Episode 17 (I love you)
(Hanarah's POV)
Wednesday Morning, dalawang araw nalang bago ang kaarawan ng mama ni Alexander. Success na daw ang third step sabi nila Nigel at Ice, namanage daw nilang itatak sa kokote ng baklang yun na palitan ang mga expressions niya. It was a good news, but we still have two steps to go.
Nasa school gymnasium na kami ngayon, orientation sa mga newcomers sa HMM Club para sa coming Halloween Activity. So nagstart na, nakaka boring makinig basta ang narinig ko lang, mag tatayo ang HMM club ng Halloween Concert na magsosout ng mga scary outfits, yun na yun. Nanghikab nalang ako at sinandal ang ulo ko sa upuan. Makatulog nga. Pinatong ko ang paa ko sa upuan na nasa harap ko
"Pssst! Shin"
"ahy tikbalang!" bulalas ko nang may kumalabit saken at nahulog ako sa kina uupuan ko. Gagu yun ah! Patay ka saken. Nilingun ko siya at pinagsingkitan ng mata "hoy baklang lalaki na ang pangalan ay Alexander, anong kailangan mo?" sabi ko sa kanya ng pabulong pero pinanlakihan ko siya ng mata. Ayoko naman mag eskandalo dito.
"Ano eh. uhm. Ba't mo kami iniwan kahapon sa practice?" tanong niya
"Pake mo ba? Leave me alone bakla. or else, baka ihulog kita sa kanal. Matutulog ako." Sabi ko sa kanya at binalik yung posisyon ko kanina pero inalog-alog niya yung upuan ko
"Grabe ka. Alam mo ba kahapon? Tinurture ako ni Ice! Ikaw may mapaka nun noh? Sumagot ka hoy!" inalog alog niya parin ang upuan ko.. bahala ka jan.
"YOU THERE!" biglang sumigaw yung president ng HMM Club kaya tumahimik ang lahat. "why are you making a scene?"
Napamulat ako ng mata at nagpalingun lingun sa paligid ko para makita kung sino yung tinuturo. Pero bakit sa direction ko sila nakatingin?
"You're Alexander Carreon right, the new drummer? and Shin guillen the lead guitarist of Qiuu tags?" Pakshet. Kami pala. Pisti ka Alexander
"Uhmm.. a-ako po.?" Sagot ni Xander habang tinuturo ang sarili niya
"May iba pa bang Alexander Carreon dito sa Gym? Gagu" bumulong ako sa kanya at ngumuso naman siya
"For interrupting and making a nonsense scene, first Offense for the two of you!" Whut?! Ba't pate ako? Wala naman akong ginawa ah.
Tiningnan ko si Xander, gusto kong pumatay ng tao "Ikaw, mamaya ka" sabi ko habang kinakatay ko siya sa isip ko. Napayuko nalang siya at umupo ng maayos.
**
"Leshe! Pakinshet! Pun*eta! Huta! T@ng*ina!"
"Hoy! Grabe ka naman magmura." Che! Ikaw may kasalanan nito eh! Iniisip ko nga na mukha mo yung kinukuskus ko dito sa kubeta. Sa dinami dami pa naman ng pwedeng ipalinis, CR pa talaga ang pinalinis sa amin. Taena
"Kasalanan mo to eh! Shit, just shit!" sabi ko habang kinuskus ang bowl
"Tama na nga yan. Ba't kailangan mag mura?" Eh sa gusto kong magmura eh, pero parang nadodoble ang kasalanan ko nito. May kasama kase akong mother superior sa sobrang pagiging inosente. "Sorry na Shin. Hindi ko sinadya na madamay ka" mahinang sabi niya pero narinig ko yun. Di lang ako umimik sa kanya. "pero Shin, baket ka umalis kahapon?"

YOU ARE READING
Her Angelic Face (Season 1 Completed)
Romance(Season 1 -Completed-Under Major Editing) (Season 2 - On-going) Rakista, Astig, Sikat, may mala-anghel na mukha, hinahangaan ng lahat. Yan si Shin Guillen, ang lalaking kinababaliwan ko. Okay lang naman siguro magka crush diba? Pero sa sitwasyon ko...