Chapter 5.0

3.7K 105 5
                                    

CHAPTER 5

Lee POV

Nandito kaming anim sa mansion ng triplets, madalas talaga kaming tumambay dito kaysa sa hideout namin. Pero dito kami sa kusina talaga tatambay dahil maraming pagkain. Sobrang ingay talaga nung lima nangunguna na talaga si kurt, Tim , at si Nick tahimik naman kami ni Mac

" Ano bang klaseng pagkain ito? Mukhang pagkain ng aso?" Naguguluhan na tanong ni Tim habang may dalang plato. Inilapag niya Ito sa mesa

Lumapit kami upang tingnan, kakaiba nga pero mukha naman masarap. Judgemental lang talaga si Tim

" Ano sabi mo? Alam mo bang si Señorito Hellion ang nagluto niyan" sabi ni Manang Marie, itong si manang kung saan saan nalang sumusulpot minsan wrong timing pa

First time ni boss Hellion magluto kaya siguro ganito ang resulta. Natawa kami ng namutla si Tim

" Huh? Ang sabi ko si Nick mukhang aso" sabi ni Tim binawi pa ata ang sinabi kanina

Nareklamo naman ang nanahimik na si Nick

" Alam niyo bang ako ang pinakagwapo sa ating lahat dito" mayabang na sabi niya, na pa irap kami lahat sa sinabi nito.. natawa naman si manang

" Labas nga tayo, ang hangin dito eh" sabi ni Mac

" Ikaw nalang, gusto kong magpahangin sa kahanginan ni Nick eh" natatawang sagot ni Kurt

" Totoo! Alam niyo bang lahat ng babaeng nadadaanan ko natulala dahil sa kagwapuhan ko" sabi pa ni Nick. Natawa kami sa sinabi niya

" g*go! talagang matulala sila sayo, dahil nagtataka sila na katawang tao ka naman pero mukha kanamang aso" walang prenong sabi ni Tim, sa totoo lang may itsyura naman si Nick

" Suntukan nalang oh" mga t*nga! Haha nagkapikonan na

" Hoy G*go! ang sarap" napalingon ako kay Leo ng nagmura ito. Kinain na pala nito ang niluto ni Boss Hellion

Sabay naming tinikman lima at Isa lang ang masasabi ko ang sarap! Titikman na sana namin ulit kaso tinampal ni manang ang mga kamay namin at kinuha yung pagkain

" Magsilayas kayo! Mga patay gutom ito" natatawang sabi ni Manang bago umalis

" Ang sarap pala non" sabi ko habang sinusundan ng tingin yung pagkain

" Si Tim kasi judgemental, sabi pa nga nila na... Don't judge the cover by it's book" b*bong sabi ni Kurt. Natawa tuloy kami

" B*bo nito, Don't judge the book by it's plastic cover kasi yun" Isa pang b*bo na si Leo ang nagsalita. Natawa ulit Kami

" Huh? Don't judge the book by it's plastic cover pala yun?, akala ko Don't judge the cover by it's notebook" inosenteng tanong ni Nick halos namamatay na ako sa kakatawa

Katalinuhan ng tatlong ito 1% kab*bohan naman 99%

* St*pid, Don't judge the book by it's cover kasi yun" natatawang sabi ko

" Magsitahimik nga kayo, puntahan niyo nalang ang tatlo sa kwarto" utos ni manang

" Di ba po ayaw makita ni Miss madre sila Boss Lucifer at Boss Damon?" Tanong ni Mac, oo nga buti nalang Wala dito si Boss Damon dahil baka galit din sakanya si Sister Angel

" Pinatawad na niya kanina ang triplets, Hala sige! Puntahan niyo na sabihin niyo kakain na" sabi ni manang at tinutulak kami palabas sa kusina

++++
&.&. typographical and grammatical ahead!!!

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now