress na may punit pa sa bandang gilid sa parte ng legs nito. Sa likod naman nito ay may tali at talagang reveal na reveal ang likod.

"Hindi na kailangan! Ayaw kong iwan si Raia. Isa pa, bakit ang aga mong napauwi?"

"Na postponed ang debut. Minove next week. Pina-aga nila 'tong regalo na 'to para pasasalamat sa gagawin kong make up. Aba tatanggi pa ba ako, girl?! Louis Vuitton na 'to uy! Jusko"

"Eh bakit ibibigay mo sa 'kin? Ikaw ang magsuot niyan"

"Ano ka ba naman, accla! Sa tingin mo ba babagay sa masculado kong katawan 'to?! Nag-iisip ka ba?"

Humalakhak ako. "Magmumukha kang tanga 'pag sinuot mo 'yan," sambit ko.

"Exactly! Kaya tumayo kana diyan at magbihis! Ako na ang magbabantay kay Raia. Naku magpakasaya ka naman, Chiara. Kahit ngayon lang. Atsaka nandon sina Zen at sina Andeng. Sinabi kong bantayan ka nila," aniya. "Huwag kang iinom!" Pahabol pa niya.

Tumayo na ako. "Sure ka bang ikaw ang mag babantay? Ayaw mo bang ikaw nalang ang pumunta ro'n? Ipapamigay ko nalang sa 'yo ang regalo ko sa kaniya"

Umiling siya. "Pagod ako ngayon at gusto ko nalang munang mag pahinga. Sige na, magbihis ka na. Ako nang bahala sa anak mo."

Ngumuso ako. "Sige. Sure ka, ha?"

Humalakhak siya. "Oo naman! Tsaka kinausap ko na si Yael kanina. Sinabi kong sunduin ka parin niya dahil ako na ang bahala kay Raia. Alam ko kasing i-te-text mo 'yon na hindi ka makakapunta kasi alam mong walang mag babantay."

The Taste of Solitude (COMPLETE)Where stories live. Discover now