Episode 23 (We're Back)

1.5K 76 15
                                    

(A/N: Done Editing <3)

Episode 23 (We’re Back)

(Alexander’s POV)

Kasalukuyang natutulog si Shin ngayon sa sasakyan, habang ako pahikab-hikab nalang ang pwede kong gawin. Alas tres pa ng umaga pero nagmamaneho na ko pa-uwi para maka-abot pa kami sa practice mamayang hapon. Mamayang gabi kase diba ang first performance namin, magsisilbi itong audition kung sino ang pipiliin nila dalhin sa Elite School’s Band Competition.

Kinakabahan nga ko, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dahil bukod pa sa pressure na binibigay sa akin ng banda, hindi ko rin makalimutan yung nangyari kagabi.

*Flash Back*

Maaga kaming nagpaalam kanila Mama na ma-una na kaming matulog. Maaga kase ang byahe namin bukas, buti nalang at pumayag sila.

Bumalik na kami sa kwarto namin, wait. Kwarto namin. Bakit ba ang sarap ulit-ulitin ang saliting yun. . Ah Basta, bumalik na kami doon, at dahil isa lang ang silid, sa Comfort Room nagbihis si Shin. Habang ako, sa loub ng kwarto.

Madali lang naman akong nakapagpalit ng damit kase polo at pantalon lang yung sout ko kanina. Inaayos ko na yung kama ng narinig kong tinawag ako ni Shin “Uhm. Xander”

“Baket?” sagot ko

“A-Ano.. Ano kase” Di ko maintindihan yung mga pinagsasabi niya.

“Ano ulit yun Shin?” tanong ko ulit

“Ano kase.. Uhm.. Patulong..” patulong? Okay lang ba siya? Lumapit ako sa may bandang pintuan ng CR.

“Bakit? May nangyari ba? Ok ka lang ba?” Kumatok ako ng mahina para malaman niya na nasa tapat lang ako ng pintuan. Mga ilang Segundo ay bumukas ng kaunti yung pintuan.

“A-Ano kasi.. Ehh . . Uhm” Ano ba talaga? Choco na gatas o Gatas na choco? Ang gulo ng babaeng to.

“Ano? Sabihin mo na kase Shin”

“Uhm. Ayaw matanggal ng zipper. Patulong naman” nakaduko siya habang sinasabi yun, tila nahihiya.

“Oh Sige. Anong zipper? Zipper ba ng bag mo? Akin na” inabot ko ang kamay ko pero pinagsingkitan lang niya ko. Ano ba talaga?

“Hindi! Tanga!” sabi niya

“E ano ba?” nagdalawang isip siya kung bubuksan ba niya yung pintuan pero binuksan niya rin. Sout sout niya parin yung gown niya pero medyo nahuhulog na sa balikat niya yung ibang straps.

“Yung. . Uhm” nakita kong kinagat niya yung labi niya. Napalunok tuloy ako ng malaki “yung zipper ng gown ko. Tulungan mo kung tanggalin!” dahan-dahan siyang tumalikod at nakita kong medyo nakakalas na yung zipper pero nakahinto ito sa may bewang niya.

Parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko ng nakita ko yung likod niya. Naliligo ba to ng gatas? And does she expect me to touch this? Nahilamos ko nalang yung kamay ko sa mukha ko.

“Hoy bakla! Walang halong kamanyakan! Lagot ka sa’ken!” medyo pasinghag yung pagkasabi niya nun kaya napataohan ako sa imahenasyon ko.

“Ah. Ou” yun nalang nasabi ko at pumasok ako sa CR.. Inalis ko yung mga buhok na nakatabon sa likod niya. Wag niyo sana to lagyan ng malisya, mataas ang respeto ko kay Shin.

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Where stories live. Discover now