CHAPTER 28

129 8 1
                                    

Justin's P.O.V



"Ano bang sasabihin mo?" tanong ni Sejun sa'kin. Kasama ko sila ngayon dito sa bahay. Wala si Josh ngayon dahil sinamahan niya ang kapatid niya kaya kinuha ko na itong pagkakataon para makapag-plano kami para sa proposal ko sa kanya.



"Magpo-propose na ako kay Josh." sagot ko.




"Seryoso? Hoy Justin kapag jino-joke time 'yong kaibigan ko malilintikan ka sa'kin." sabi ni Stell kaya hinawakan ni Sejun ang kamay niya.





"Kalma lang, seryoso ako kay Josh." sagot ko.




"Anong plano mo?" tanong ni Ken.




"Gusto kong sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ako magpo-propose sa kanya."





Sa balcony ng condo ko.




"Uuwi ako sa susunod na araw para sa preparation." patuloy ko. Nakangiti pa ako dahil sa excitement na nararamdaman ko.




"Naks naman. Sana all na lang talaga." napailing ako dahil sa sinabi ni Ken. Sa aming magkakaibigan, siya lang kasi ang wala pang pinapakilala sa amin.





"Kailan mo ba kasi ipapakilala 'yong jowa mo?" tanong ni Stell.





"Tanga nito, wala akong jowa." sagot niya. Sinungaling ampota.





"So, anong maitutulong namin sa gagawin mong proposal?" tanong ni Sejun.





"Ako na bahala sa lahat, samahan niyo lang muna si Josh at siguraduhin na 'wag siyang maghihinala."




"Anong pinag-uusapan niyo?" nataranta kaming lahat nang biglang dumating si Josh. Tumawa si Ken nang makita ang mukha ko na halatang hindi na alam ang isasagot kaya muntik ko na siyang bangasan. Nakakaasar ampota.


"Pinag-uusapn?" tumawa ako at lumapit sa kan'ya. "Sinabi lang ni Ken kung paano nila pinatigil 'yong kasal dapat ni Stell."



"Parang hindi naman gano'n 'yong—"



"H'wag pala-desisyon, Josh. Iyon talaga ang pinag-uusapan namin." putol ni Stell sa kan'ya. Umirap nalang siya at hindi na nagtanong. Buti naman hayyyssss.




---




[Sabing tumawag ka kapag nakarating ka na diyan sa Manila!] napangiti ako nang marinig ang boses niya. Hindi ko man siya nakikita, nai-imagine ko na ang kunot niyang noo.



"Sorry na nga. Nawala sa isip ko at nakatulog din ako." sagot ko. Ang totoo niyan ay pagkarating ko rito ay agad na akong nag-ayos dito sa condo. Pinapunta ko nga rin dito si Sejun at Ken para tulungan ako.




[Okay. Sige na bye na,]




"Bye lang? Wala man lang 'I love you'?"




[Tsk! Sige na sige. I love you.] napailing na natawa ako. Ang cute.




"Sana pala isinama ko rin si Stell dito."



"Sana pala hindi na ako sumama rito."




"Manahimik nga kayo." pagpapatahimik ko sa dalawang inggit sa tabi ko.




"Wala na 'to. Patay na patay na talaga kay Josh." naiiling na sabi ni Ken.




"Ako rin naman patay na patay kay Stell."




"Tama na kayo, respeto na lang siguro sa single." sabay kami na natawa ni Sejun nang sabihin iyon ni Ken. Single raw. Mama niya.



"Kailan mo susunduin si Josh?" tanong ni Sejun.




"Bukas ng hapon. Bibili muna ako ng singsing bago ko siya sunduin." sagot ko.



"Congrats na agad, dre."



Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi na mawala ang ngiti ko dahil excited na talaga ako sa mangyayari mamaya.



"Ngiting-ngiti ah, halatang in love ang bebe." pang-aasar ni Kuya sa'kin pagkababa ko.




"Masaya kami para sa'yo bunso, congrats na agad." ginulo naman ni Mama 'yong buhok ko.




Ngumiti ako sa kanila. I'm thankful to have them. Sobrang supportive nila.



"Bibili ka na ba ng singsing ngayon?" tanong ni Papa habang kumakain kami. Tumango ako bilang sagot.



Hinawakan naman ni Mama 'yong kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.



"Here," napatingin ako sa singsing na hawak niya. Iyon ang singsing na ibinigay ni Daddy noong nagpropose siya sa kan'ya. "Gusto kong ito ang ibigay ko kay Josh, dahil sigurado akong gaya ng pag-aalaga ko sa singsing na 'to, aalagaan niya rin ito at pati na rin ikaw, Justin."



"Thank you, Ma." niyakap ko si Mama. "Ang swerte ko sa inyo, swerte rin si Josh sa inyo. At least ngayon, hindi na ako matatakot kapag nawala ako, kasi nand'yan kayo para alagaan siya."




"Para kang tanga, Jah. May balak ka ba na iwan si Josh?" agad akong umiling dahil sa sinabi ni Kuya.



"Syempre wala. Hinding-hindi ko iiwan si Josh."














tbc...

next chapter pala ang last chapter.

ps. 'wag ulit kayo mag-expect sa ending

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Where stories live. Discover now