CHAPTER 4

202 16 17
                                    

"Gagi muntik na akong maligaw." iyon ang unang sabi ni Stell nang pumasok siya sa bahay. Mabuti at wala si Lola, Papa at Tita Clara ngayon dito sa bahay. May trabaho pa kasi si Papa at Tita, habang si Lola naman ay nasa palengke. Si Gail naman ay lumabas kasama mga bago niyang kaibigan. Sana all.




"Naligaw ka sana." sagot ko pero hindi niya ako pinansin at dumeretyo sa kusina. "Wow ah, bahay mo ba 'to?" sarkastikong sabi ko pero tinignan niya lang ako saglit bago kumuha ng pagkain sa ref.




"Gutom na ako, ang layo kaya ng lugar na 'to." sagot niya at umupo sa stool kaya umupo rin ako roon sa harap niya. Kapal talaga ng pagmumukha nito.




"Wala pa ba kayong pasok?" tanong ko. Umiling siya bilang sagot dahil may laman nang pagkain ang bibig niya.




"Next week pa start ng klase, sayang hindi na tayo magkasama sa school." sagot niya nang nalunok ang pagkain. "Pero mas okay na lumipat ka na." he added.





"Nakaka-miss ang galaan sa Manila." sagot ko pero tinawanan niya ako.





"Akala mo naman gumagala ka." sagot niya saka umiling.




"May kilala ka bang Justin De Dios?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang about doon.



Napaubo siya at kumuha ng tubig at kunot ang noong tinignan ako. "Bakit mo natanong?" tanong niya.




"Basta, kilala mo ba?"



Umiwas siya ng tingin at kumain ulit, "Hindi." sagot niya. "Sino ba 'yon?"




"Wala."




Nang matapos siyang kumain ay niyaya niya ako na gumala. Sakto rin na dumating si Gail kaya magkakasama na kami ngayon papunta sa gilid ng dagat.




"Hanggang kailan ka rito, Stell?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa buhanginan.




"Isang linggo, sulitin ko na baka hindi na ako nakabisita rito ng madalas." sagot niya. 3rd year college na kami kaya malamang ay marami na kaming gagawin. Pero duda parin ako. For sure kaya siya nandito dahil sa mga magulang niya.




"Excited na ako mag college." Sabi naman ni Gail. Ngayong pasukan ay first year palang siya. "Sayang wala tayo sa Manila, gusto ko rin gumala matapos ang klase." patuloy niya kaya mahina ko siyang binatukan.





"Anong gumala? Gusto mo bang masaktan?" Sabi ko sa kanya na ikinairap niya.




"Kawawa ka namang bata." pang-aasar ni Stell sa kanya.




"Kuya Hash!" sigaw ni Gail nang makita si Hash na naglalakad din sa tabi nang dagat.




May mga kasama rin siya at nagpaalam muna roon at lumapit sa amin.





"Oy Gail, nandito rin pala kay—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang dumapo ang tingin niya kay Stell. Kumunot ang noo ko.





"Josh, Gail tara na masakit 'yong tiyan ko." Sabi bigla ni Stell at tumayo at hinila ako.






"Teka lang," sagot ko dahil biglaan naman siyang magyaya umuwi. Kilala niya ba si Hash?






"Sige na, Josh, natatae na ako." Sabi niya at hinila na kami ni Gail. Napatingin nalang ako kay Hash na nakatayo parin doon at tulalang nakatingin sa amin.





Kilala ba niya si Stell?





Kilala ba siya ni Stell?












tbc...

pasensya sabog ako. oks lang ba 500 words every chapter?😭

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Where stories live. Discover now