Episode 24 (Pricky Feelings)

1.5K 77 12
                                    

DONE EDITING <3

Episode 24 (Pricky Feelings)

(Hanarah's POV)

"Shin." naramdaman kong may umalog-alog sa balikat ko pero hindi parin ako dumilat. Ilang beses niya pa itong inulit  at mas nilakasan pero hindi parin ako nagpatinag. Inaantok pa ko. Pero bigla nalang may naglanding na kamay sa batok ko.

"Aray!" napabangon ako ng hindi oras, sino ba yung asungot na bumatok sa'ken ah? Handa na ang kamao ko sa susuntukan at hinarap ko na ang bumatok sa'ken "Walangya ka!---"

"Batok lang pala ang katapat mo." That cold voice! Lam na this. Hinarap ko ito ng naka-ikis ang kilay. May hawak itong tray na may dalawang plato.

"Bakit ka andito?" teka, more like. Ba't ako nandito? The last thing I recall is nagmamaneho si Xander pa-uwi. Ah baka dito na siya dumeretso. At walangheya hindi man lang niya ko ginising na nakarating na pala kami.

"Natural, may practice tayo diba?. Gising na! Mag aala-una na. Uso rin ang kumain. Magrerehearse pa tayo" inirapan ko nalang yung pagiging sarcastic niya."Eto oh. Hindi ka pa nag aalmusal at nananghalian diba? Mahal ang gamot" nilagay niya sa couch yung tray, may beef steak at rice sa isang plato at may sabaw sa kabila. Hindi ko nalang namalayan na tumulo na pala ang laway ko dahil sa titig ko doon. Parang naka kita ako ng chicks na may coca cola body.

"Wow! As in? Akin to?"  hindi makapaniwalang tanong ko at kinuha yung plato.

"Hindi. Akin yan. Nilagay ko sa tabi mo kase akin yan" Isa pa nigel. ipapakain ko na talaga sa kanya tong tray.At mukhang tinatawanan pa talaga ako nito kase pa alog-alog yung mga balikat niya habang naglalakad palabas.

"Tawagin mo ang barangay. Tatawa kami." pangbabasag ko sa kanya. Hah! Kala niya siya lang ang marunong mangbwisit ah.

"Tss. Whatever" at tuluyan niya itong lumabas ng kwarto. Napasimangot nalang ako sa inaasta ni Nigel. Ano ka ba Shin? Hindi ka pa nasanay sa mala-yelong pakikutungo niya sayo. Siya dapat ang may pangalan na Ice eh.

 * * *

Tinutupi ko yung jacket ko na nakakalat sa sofa, ng may nakita akong isa pang jacket doon. Kanino kaya yan? Ah tama! Kay Xander "teka, speaking of Alexander,  asan na kaya yun?" pagkagising ko, wala na siya eh. Baka tinakasan kami! Baka umandar ang kabaklaan at umatras.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa sala, nakita ko si Ice na kumakain ng popcorn na akala mo ay nanunoud sa big screen.


"Ice, may nakita ka bang engkanto na dumaan dito?" tanong ko. And by engkanto, i think you know what I mean.

Gulat ito na tumingin saken na may nakasabit pang popcorn sa bibig niya "Hah? Engkanto?!"

"Tange! Yung maputing bakla, si Xander." Teka, baket parang hindi na ko masyadong kombinsado sa pagtawag ko sa kanya ng bakla? My other side said something like 'weeeh? Bakla nga ba?'

"Ahy. Akala ko engkanto talaga. Andoon sa labas, sabi niya magpapahangin lang daw muna siya." Pagpapaliwanag ni Ice. Pero hindi parin ako kumbinsido, baka tumakas na nga talaga yun.


"Sigurado ka ba talaga na nagpapahangin lang?" paninigurado ko. Nakita kong tumango ito at sumubo ulit ng popcorn. Tss. I am still not freaking convinced!

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon