CHAPTER 2

2.1K 125 48
                                    

Rashia's POV

The weekend is really like a blink of an eye, ang bilis nagdaan. Today is Monday and I can't be late on my first day. Huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob. This day should be a good day.

"Kuyang driver!!!" Pagtawag ko kay Santyno. Saktong paglabas ko kasi ng gate ay siya namang pag-andar ng tricycle nito at mukhang paalis na pero wala namang lulan ang loob ng sasakyan niya. Huminto ito pero medyo lagpas na sa gate namin kaya patakbo akong pumunta roon.

Si Santyno, siya yung nasakyan ko papunta sa university at nanlibre sa akin pauwi noong nakaraan, yung mukhang timang kakangiti.

"Kuya, sa Stel—"

"Kuya, sa Stelvion University. Doon sa tapat ng simbahang malaki. Yung sikat na university, kuya. Doon po" He cut me off. I raised an eyebrow at him when I realized he imitated again what I said last time, including my voice.

"Kalma, doon din kasi ako pap—"

"Oo Santyno, doon nga" Pagputol ko rin sa sinabi niya. Natawa na lang ako ng mahina ng bigla itong nagsabi ng okay na parang sumusuko na. Well, nakahanap ka ulit ng katapat mo.

Napansin ko na iba yung ayos niya ngayon kaysa noong nakaraan. He's wearing shoes now, a cream polo shirt and pants, at may nakasakbit pa sa balikat nito na jansport bag, noong nakaraan kasi para siyang tambay sa kanto. Siguro ay may lakad siya ngayon.

"Naga-gwapuhan ka na ba sa akin?" Nang-aasar nitong tanong sa akin nang makita nitong nakatitig pala ako sa kaniya. Napaayos naman ako ng tayo at saka inirapan na lang siya. Masyado siyang mahangin.

"Tara na" Aya ko at yumuko ng bahagya para pumasok na sa loob ng kaniyang tricycle. Ibinaba ko sa gilid ko yung bag ko at sumandal sa sandalan. I let out a heavy sigh at humalukipkip.

I'm just wearing a white crinkled long-sleeve shirt that I matched with my brown trousers. Nakapaloob yung isang side ng long sleeve ko sa pants ko samantalang yung isa ay iniwan kong nakalabas para lang maiba.

Tahimik lang ang naging byahe namin, pero paminsan-minsan ay nagsasalita ito, ngunit kahit isa sa kaniyang mga sinabi ay wala akong naintindihan dahil hindi ko naman kasi siya marinig ng maayos.

"Hoy, tulala ka d'yan. Sabi ko nandito na tayo. Binging 'to" Sabi ng lalaking nasa harapan ko na ngayon, na bahagya pang nakayuko para pantayan ako.

"Narinig ko 'yon" Sabi ko nang marinig ko yung huling sinabi nito.

"Bubulong-bulong pa, maririnig din naman" Bulalas ko.

Sinukbit ko na yung bag ko na nilagay ko kanina sa gilid ko at akma nang lalabas pero lintik na lalaking 'to, humarang sa pintuan ng tricycle, paano ako lalabas nito?

"Tabi nga" Pagtataboy ko kay Santyno para makalabas lang ako ng sasakyan nito.

"Eh ano munang sinabi ko?"

"Biko" Pairap kong sagot.

Natatawa itong umalis sa pagkakaharang niya, kaya naman sa wakas ay nakalabas na rin ako ng tricycle niya. Ang init kaya sa loob tapos may kasama ka pang siraulo.

"Corny mo, bingi ka lang talaga" Pang-aasar nito.

"Parang wala ka namang sinabi" Palusot kong sabi at saka siya tinarayan.

Ang totoo ay hindi ko naman talaga narinig at napansin ang sinabi niya dahil kanina ko pa iniisip kung nailagay ko ba yung form ko sa bag ko.

"Nagtataka ako" Rinig kong sabi ni Santyno. Binalingan ko siya ng tingin, dahan-dahan niyang tina-tap ang sentido niya gamit ang kaniyang hintuturo na tila nag-iisip. Kinunutan ko lang siya ng noo, naghihintay sa kaniyang sasabihin.

LOCKEDWhere stories live. Discover now