Chapter 30.1

2.8K 92 1
                                    

CONTINUATION:

Hapon na ako ng nagising, dito parin ako sa kwarto ko dati natulog. Sa sobrang pagod ko siguro kaya ganon.. paika ika pa din ako mag lakad nagtataka na nga ang mga anak ko at sa mga maid din na pasimpleng tumitingin sakin. Ipinagbahala ko nalang yun

Kaninang umaga nakita kung halos ayaw ng bumitaw ang mga anak ko sakanila kaya hinayaan ko muna silang mag bonding, binawi lahat ng taon na nagdaan. Pumunta din dito ang lahat ng pinsan nila kina congratulated dahil nauna daw na nagkaroon ng anak ang Triplets tuwang tuwa sila sa mga anak ko. Hindi nila alam na nauna yung dalawang Doctor na pinsan nila.

Pababa pa lang ako ng may naririnig na akong ingay sa living room. My heart won't stop pounding as i watch my son's and their fathers looking and laughing at each other.

Devon laugh when Damon pinch his cheek "Stop it, Dad." sabi pa niya ng habang natatawang inilayo ang mukha. Tumawa nalang din yung tatlo. My sons is waiting for this moment for long and seeing them together now makes me feel so overwhelmed. I wonder if their family knew about my son's already.

Pinagmasdan ko si Lance, ang panganay kong to hindi ko madalas nakikitang tumatawa.

Alam nilang si Lucifer ang totoong Papa nila, sinabi ko yun nung una kaya ng sinabi ko na may dalawang papa pa sila ay medyo naguluhan pa sila don, pero nang ini explain ko sakanila lahat kung anong klaseng pamilya meron ang mga papa nila at anong relasyon na meron kami naintindihan naman nila yun. Beside nakikita ko sa mga anak ko kung saan sila nagmana, siguro nga hindi na ako magtataka kung sakali man mag binata na sila ay iisang babae lang din ang mamahalin nila. Anyway saan nga pala si Hellion at Heixon? May sariling mundo ata ang dalawang yun.

Nagtungo na akong kitchen at napahinto sa pinto ng nakita ang dalawang nagluluto. Si Hellion na naghihiwa ng baboy. Naka apron siya pero tanging pajama lamang ang suot walang damit..ngayon tuloy ay kita kitang ko ang namumutok niyang mga muscles sa braso at sa likod sa tuwing tumatalikod ito. Bumaling naman ang tingin ko sa anak ko na si Heixon naka apron din siya. Ang cute nakita kong habang pinagmasdan niya si Hellion na nagluluto.

" Who's your favorite basketball player son? " Nakangiting tanong niya kay Heixon. Nag angat naman ng tingin ang anak ko.

Sa tingin koy nag isip muna siya bago sinagot ang tanong ng ama " Lebron James! how about you Dad? " natawa si Hellion sa pagiging hype ni Heixon.

Napangiti ako ng hinalikan niya sa noo si Heixon. Nagpo pout na lumayo naman si Heixon at pinahidan ang noo niya kaya mas lalong natawa si Hellion.

" Eww Dad, only mommy allowed to kiss me " sabi pa niya. Nakakatuwa naman talagang panoorin ang dalawa. Sa tingin koy hindi parin nila ako napapansin busy ata.

" Can i ask a question little man? Ilan ba ang manliligaw ng mama mo don sa Hongkong?" Umangat ang kilay ko sa tanong ni Hellion.

" Three... I think Dad. Si Tito Kavin, si Mr. Kang, and lastly our teacher si Mr. Chen, but don't worry Dad hindi namin sila pinayagan ni hawak sa kamay ni mommy ay pinagbabawal namin" Proud pang sabi niya habang may ngisi sa labi. Nang nagtama ang mga mata nilang dalawa ng ilang segundo nagtaka nalang ako ng sabay sabay silang nagtatawanan.

" That's my son. Last question...do you think you're Mom love us? " seryosong tanong ni Hellion kay Heixon. Nakangiting tumango naman si Heixon.

