CHAPTER 1

4K 142 13
                                    

Rashia's POV

I fixed myself first before I finally left my room. I was only wearing a black jacket with khaki t-shirt tucked into my black pants, I also wore the necklace my father gave me on my 18th birthday. The pendant of this necklace is diamond shaped with emerald color.

I went straight to the kitchen to get a sandwich and glass of water. I found my father there, naghihiwa ng sibuyas. He didn't notice my presence because he's busy with what he's doing.

When I finished, I am about to say goodbye and magmamano na sana, but he suddenly spoke.

"Aren't you going to eat rice for breakfast?" Tanong nito sa akin nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Hindi na po" Sagot ko rito habang tinatali ko ang buhok ko na dry na ngayon.

He looked at me, I couldn't help but laugh when I saw his tears fall one after another while his face was just a poker. Hinawakan ko ang pisngi ng tatay ko at binaling-baling ito sa kaliwa't kanan. "Sino nagpaiyak sa tatay ko? Ako lang dapat nagpapaiyak dito at wala ng iba pa!" Panunuya ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako sabay tapik pa sa kamay kong nasa magkabilang pisngi niya.

"Umalis ka na at mag-iingat ka" Pasinghot-singhot nitong sabi sabay punas sa mga luhang nagpapabilisan sa pagbagsak.

"Ang sakit, pinapalayas mo na ang pinaka paborito mong anak. Ang sakit talaga tay, look oh" Sambit ko habang uma-acting na nasasaktan nang nakahawak sa dibdib.

"Manahimik ka Shia, of course you are my favorite child"

"Because?" Hindi mapaghintay kong sambit.

"Dahil ikaw lang ang anak ko" He said making us both laugh.

Nagpaalam na ako sa tatay ko after kissing him on the cheek. I have to hurry, dahil baka pagdating ko roon ay crowded na ang lugar, ayoko pa naman ng gano'n.

Tumingin ako sa orasan ng phone ko, it's eight o'clock in the morning. Balak ko sanang mas maaga pang umalis kaso sinuway ako ng tatay ko, hindi raw maagang nagbubukas ang University kapag weekends. Today is Saturday at bukas ay Monday na dahil sa bilis ng oras at panahon. Jeez.

Sa Stelvion University ang tungo ko. I need to buy some things na alam kong kakailanganin ko sa pagpasok ko sa unibersidad na 'yon.

Pumara ako ng tricycle sa may tapat namin pagkatapos kong maisara ang maliit naming gate. Dali-dali akong nagtungo roon at ngumiti. Nakapinta ang gulat sa mukha ng driver ng lingunin ako nito. Akmang magsasalita pa siya ng bigla akong pumasok sa loob ng tricycle. Kuyang Driver is lucky, kahihinto pa lang niya kasi pero may sasakay na agad sa kaniya. Sumasang-ayon sa'yo ang araw at sana'y sa akin din.

"Kuya, sa Stelvion University. Doon sa tapat ng simbahang malaki. Yung sikat na university. Doon po" Turan ko kay kuyang driver matapos kong pumasok sa loob.

Hindi siya gano'n katanda tulad ng madalas kong makitang namamasada, siguro nga ay kaedaran ko lang si kuyang driver.

"Oo miss, alam ko" Napatikom ako ng bibig sa sinabi ni kuyang driver. Alam naman pala niya edi sana hindi ko na sinabi kung saan ako tutungo, diba?

Ilang minuto lang ang byahe papunta roon, hindi naman kasi gano'n kalayo mula sa bahay namin. Ayoko lang talaga maglakad dahil madali akong pagpawisan at baka pagkarating ko roon ay naliligo na ako sa sarili kong pawis. Pero take note, maganda pa rin ako kahit pagpawisan.

"Miss, nandito na tayo sa Stelvion University. Yung tapat ng simbahang malaki at yung pinaka sikat na unibersidad" Mapanuyang saad sa akin ni kuyang driver nang ihinto nito yung sasakyan niya sa tapat ng malaking gate.

LOCKEDWhere stories live. Discover now