Chapter 23

1.9K 59 19
                                    

Deanna's POV

Habang nag dadrive ako papuntang office, hindi maalis yung ngiti sa labi ko, kasama ko kasi yung mahal ko eh.. nakita ko na nakangiti din si Jema.

Nang makarating kami sa office, magkahawak kamay kaming pumasok, nakita ko si Ben na nakangiti habang nakatingin samin ni Jema.

"Hanep! laki ng ngiti bro ha.." asar nya sakin, natawa naman ako

"kasama ko eh.." sabi ko kay Ben

"Hi Jema.." bati ni Ben kay Jema

"Hi Ben.. si Jho?" tanong ni Jema

"Ah nandon sa office ko.. puntahan mo?" tanong ni Ben

"No, mag tatrabaho kami.." singit ko, natawa naman si Ben

"Ikaw lang mag tatrabaho, si Jema hindi.." sabi ni Ben sakin

"Hahahah, bro.. si Jema yung secretary ko ngayon.." sabi ko kay Ben, sabay kindat.. at nag lakad na kami ni Jema papunta sa office ko.

Narinig kong tumawa ng malakas si Ben.

"hahahahahaha Ay iba.. gawin ba namang secretary yung girlfriend.. hahaha" sabi nya, hindi nalang namin sya pinansin

Nang makapasok kami sa office, nilagyan ko ng isang upuan sa tabi ng upuan ko, pagkatapos tumingin ako kay Jema..

"B, dito ka uupo ok?" sabi ko sa kanya, natawa naman sya sakin.

"Ano ka ba.. dapat doon ako sa tabi ni Thang.." sabi nya, agad namang kumunot yung noo ko

"dito ka lang sa tabi ko B..." sabi ko sa kanya

"haha Oo na po, sa tabi mo na ako.." sabi nya habang natatawa.

Maya maya pumasok si Thang..

"Sir----- ay hi Jema.." bati sakin ni Thang habang nakangiti..

"Hi Thang, dalawa daw tayong secretary ngayon ni Dean.." sabi ni Jema kay Thang

"Ay bet ko yan... hahaha!" masayang sabi ni Thang

"B.. gusto mo ng coffee?" tanong ni Jema sakin

"Sure baby.." nakangiting sabi ko.

Tumingin naman ako kay Thang, parang namumutla sya..

"Thang Ok ka lang?" tanong ko kay Thang

"O-Opo ser hehehe.." alanganin na sabi ni Thang. 

Problema nito?

"B, alis muna ako ha.. titimplahan lang kita ng coffee.." paalam ni Jema

"Ok po, dyan lang yung pantry B, sa tabi nitong office ko.." sabi ko kay Jema.. tumango naman sya habang nakangiti.

Pagkalabas ni Jema, tumingin ako kay Thang. 

"Thang, ok ka lang ba talaga?" tanong ko kay Thang

"A-Ahhh kasi s-ser ano.." utal na sabi ni Thang

"Ano?" tanong ko

"ehemm.. s-ser n-nandito po s-si Ms. J-Jov-----"

"Hi Deanns, honey my love!" naputol ni Thang yung sasabihin nya dahil biglang pumasok si Jov..

"Ayan na nga ser yung sasabihin ko.." bulong ni Thang sakin..

Agad na nanlaki yung mata ko..

Shet..! bat ngayon pa??!

Iniiwasan ko to eh..!

Halos nanlamig yung buong katawan ko at kinabahan din ako..

Wala naman kaming relasyon nito, kaso ayaw kong mag selos si Jema..

ForevermoreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora