32

4K 111 220
                                    

Sa loob ng pagsasama namin ni Xamuel ay wala na akong ibang inisip kundi ang future. Nakikita ko siya sa future ko, kasama siya palagi sa mga dalangin ko, wala akong ibang hinihiling kundi ang makasama siya sa buong buhay ko. Siya lang talaga.

Wala pang isang taon simula noong naging kami pero kilalang-kilala na niya ako. Well, mag-aapat na taon na ako rito sa mansion at lagi kaming magkasama kaya talagang kilalang-kilala na ako ng lalakeng 'to.

Wala pang isang taon pero kilala ka niya kaagad. Iyan ang minsan nang sinabi ni Jeric sa akin.

Mas mahaba ang pinagsamahan namin ni Xam, mas mahaba ang panahon na kinilala niya ako bago naging kami. Wala pa kaming label noon ay kilalang-kilala na niya ako.

"Ang ganda!" Manghang sambit ko habang pinagmamasdan ang dagat.

Dinala niya ako rito sa hindi ko malamang dahilan. Bigla-bigla nalang siyang nag-aayang mag dagat. Wala namang okasiyon. Hindi naman namin anniversary, hindi rin monthsarry, kaya labis ang pagtataka ko.

"Picturan kita, mahal," sambit niya sabay turo sa malapit sa dagat. Doon daw ako pumwesto at kukunan niya ako ng litrato.

Agad naman akong sumunod sa sinabi niya. Maraming shots ang ginawa niya bago niya inilapag ang camera sa kung saan. Nag timer siya at agad siyang lumapit sa akin. Nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat na parang bride. Alam kong nakunan iyon ng litrato.

"Sakay ka sa likod ko para mavideohan," aniya.

"Mabigat ako"

Umiling siya. "Sakay na dali! Wala akong pake kung mabigat ka o hindi. Basta gusto kong kunan ng memories lahat ng masasayang ginagawa natin..." aniya sabay tawa.

Hindi na ako nagreklamo pa. Ginawa ko lahat ng gusto niya. Nag picture kami habang nakatanaw sa dagat, nag picture habang buhat niya ako, kahit sa paghahabulan namin ay kinunan niya ng video.

"Nakakapagod naman!" Reklamo ko.

Humalakhak siya at tumabi sa akin sa buhanginan. Niyakap ko ang aking tuhod at hinilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

Medyo palubog na ang araw. Hapon niya naisipang pumarito dahil ayaw niya raw ng masiyadong mainit lalo pa't ang init dito sa pilipinas.

"Tignan mo ang galing nung nag su-surf!" Manghang sambit ko sabay turo sa may dagat. Nakita ko ang pagnguso niya.

"Kaya ko rin 'yan!"

"Weh?"

"Tss. Kayang-kaya ko 'yan, 'no! Gusto mo pakitaan kita ngayon?"

Niyakap ko siya. "Huwag na. Dito ka lang muna sa tabi ko..." bulong ko. Tumawa siya at isinandal din ang ulo niya sa akin.

"Mahal . . ."

Iaangat ko na sana ang ulo ko mula sa pagkakasandal sakaniya pero pinigilan niya iyon gamit ang kaniyang kamay.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sobrang mahal kita, mahal. As in..."

"Alam ko, Xam... mahal din kita."

Iaangat ko pa ulit sana ang ulo ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Tila ba ayaw niyang pagmasdan ko siya ngayon.

"Ganiyan ka lang. 'Wag ka munang umalis sa balikat ko," aniya. Sinunod ko iyon hanggang sa ilang minutong katahimikan ang nanaig sa aming dalawa.

Nakailang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. "Xamuel, bakit ang tahimik mo, mahal? Hindi ako sanay..."

The Taste of Solitude (COMPLETE)Where stories live. Discover now