CHAPTER 9

190 16 14
                                    

Day passed smoothly. Isang linggo na simula noong mag start ang klase. At sa isang linggo na 'yon, Hindi ko ulit nakita si Justin. I mean Hashtin.




Tahimik lang ang naging buhay ko sa university kung saan kami nag-aaral ni Gail. Si Gail, marami siyang mga kaibigan pero ako, ni isa sa mga classmates ko ay hindi ko kilala.



"Students." agad na natahimik ang kaninang maingay na blockmates ko nang magsalita ang prof namin. "Since the enrollment is still on-going until now, you have two new classmate." he added at sakto rin ang pagpasok ng isang lalaki.



Kunot ang noo ang naging reaction ko nang makita kung sino iyon. "Stell?" nasabi ko nalang.



"Stell Ajero. Nice to meet you all." Sabi nito saka naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ko.



"Gago, anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ko sa kanya nang makaupo siya.



"Sabihin nalang natin na may gusto akong bantayan dito." sagot niya at napatingin ako sa harap nang magsibulungan ang ibang students. Narinig ko pa na may sinabi si Stell nang makita si Hash sa harap.



"Hash Justin De Dios." simpleng sabi nito at naupo na rin sa isa pang bakanteng upuan sa kabilang side ko.



"Sino bang babantayan mo?" tanong ko dahil sa tingin niya kay Hash. "Si Hash ba? Gago may bf ka tapos trip mo pala 'yan?" patuloy ko kaya tumingin siya sa'kin nang kunot ang noo.



"Bakit ko 'yan babantayan? Tanga ka ba?" Sabi nito. Sasagot na sana ako pero nagsalita na ang prof kaya napatingin na ako sa harap.



Habang nasa kalagitnaan ng discussion ay nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nakatingin sa'kin si Hash kaya napatingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin. Napatingin din ako kay Stell dahil naramdaman ko na nakatingin din siya sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.



Anong problema nitong dalawang 'to?


---


After our class, sabay kami ni Stell na lumabas para bumili ng makakain. One hour 'yong vacant namin kaya lumabas muna kami ng University.




Sa may cafe kami tumambay ni Stell habang ginagawa iyong assignment na ibinigay kanina sa'min nung prof namin sa first subject.




Nawala lang ang tingin ko sa notes ko nang makitang pumasok din sa cafe si Hash. May mga kasama siya na hindi familiar sa'kin.





"Tsk!" napatingin ako kay Stell. Nakatingin din siya kay Hash at doon sa mga kasama niya. "Lakas naman niya." bulong niya pa.




"So, bakit nga sinundan mo ako rito?" tanong ko sa kanya. Humarap naman siya sa'kin.





"Para samahan ka." diretyong sagot niya. Pero alam ko na hindi lang iyon ang dahilan niya. Kung ano man iyon, alam kong tungkol kay Hashtin iyon.




"Hindi ko naman kailangan ng kasama. Unless you have other reason kung bakit ka nandito." patuloy ko at ibalik na ang atensyon sa ginagawa ko kanina.





Matiwasay na natapos ang araw. Mas naunang umuwi si Stell kanina dahil pa babalik pa siya sa Manila. Napailing nalang ako. Iba rin trip niya sa buhay.




"Josh," nilingon ko si Hash nang tawagin niya ako. Kinunutan ko lang siya ng noo nang hindi siya nagsalita.




"Bakit?"




"Hindi mo ba talaga—"





"Kuya!" hindi na natuloy ni Hash ang sasabihin niya nang marinig namin ang sigaw ni Gail. "Tara na! Hinihintay na tayo ni Papa." patuloy niya kaya napatingin ako kay Hash.




"Ano ulit sasabihin mo?" tanong ko.




"Wala. Sige na. Ingat." sagot niya. Tumango nalang ako at lumapit na kay Gail.





"Si Kuya Hash 'yon?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya.




"Oo." sagot ko. Kumapit naman siya sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.




"Sobrang sikat niya sa department namin." pagkwento niya. "May rumor pa nga na nagka-bf siya noon, pero nangyaring doon sa bf niya kaya naghiwalay sila." patuloy niya pa.




"Anong nangyari?" curious na tanong ko.




"Naaksidente raw, e." sagot niya. "Pero bago raw 'yon, nahuli siya nung bf niya na may kasamang girl sa condo unit niya. I don't know if totoo 'yon." she added.




Hindi ko alam pero nalungkot ako sa nangyari sa kanilang dalawa kung totoo man 'yong kwento ni Gail.



"Cheater naman pala." komento ko.



"Grabe ka naman sa cheater kuya, hindi naman natin alam 'yong isang side ng story para mag assume na nag cheat talaga siya roon sa boyfriend niya."



Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng guilt.













tbc...

inuubos ng PaRes at ng Deja Vu braincells ko.

ang tanong, may brain ba ako?

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Where stories live. Discover now