CHAPTER 4

1.6K 106 73
                                    

Rashia's POV

"Tara, lunch tayo?" Aya sa akin ni Wren, tumango ako at sinakbit na ang bag sa balikat ko.

Tapos na ang pang umaga naming klase. Dalawang subject na lang ang kailangan naming pasukan mamayang after lunch, parehas one and a half hour lang 'yon at magkasunod pa kaya baka 3:30 pa lang ay makauwi na kami.

Second day of school na, wala namang masyadong ginagawa't puro discussion lang. Maganda ang schedule namin, dahil once in a week lang kami mayroong pang gabi at tuwing friday 'yon.

Wala pang gaanong tao ng dumating kami sa cafeteria. Maaga pa kasi para mag lunch dahil saktong eleven thirty pa lang ng umaga at ang break time is saktong twelve.

Matapos maka-order ni Wren ng kakainin niya ay umupo kaming dalawa sa bakanteng upuan sa may tabing gilid, nang magkaharap. Tubig lang ang binili ko dahil may pinabaon sa akin si tatay na pagkain, pinakbet.

"Oh, I forgot to buy a drink" Saad ni Wren. Nagpaalam siya para bumalik at bumili ng maiinom niya.

Nilabas ko sa bag ko yung baon ko at inayos iyon sa lamesa. Hindi ako nag-umpisang kumain hanggang wala si Wren, hindi kasi magandang tingnan kung mauuna akong kumain, mas okay ng sabay kami.

Wren came back with a liter of mineral water in her left hand. She's about to sit down in front of me when a man called her.

"Frigia, my lil sister" Saad ng lalaki nang makalapit sa pwesto namin.

Inirapan lang siya ni Wren at tumuloy na sa pagkakaupo. Wren fixed her food on the table first before turning her attention to the man who called her lil sister.

"What are you doing here?" Wren asked using her serious tone.

"I also study in this university, my lil sister" Sagot ng lalaki.

"Stop calling me that" Maarteng sabi ng kaibigan kong si Wren.

Yes, kaibigan ko na siya ngayon.

Napatingin sa gawi ko ang lalaki. Hindi ko naiwasang mapangiwi ng ngumisi siya sa akin.

"Are you my sister's friend?" He asked me. I just nodded as an answer.

"I'm Frigus, Wren's brother" He extended his hand to make shake hands.

Ilang segundo pa bago ko napagdesisyonang tanggapin yung nakalahad niyang kamay at saka siya payak na nginitian.

"Rashia"

"Russia?" Paulit na bigkas ng lalaki.

"It's Ra-shi-ya, Kuya" Masungit na sambit ni Wren sa kapatid niya na ikinatawa naman ng lalaki.

"I was joking. You have a nice name, Russia. Nice to meet you" May ngiting sabi ng lalaking nagngangalang Frigus.

Akala ko ay aalis na siya pero tumabi lang 'to sa kaniyang kapatid na si Wren at inakbayan ito na mabilis naman na inalis ng isa.

"Are you single?" Tanong ni Frigus sa akin.

"No, I'm Rashia" I answered mockingly.

Kita kong napangisi si Wren sa naging sagot ko kaya hindi ko na rin naiwasang ngumiti ng maliit. Nakipag-apir pa siya sa akin, akala mo ay nanalo.

The man shook his head in defeat. "Okay, I need to go na, see you around ladies" Paalam ni Frigus matapos tingnan ang oras sa kaniyang relo. I nodded at him but this friend of mine, Wren, chased his brother away like a dog. Bruhang 'to.

Kumakaway na umalis si Frigus habang patalon-talon pa habang lumalakad. I smiled because he looked so cute, but it quickly disappeared when I saw Wren grinning at me. Alam ko ang iniisip ng isang 'to.

LOCKEDWhere stories live. Discover now