" Of course Dad. Alam niyo po bang may picture kayong tatlo sa kwarto ni mom don sa Hongkong. Nakikita ko ngang hinalikan niya yun pag natutulog na siya.. secret lang natin yun Dad." Natawa si Hellion sa last na sinabi ni Heixon at namula naman ako pano nila nalaman yun? " Palagi niyang ni lolock yung pinto niya pag nagtatrabaho na siya pero dahil matalino kami nabubuksan namin yun at don nakikita namin ang picture niyong Tatlo sa wall kaya alam kung Mahal na mahal kayo ni Mom..Dad" niyakap naman ni Hellion si Heixon.

" We love her so much, Son. Kaya kahit na alam naming hindi niya kami Mahal dati, ni kahit sulyap man lang dati ay hindi niya kami pinagbibigyan, ni kahit nga pagpakilala niya dati ay hindi niya totoong pangalan ang sinabi, mataray din siya samin..pero kahit ganon baliw na baliw parin kami sa kanya. Alam mo bang 10 years old siya at 15 naman kami ng nakilala siya. Sobrang bata diba? Kaya naman nangako kami na pag malaki na siya at nasa tamang edad na siya ay kikidnapin namin siya at piliting pakasalan kami, but then accident happened napurnada yung plano namin" sabi ni Hellion at napapangiti sa tuwing parang may na alala sa nakaraan parang nagbalik tanaw sa nangyari. Na aamoy ko pa ang mabangong niluluto nito.

Pero wait...Ako ba ang tinutokoy niya? 10? Nagkakilala ba kami noon? Bat wala akong na alala. Ano bang ginawa ko nung ten year old ako? Naglalaro ng Barbie? Para namang wala akong alam sa mundo non ni hindi ko alam kung anong mga memories ko nung bata ako. Kumabog ang puso ko ng nagtama ang mga mata namin ni Hellion hindi man lang siya nagulat ng nakita ako para bang alam niya na kanina pa ako rito.

Malungkot na ningitian ako nito na sa akin ang tingin habang nagsasalita " Ilang taon pa ata bago namin siya nahanap, pero ng nahanap naman namin siya hindi parin pwede.. dahil naging Madre siya. Nadagdagan pa ata ang kasalanan namin sa Diyos, pero dahil baliw na baliw kami sakanya ginawa na nga naming kasabihan yung ' kung hindi siya para samin ipilit natin' kaya kinuha namin siya " napangiti naman si Heixon na nakikinig sa kwento ng ama. Binaling naman ni Hellion ang tingin kay Heixon.

" Kaya kayo.. pag binata na kayo at kung nahanap na ninyo yung babaeng kayang pabaliwin kayo..wag niyo nang pakawalan. Pag sinabi niyang hindi niya kayo mahal kidnapin niyo nalang" nakangisi na itong tumingin sakin. Sinamaan ko ito ng tingin kung ano anong tinuturo sa bata. Lumapit ako sa kanila at kinurot ko sa beywang si Hellion na ngayon ay natatawang lumayo sakin

" Mali Heixon, wag niyo yung gagawin " pinandilitan ko siya ng tingin pero nakangisi na itong tiningnan ako. Mariin na pumikit ako at ng dumilat ay masama tiningnan si Hellion na nakangiti sa harap ko gagawin pa ata nilang kidnapper ang mga anak nila. Napatingin naman ako sa pinto ng sunod sunod na pumasok ang dalawang anak ko at sila Lucifer at Damon.

" Tama yun love. Pag hindi siya para sayo, ipilit niyo. Tandaan niyo Son..Dela Vega ang apelyido natin. What Dela Vega wants, Dela Vega gets " malademonyong ngumisi ang Triplets sakin, inosente namang ngumiti ang mga anak ko sakin. Gosh tatanda ata ako ng maaga sa anim sa itlog na ito.

" Ah ganon..What Dela Vega wants, Dela Vega gets ganon pala yon.. oh eh sa labas kayo matutulog! " Sigaw ko at hinihila ang mga anak ko palabas ng kitchen. Narinig ko pa ang reklamo nilang Tatlo pagkatapos nagmamaka awang tinatawag ako. Bahala kayo diyan!

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now