Chapter 13.1

3K 85 1
                                    

CONTINUATION:

Samantha POV

Naboring ako sa katititig sa kisame. Kaya napag desisyonan ko nang maglibot libot sa mansyon

Paika ika pa din akong lumakad pero pag napapatingin sakin ang kasambahay ay ginagawa kong normal ang lakad ko. Napansin ko ring wala si Katty na kahit anino nito ay hindi ko na nakita baka umalis na

Napatingin ako sa dalawang kasambahay na parang nagtatalo. Nasa harap sila nang isang pintuan na na alala kung sabi ni Lola Marie ay pinagbabawal na pasukin dahil daw utos ng triplets. Na curious din ako minsan. Anong meron sa loob? At bakit bawal pasukin

" Anong ginagawa niyo riyan? Hindi ba'y pinagbabawal ng triplets ang pumasok sa kwartong yan" striktang sabi ni Lola Marie na kadadating lang. Bigla namang yumuko ang dalawa

" Sorry po..gusto lang naman po namin linisin" rason naman nung isang babae

" Saan ba ang kukute niyo at hindi niyo maintindihan ang bawal huh!" May galit na sa tono ni Lola Marie. Pati tuloy ako natakot

Napansin ko ang paghulog ng isang bagay na galing sa bulsa ni Lola Marie, may kinuha kasi siya sa bulsa habang ang tingin ay nasa dalawang kasambahay kaya hindi niya napansin ang paghulog niyon

" Sorry po..." Sabay na sabi nung dalawa habang yumuko pa din

" Uulitin ko.. hindi niyo pwedeng pasukin ang kwartong yan naintindihan niyo?" estrikta pa ding sabi ni Lola. Nag unahan naman sa pagtanggi ang dalawa

" Sumunod kayo sa akin may ipag-uutos pa ako sa inyo" utos ni Lola Marie at sabay na silang umalis

Nang makitang malayo na sila ay dahan dahan akong lumapit don sa pinto. Sa sobrang curious ko ay walang pag dalawang isip na binuksan ang pinto pero agad akong nadismaya ng lock pala iyon

" Ano ba yan.." yon nalang ang nasabi ko then I sigh.

Nagdabog ako. Natigilan ako nang may nakitang maliit na susi malapit sa paa ko. Kinuha ko iyon at pinagtitigan. Sa tingin ko'y ito yung nahulog sa bulsa ni Lola Marie, kaya naman pala hindi napansin dahil maliit siya. Kung mahuhulog man ay kunti lang ang ingay na likha. Sauli ko nalang kay Lola Marie

Tatalikod na sana ako sa pinto nang huminto ako ng may biglang pumasok sa isip ko. Tiningnan ko ang pinto pagkatapos tumingin sa susi na hawak ko. ' Ito kaya iyon?' ani sa isip ko

I took a deep breath, calming the fast beating of my heart. Bat ako kinabahan? Pinasok ko yung Susi at napangiti ako ng bumukas ang pinto

Nakahinga ako ng maluwag ng walang nakapansin sakin

Pumasok ako sa loob, bumungad sakin ang medyo madilim na kwarto agad kong isinara ang pinto. Nangangapa pa ako kung saan Ang switch ng ikaw. Nang natagpuan ko iyon ay mabilis kumalat ang liwanag sa loob

Napanganga ako sa nakita kung gaano kaganda ang loob. Malaking family size bed. May kurtinang tumatakip sa bawat glass wall na kulay ash gray katulad ng kulay ng kama. May side tables at stand ng flower vase na makikita . Maaliwalas ang dating dahil wala masyadong maraming displays

Napansin ko agad ang dalawang frame sa ibabaw ng kama. Natatakpan iyon nang White cloth . Nilapitan ko iyon at pumatong sa kama. Sobra sobra ang lakas ng tibog ng dibdib ko habang tinatanggal ang telang nakatakip roon

Namangha ako sa nakita. Una kong tiningnan ang isang frame sa kaliwa kita sa mga mata ko ang pagkamangha habang tinitigan ang mga mukha na nasa malaking frame

Napakaganda niya, nakaupo siya sa upuan habang nakatayo sa likod ang Triplets, mga bata pa ang Triplets rito. Parehong nakangiti kahit na parang pinipilit lang na pangitiin ang triplets, pero kita parin sa mga mata nila na masaya sila. May nakasulat sa ibabaw ng uluhan ng triplets halatang sinulat gamit ang ballpen

" We love you Mom...come back please. We miss you so much" parang may kumurot sa puso ko habang binabasa iyon. Naalala ang kwento ni Lola Marie kung paano namatay ang mama nila kung gaano ka miserable ang buhay nila

Sunod kung tiningnan ang isang picture frame nang isang babae na naka highschool uniform. Napansin ko agad ang nakasulat sa ibabaw ng picture

' Soon Wena, we will promise to get the justice you deserve and we f*cking make sure to hunt down who f*cking did this to you'

Napatakip ako sa bibig ko nang pinagmasdan nang maiigi ang picture. Unti unting lumaki ang mata ko ng napansing kamukha ko ito

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit, sobrang sakit napakunot ang noo ko sa sakit. My vision is spinning and I feel like I'm going to fall

Napaupo ako sa kama habang pumikit ng mariin. A girl image appear my mind.....dugo....may dugo.....

Bumaba ako sa kama habang napasabunot sa buhok, habang tumutulo ang luha ko, may mga imahe na pilit pumapasok. Nang nakalabas ako sa kwarto ay humawak ako sa pader para suportahan ang sarili. Sumasakit pa din ang ulo ko na para bang sinaksak ng punyal ng pa ulit ulit

May parang ala alang pilit pumapasok. I think my brain can't take all the information. May mga ala alang hindi ko alam kung nangyari ba o baka nakalimutan ko. Mas lalo kung hinigpitan ang hawak sa ulo ko

" Lady Sister? Miss madre!!" Huling boses na narinig ko bago ako bumagsak sa lapag and then everything turn black

++++
&.&. Typographical and grammatical ahead!!

A/N: Good Morning ☺️

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now